~*~
CHAPTER 14: GIFT~*~
JILLIAN."Baby, gising na." sabi ni Ate habang tina-tapik yung chubby cheeks ko.
"Bakit? Ina-antok pa ako, Ate." sabi ko, kainis naman si Ate eh.
"Sabi mo, sasamahan mo ako?" sabi ni Ate.
Ay oo 'nga pala! Bigla akong napa-upo sa kama.
"Anong oras ba 'yun, Ate?" sabi ko habang kinu-kusot ko yung left eye ko.
"6:00 PM, baby." sabi ni Ate, napa-tingin naman ako sa clock na nasa table katabi ng kama ko.
"Ate, bakit ngayon mo lang ako ginising?!" nai-iritang sabi ko at tumayo na ako.
"Sorry, masyado ka kasing himbing kanina pa. Kaya bilisan mo na diyan, magbi-bihis na ako!" sabi ni Ate at lumabas siya ng kwarto ko.
Alam ninyo ba kung anong oras na? 5:30 PM na! Letche kasi 'tong Ate ko eh, ngayon lang ako ginising.
Naligo na ako, ligong itik lang! Aba, anong oras na eh. Nakaka-hiya naman kung late kami 'no!
Pagka-tapos 'kong maligo, narinig 'kong sumigaw si Ate mula sa kwarto niya.
"SUOTIN MO YUNG NAKA-HANG NA COCKTAIL DRESS SA LIKOD NG PINTUAN MO!" sigaw ni Ate, nakita ko naman agad yung gown. Teka, ano 'bang meron sa pupuntahan namin ni Ate?
Akala ko pa naman, magce-celebrate kami ng birthday ko. Pero hayaan na, mukhang maraming handa 'dun sa pupuntahan namin ni Ate. Mukhang debut.
"Anong okasyon 'bang meron 'dun sa pupuntahan natin, Ate?" sabi ko pabalik.
"Basta! Andaming tanong eh, bilisan mo na diyan. Tsaka 'nga pala, yung heels mo nasa ibaba. Suotin mo 'din ha! Yung kulay itim." sabi ni Ate, aba bongga!
Bumaba ako at kinuha ko yung heels, antagal naman ni Ate. Bumalik ulit ako sa kwarto ko, tapos doon ko sinuot yung heels ko.
"Halika dito baby, lalagyan kita ng make up." grabe? Make up, talaga? Hindi ba pwedeng polbo nalang tsaka lipstick?
"Light make up lang ha! Sasabunutan kita, Ate." sabi ko kay Ate.
"Oo! Alam ko namang ayaw 'mong maging clown doon eh, kaya light lang talaga." sabi ni Ate.
Aba, ipinagkumpara pa talaga ako sa clown? Sabunutan ko kayo isa-isa!
Oo na, brutal na kung brutal pero mabait ako. Honesto, pramis!
"Sumakay ka na ng van, baby!" sabi ni Ate.
Infairness, ang Ate ko naka-red na cocktail dress. Osya, kami na kambal.
Piniringan ako ni Ate.
"Hoy, Ate! Ipapa-salvage mo na ba ako? Ano 'to, holdap? Hoy, huwag ngayon! Bata pa ako, sa susunod na Ate!" sabi ko.
"Shhh, ang ingay mo naman baby. Hindi kita ipapa-salvage 'no! Matagal pa 'yun!" sabi ni Ate at humalakhak ng tawa.
Buset, ano na namang gagawin ni Ate sa akin! At bakit kasi sa van pa?
BINABASA MO ANG
Every Girls' Dream [Gimme 5]
Fanfiction"Falling in love is like falling asleep, slowly then all at once." Year Started: 2014 Date Edited/Revised: May 02, 2016 © unknownheartaches, 2014