Missing
~*~
JILLIAN ROCHE"Anong gina-gawa mo dito?" napa-mulat ang mga mata ko dahil sa na-rinig ko.
'Nang makita ko si Ynova na naka-dungaw sa mukha ko ay dali dali akong tumayo.
"Ynova!" singhal ko, habang inis akong nagpa-pagpag ng palda.
"Ang cute mo pala kapag natu-tulog, lalo na kapag naga-galit ka." naka-ngiti niyang sabi sa akin.
Nan-laki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
'Ka-lalaking tao, napaka-feeling close!'
"At sinong nag-sabi sa'yo na natu-tulog ako?! Nandito ako para mag-pahinga, alis!" sigaw ko naman sa kanya at nag-lakad pa-layo.
Gusto 'kong mapag-isa! Lintek na, hindi ko talaga alam kung bakit nagkaka-ganun yung Brace Henry na 'yun eh! Selos ng selos, wala namang kami!
"Nakaka-buwiseeet!!!" sigaw ko, habang ginulo ko ang buhok ko.
Badtrip talaga! Nakaka-badtrip talaga! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, peste!
Na-upo ako sa Mini Forest, harapan lang ito ng Gymnasium namin.
Naalala ko na may pinapa-gawa 'nga pala sa akin si Sir, kaya naman tumayo ako at pumunta sa loob ng Gym.
Habang nagla-lakad ako ay kitang-kita ang malaking tarpaulin na naka-lagay na . . .
"WELCOME LYNEA COMPANY!"
At napa-tigil ako sa pagla-lakad. Napa-isip ako, at naalala ko na isa ito sa mga business partner ng school na pina-pasukan namin.
*Pronunciation: /lai•ne•ya/*
Bukod sa APSA Corp, ay isa 'rin 'yan sa may malalaking ambag sa school namin.
"Ano, ayos ba?" napa-talon ako sa gulat ng may mag-salita si Henry sa likuran ko.
Aba't naka-pamewang pa ang loko. Naka-ngiti pa siya habang tinanong niya ako 'nun.
"A-ah, oo naman. Ayos naman." sabi ko.
"Ba't 'nga pala kasama mo si Ynova sa open area kanina?" tanong niya sa akin habang sa tarpaulin ang tingin niya.
'Paano niya nalaman?! Is he stalking me?'
~*~
BRACE HENRYTakang tingin ang nakita ko sa kanya 'nang lumingon ako sa kanya.
"Ano, bakit mo 'nga kasama?" tanong ko pa ulit habang sa kanya naman ako naka-tingin.
"Hindi ko talaga alam ang takbo ng kokote mo, Brace Henry! Ka-lalaki 'mong tao, napaka-seloso! Selos ka ng selos, wala namang tayo! Bakit? Ano 'bang tingin mo sa atin? May label? Mag-selos ka kapag may label na tayo! Meron naman, "friends" 'nga lang. At para hindi ka emote ng emote diyan, wala namang salitang "tayo". Mag-isip ka muna, gusto 'kong mapag-isa." sunod na sunod na sabi niya at tumalikod na.
'Peste! Hindi ko alam kung anong gagawin ko!'
Pero may point naman siya, bakit 'nga ba ako nagse-selos? According to her at sa nalalaman ko ay wala namang "kami"?
Hindi ko pa naman siya tina-tanong kung puwede ko ba siyang ligawan. At wala pa akong balak, dahil baka hindi pa siya ready o baka bawal pa siya. Naghi-hintay ako ng perfect timing.
'Ang dami ko ng nalalaman!'
Na-iwan lang akong hindi maka-paniwala sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko na siya hinabol pa dahil sabi niya ay gusto niyang mapag-isa. Ang alam ko ay kapag sinabi 'daw ng babae, huwag ng kumontra.
'Hindi ko naman alam kung totoo 'yun.'
Nash Aguas calling . . .
"Oh? Napa-tawag ka?" takang tanong ko.
"Pare! Nasaan ka na ba?! Kanina ka pa namin hina-hanap! Saan na ba kayo na-padpad ni Jillian?" bahagya ko namang nai-layo ang cell phone ko sa tainga ko. "Late lang kayo, hindi na kayo bumalik! Bilisan ninyo, nandito lang kami sa Library. Kumpleto kami dito, kayo lang kulang! Aasahan naming dadating kayo, huwag paasa! Bye!"
*toot . . . toot . . .
Bastusan, amp. Lintek! Paano ko hahanapin si Jillian nito?!
Napa-sapo ako sa noo ko at walang na-gawa kundi ang pumunta nalang ng Library na mag-isa. Oo! Mag-isa! Hindi ko na hahanapin, dahil sinabi niya eh. Bahala na 'nga!
'Pinai-iral mo na naman ang ka-abnormalan mo, Brace Henry.'
Na-tanaw ko naman agad ang barkada na naka-upo sa harapan ng Library.
"Uuuy!!! Hindi 'nga siya paasa, mga Bro! Hehehe—hoy, nasaan na yung nililigawan mo! Ano! Ba't 'di kayo magka-sama?! Woy! Usong sumagot, ha! Kanina pa kina-kausap eh!" sunod sunod na tanong ni Nash sa harapan ko.
'Para na namang itlog 'to, tss.'
"A-ano ba! Manahimik ka 'nga! Hindi ko siya nili-ligawan, okay! Tsaka, 'di ko alam kung nasaan siya. Gusto niy—"
"WAAAHHH!!! NASAAN SI JILLIAN?! BAKIT HINDI MO SINUNDAN! BAKA KUNG ANONG GAWIN 'NUN! ALAM MO 'BANG SUICIDAL YUNG BATANG 'YON?!" bigla namang sumingit si Jenny sa usapan.
"Pare! Ba't mo iniwan?" takang tanong ni John.
'Amp, mag-syota 'nga 'to.'
"Ano ba! Ang dami ninyong dakdak eh! Hindi ninyo 'ko pinapa-tapos sa sina-sabi ko. Hindi ko alam kung nasaan siya, gusto niya 'raw mapag-isa, okay. Tawagan ninyo nalang." sabi ko pa.
Ginawa naman ni Jenny. Bakas sa mukha nila ang paga-alala nila para kay Jillian.
"Un-attended." sabi ni Jenny, habang ibinaba ang cell phone niya at ini-lagay sa bulsa.
"Alam ninyo, mas mabuti 'pang hanapin natin si Jillian kaysa sa mag-hintay ng himala dito. Maghiwa-hiwalay tayo, para mabilis nating makita si Jil." tatango tango naman kaming sumang-ayon sa sinabi ni Nash.
"John at Jenny, sa High School Building kayo ha! Libutin ninyo yung mga classrooms, baka nandun lang 'yun. Kami ni Grae ay sa Canteen, baka kuma-kain lang 'yun doon. Joaquin, sa Lobby. At Brace, balikan mo ang mga na-puntahan mo kanina bago pa siya mawala sa paningin mo." page-explain pa ni Nash.
"Make sure na naka-bukas ang mga cell phone ninyo, iisa-isahin ko kayo kapag hindi. Mag-text kayo kapag nakita ninyo na. Mag-kita kita nalang ulit tayo dito. Ano, game?"
"On three!" ini-lagay naming lahat ang kamay namin sa gitna. "Three, Two, One . . . Lez go!" at sabay sabay kaming nagsi-takbo kung saan kami naka-assign.
Lintek na 'yan, saan ka na ba kasi pumunta?!
BINABASA MO ANG
Every Girls' Dream [Gimme 5]
Fanfiction"Falling in love is like falling asleep, slowly then all at once." Year Started: 2014 Date Edited/Revised: May 02, 2016 © unknownheartaches, 2014