Pangako
~*~
BRACE HENRY.May bagong task, maze siya. Kaylangan ninyong maka-labas ng buong magkaka-grupo sa assigned exit. Kunwari...
Kunwari na naman, 'di ba pwedeng totohanan naman?
Dito sa left side kayo in-assign ng tour guide ninyo, ang labas ay sa right side. Ganon.
"Okay, Team Extra Rice are you ready?!" at sumigaw naman ang aming kalaban na ready na sila.
"How about Team Unli Rice, are you ready?!" at sumigaw ako ng malakas kasama na ang mga ka-grupo ko, pero may maliit at matinis na boses akong narinig mula sa tabi ko.
Si Jillian pala, Jillian Roche Bueno. Hays, ang cutie niya talaga.
"Henry, may dumi ba sa mukha ko?" sabi ni Roche at ini-wagayway niya ang kanyang mga kamay sa aking harapan. Nag-snap pa 'nga eh.
"Wala, ah." sabi ko naman at ngumiti ako ng napaka-lawak.
"Eh, bakit ka naka-tingin sa mukha ko?" pagta-taka niya.
"Ang cute mo kasi..." sana naman, hindi narinig ni Roche 'yun, 'no. Nakaka-hiya, baka madulas ako.
Napa-tigil siya sa sinabi ko.
"Salamat! Cute talaga ako, tsaka maganda pa. In-born na 'yun." sabi niya at ngumiti siya.
Yung ngiting ngayon ko lang ulit nakita.
Ganito yung ngiti niya sa tuwing magka-sama sila ni Joaquin, yung ngiting in-alagaan niya ngunit iniwan 'rin. Tanga talaga 'nung lalaking 'yun eh, pero masaya ako na ganito na yung closeness namin ni Roche.
"Ready, get set, Go!" at sa top kami in-assign. Edi ang baba naman namin ay sa bottom. Pa-unahan lang, kung sinong ma-una may dagdag na point.
Maraming pasikotsikot na daan dito, at may mga tubig 'rin, medyo lampas ng paa dahil umulan kanina. Rain or Shine kami, parang sa laro lang ng Football. May mga bato 'rin, yung bato na parang pebble type.
Nasa unahan ko si Roche, bina-bantayan ko siya. Hinawakan ko ang beywang niya ng biglang bumagal ang kanyang takbo.
"Roche, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Hinila niya ang braso ko, at sumantabi kami.
Tinanggal niya ang kaniyang tsinelas at itinaas ang kaniyang kanang paa. Kanina pa siya hindi nagsa-salita, alam 'kong hindi siya okay.
"Roche, anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Ang hapdi, may sugat ako. Na-dali ata 'nung matulis na bato." sabi niya na alalang alala siya sa kaniyang paa.
"Patingin 'nga ako, saan banda ba?" pagta-tanong ko.
"Sa bandang baba sa kanan." kina-kapa kapa ko yung medyo baba sa kanan.
"Ah! T-teka, masakit Henry." sabi niya, sabay bawi ng paa niya.
"S-sorry, h-hindi ko sina-sadya." kabadong sabi ko.
"Ayos lang, masakit lang talaga. Hehehe, sorry." sabi niya.
"Oh, anong nangyari kay Jillian, pare?" tanong ni Nash, na nagha-hanap 'rin ng mala-labasan para sa maze.
"May hiwa yung paa, gawa 'nung bato." sabi ko, at pa-tuloy ko pa 'rin na inaa-alalayan si Jillian.
BINABASA MO ANG
Every Girls' Dream [Gimme 5]
Fanfic"Falling in love is like falling asleep, slowly then all at once." Year Started: 2014 Date Edited/Revised: May 02, 2016 © unknownheartaches, 2014