[EGD]: Chapter 27

13 2 0
                                    

Friendly Date

~*~
JILLIAN ROCHE.

Pagka-tapos 'kong kumain, wala akong ma-isip na puwedeng suotin para sa "friendly date" namin ni Brace. Kaya, pina-punta ko si Jenny dito.

Tinawagan ko si Jenny.

"Jenny!" sigaw ko sa kabilang linya.

"Oh, bakit? Ang ganda ng pam-bungad mo, walang good morning, ah?" tumawa lang ako ng mahina.

"Ah, ano kasi! Wala akong ma-isip na isu-suot mamaya? Punta ka dito, pleaaase. Malapit lang naman yung bahay ninyo sa amin. Wala si Ate dito, alam mo naman 'di ba? Nasa OJT si Ate, kaya gora gora ka na dito, biliii!" sabi ko, at pagpu-pumilit ko sa kanya. Ang lapit lapit ng bahay, hindi maka-punta!

"Oo na! Ito na 'nga, mali-ligo na eh! Ikaw ha, sinong ka-date mo? Nako nako, maka-ligo na 'nga at ng matulungan kita diyan! Pambihira talaga 'to, walang alam sa fashion. Sige na, mali-ligo na ako! Echosera." aba! Binabaan ako ng tawag, ke-bastos na bata!!! Buwiset! Kapag 'to dumating mamaya, hampas agad abot nito sa akin! Nakaka-inis!

•••

Lumipas ang ilang minuto at may nag-doorbell na sa labas, na tumunog naman dito sa loob.

"Saglit lang! Ay, teka. Bukas pala 'yan! Pasok ka nalang!" best friends be like, bahala na. *wink*

"Gaga ka talaga! Agang aga pinapa-punta mo ako dito." sabi niya at hinampas niya ako.

"Bakit ka pumunta?" nata-tawang sabi ko.

"Sabi mo eh! Tanga ka ba?!" napa-tawa nalang ako ng malakas.

Bigla niya akong sinabunutan.

"Aray! Grabe ka sa buhok ko, kaka-suklay ko lang!" sabi ko at in-angkin ko yung buhok ko.

"Ayan ang napa-pala ng mga tanga, sino 'bang ka-date mo?!" napa-ngiti lang ako sa tanong niya.

"Secreeet, kumain ka na ba? Kumain ka muna! Bili bili, maraming pagkain sa baba." sabi ko sa kanya, nan-laki naman ang mata niya dahil sa narinig niya. Well, taken na siya ng pagkain at ni John. HAHAHA, loyal sa dalawa 'yan eh.

"Aayusan muna kita, bruha ka. Sino 'ngang ka-date mo? Tsaka, anong oras ka ba susunduin? Ikaw haaa, hindi ka na nagku-kwento sa akin! Nakaka-tampo ka na." sabi niya.

"Si Brace, niyaya akong lumabas. Kaya heto, sasama naman ako. Nakaka-hiya naman kung hindi ako pupunta, tsaka wala si Ate dito! Boring, walang ma-gawa. Sa tingin mo, naka-move on na ba talaga ako kay Joaquin?" napa-ngiti nalang ako ng matipid, habang sinu-suklayan niya yung buhok ko at naka-harap sa salamin.

"Alam mo, Bessy? Mamaya na natin 'yan pag-usapan 'yan, pag-uwi mo na. Sige na, aayusan muna kita para kay Brace! Yieee, naman! Luma-lovelife ka na, okay lang 'yaaan. Support kita diyan, Bessy." sabi niya at niyakap niya ako.

Ma-suwerte talaga ako kay Jenny, kahit may John 'to. Aba, ako pa 'rin talaga pinuntahan niya. Hmm, papuntahin ko kaya si John dito mamaya? Well, mag-tulong sila dito sa bahay mag-linis. Wiiie.

"Kukulutin natin yung buhok mo, tapos iipitin ko ng maayos. Okay? Tapos polbo ka nalang, tsaka lipbalm! Okay na 'yun, tsaka mag-dress ka. Yung simple lang, tsaka flat shoes lang." napa-ngiti nalang ako.

Every Girls' Dream [Gimme 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon