[EGD]: Chapter 30

13 2 0
                                    

Visit

~*~
JILLIAN ROCHE.

"Roche, gising na." pagkaka-rinig ko ng may tuma-tapik sa balikat ko.

Pag-mulat ko, si Henry pala! Aba, naka-ngiti pa. Umaga na pala? Naka-tulog pala ako sa pinapa-nood namin.

"Bangon na, kakain na tayo." sabi nito, ngumiti ulit siya, sabay nag-unat ako.

Hay, panibagong araw na naman? Parang ang bilis naman ata ng araw, nagsa-saya pa ako eh! Bida bida, kainis.

Tumayo ako at ginawa ang daily routine ko, magta-tali ng buhok, titingin sa salamin at magi-isip.

Sinayang niya pala yung ganito ka-gandang babae, ano? Sayang!

Pero, moving on. Hilamos, check! Tootbrush, check na check! At bumaba na ako.

Ang bango naman, amoy pa lang nakaka-gutom na! Sino kayang nag-luto?

"Oh, Jillian! Kain na dito, bili. Nag-luto si Brace ng agahan natin." panga-alok ni Jenny sa akin na kumain.

Pagka-dating ko sa lamesa, nakita ko yung pancakes. Ohmy, pancakes! Si Henry ang nag-luto nito? Perfect na perfect! Perfect circle!

"Roche, kain na. Ito, oh. Maple Syrup?" alok nito at umupo na ako sa hapag. Ini-abot sa akin ni Henry yung syrup.

Hanggang ngayon, hindi pa 'rin ako maka-paniwala na si Henry ang nag-luto nito. Ang galing. Kapag ako nag-luto, malamang palpak 'yun.

Si John, nag-luto 'din kaya?

"Oy, tumulong kaya ako kay Brace mag-handa 'nung mga ingredients!" singit naman ni John na kala-labas ng banyo na halatang nag-hilamos.

"Tumulong lang, hindi nag-luto. Okay?" ang harsh namang girl friend nitong si Jenny!

"Mabuti pa, kumain na tayo. Huwag na kayo mag-away." sabi ko, at kumuha ng tinidor.

"Say, ah!" sabi ni Henry. Mukha ba akong baby para subuan?

"Henry, mukha ba akong bata para subuan mo ng pancakes?!" sabi ko, at inilayo ko yung kamay niya.

"Sige na, Roche. Pleaaase? Isa lang!" pagmamaka-awa nito, kaya isinubo ko nalang.

Mmm! Masarap, sobrang sarap!

"Ano, okay ba?" tanong ni Henry.

"Oo naman! Masarap, tamang tama lang yung lasa." sabi ko.

Bigla naman niyang pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Sorry, may syrup kasi. Halatang matakaw ka!" panga-asar nito.

At tumawa nalang kami. Yung dalawa naman, kung mag-subuan ng pancakes akala mo wala ng bukas eh.

"Huwag masyadong sweet, pati yung asin nila-langgam!" sabi ni...

"Ate Shena!" sigaw naming lahat at pinuntahan namin siya sa may pintuan para isalubong.

Ako naman, yumakap kay Ate. Na-miss ko si Ate! Kahit isang araw lang kaming hindi nag-kita.

Every Girls' Dream [Gimme 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon