~*~
CHAPTER 19: TAGAYTAY (PART 1)~*~
BRACE.Ang sweet sweet nila sa isa't isa, bakit ganun? Parang buong biyahe, eh naka-tingin lang ako sa kanilang dalawa habang silang lahat ay tulog. Mukhang pagod na pagod sila, pero ako matagal ng pagod. Joke lang, hinding hindi ako mapa-pagod na mag-hintay para sa kanya. Alive na alive ako kanina habang buma-biyahe. Halos andami 'kong ini-isip kanina, baka mamaya mabaliw na ako kaka-isip kay Jillian. Joke lang ulit, hehehe.
Joke ka diyan, mag-joke ka ng sa sarili mo. Huwag kami, don't us.
Oo na, hindi lahat ng jokes nakaka-tawa. Minsan 'nga, joke daw pero totoo na pala. Parang yung nararamdaman ko para sa kanya, akala ko joke lang pero ayun, totoo pala.
Kapag ang ini-isip ko si Jillian, napu-punta kay Joaquin eh. Kaya ayaw 'kong topic 'yun kanina. Ini-iba ko 'nga, eh ganun pa 'rin eh. Jillian at Joaquin pa 'rin ang ending ng ini-isip ko.
Sabi nila picnic lang, pero mukhang aabutin kami ng ilang araw dito dahil andami nilang dinalang damit.
Nandito na kami, actually kanina pa 'nga eh. Hindi ko lang sinabi sa inyo. Hiwalay ang kwarto ng girls sa boys.
Oo, beach 'to. Pero picnic lang daw, ang gulo nila eh. Bahala sila diyan.
((A/N: Meron 'bang beach sa Tagaytay? HAHAHA, kapag wala imaginin ninyo nalang.))
Nandito lang ako, as usual mag-isa na naman. Gusto ko lang sabayan yung pag-lubog ng araw. Ang ganda kasing tignan.
Hindi ko 'nga alam kung nasaan sila eh, ang natira lang sa kwarto ng boys eh si Nash. Pagod daw kasi siyang mag-drive, kaya ayun magpapa-hinga nalang daw siya muna. Bonfire nalang daw mamayang gabi.
Hays, ang ganda talagang titigan yung sunset. Maganda lang, parang si Jillian.
"Mahal mo talaga siya, 'no?" napa-tingin tuloy ako sa gilid ko at napa-tingala ako dahil naka-tayo siya, si Laila lang pala.
"Ah, ikaw pala 'yan. Oo naman, mahal ko talaga siya eh." sabi ko.
"Uhm, pwede ka 'bang samahan dito?" sabi niya.
"Oo naman, bakit hindi?" sabi ko at umupo na siya sa tabi ko.
"Anong pakiramdam ng umaasa?" tanong niya, at ako naman nagulat kasi parang siya lang ata nag-tanong sa akin ng ganyan.
"Bakit mo naman natanong 'yan?" sabi ko.
"Basta, sagutin mo kasi ng seryoso." sabi nito.
"Masakit pero hold on lang. Kasi hangga't wala ka 'pang gina-gawa, hindi ka mapapa-sa kanya." sabi ko.
~*~
LAILA.Nakita 'kong mag-isa na naman si Brace, malamang si Jillian na naman ang nasa utak nito.
Gusto ko lang siyang kausapin at tanungin ng kung anong pakiramdam ng umaasa. Kasi ako, isa 'rin ako sa umaasa eh. Baka maka-relate ako sa kanya.
Kabado ako. Jusko Laila, si Brace lang 'yan oh! Hindi siya nangangain ng tao.
"Mahal mo talaga siya, 'no?" tanong ko, agad agad. At napa-tingala naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Every Girls' Dream [Gimme 5]
Hayran Kurgu"Falling in love is like falling asleep, slowly then all at once." Year Started: 2014 Date Edited/Revised: May 02, 2016 © unknownheartaches, 2014