Readers, I cutted the last chapter kasi super haba na. So this is our part two! Hope you're still reading, thank you sa mga nagba-basa pa 'rin kahit late na yung update ko. I'm sorry about that, pero ito na! Enjoy reading, lovelots.
Dedicated kay Ate Ann, @axxbyun because she gave me an idea. Thank you so much, Ate Ann. :*
~*~
CHAPTER 14.2: THANK YOU SA GIFT
"Brace, wala pa 'rin ba siya?" tanong ko kay Brace.
Huminga ng malalim si Brace at hinawakan yung magka-bilang balikat ko.
"Sorry Jillian, pero hindi pa siya nagre-reply eh. Enjoy nalang natin yung party mo, tara?" sabi niya at tumango nalang ako.
Nasaan na kaya siya? I checked my phone, its already 8:45 PM. Umuwi na 'nga si Daddy at Ate dahil pagod sila, lalo na si Daddy. Sila Grae na daw ang magha-hatid sa akin because magka-subdivision lang kami niyan.
Sa totoo lang, until 10:00 PM lang kami dito. I still can't believe na ginawa nila ang lahat ng 'to sa akin. There's so many roses and other petals na naka-kalat sa floor, red and white roses.
Tapos andami-daming christmas lights na naka-sabit, tapos puro candies yung table. Candy Buffet for short, grabe antanda ko na pero nagca-candy buffet pa 'rin ako.
Ganun talaga kapag maganda, masya--
"Jillian!" 'nang may tumawag sa pangalan ko, bigla akong napa-lingon kung saan galing. Si Jenny lang pala, ansarap na ng upo ko dito sa mesa at kuma-kain ako ng stick-o eh.
"Bakit?" I asked.
"Umupo ka 'nga dito sa tabi ko." sabi niya at sinunod ko.
"Kanina ka pa lutang ah, hini-hintay mo pa 'rin ba siya?" sabi niya at tumango nalang ako. Hindi ko kasi feel na mag-salita ngayon eh.
"Aish, bakit ko 'nga pala nai-open 'yang topic na 'yan sayo? Tara, maki-sali tayo sa kanila. Nagla-laro sila oh." sabi ni Jenny at tumayo na siya. She's still waiting na maka-tayo ako.
"Ayo--
Tara naaa, masaya 'to." sabi niya at hinila niya ako. Hays, ano pa 'nga ba maga-gawa ko diba? Hindi ko naman siya pwedeng tanggihan dahil bespren ko ito at party ko 'to.
"Oo na! Pupunta na ako, ano pa 'bang maga-gawa ko? Tsaka, masakit yung pagkaka-hila mo sa akin ha! Take note, hindi ako lubid!" sabi ko at nag-tawanan sila, eh bahala sila diyan. Mukha silang ewan, mga panget! Hmp!
~*~
JOAQUIN."Mommy, matagal pa ba dadating yung ipapa-kilala mo sa akin? Kailangan ko na kasing bumalik ng bahay, I promised na makaka-sama ako tap--" hindi na-tapos yung sasabihin ko kasi may kumatok sa labas.
"Maybe nandiyan na siya, buksan ko lang yung gate." sabi ni Mommy, kainis naman eh! Buset talaga, bakit pa kasi sumabay 'tong family reunion?
Nandito lang ako sa salas, naka-upo. At oo, dito sa bahay nila Lola sa Quezon ginanap yung reunion dahil malaki ang garden nito. Wala naman akong kilala, so naka-upo lang ako. Bahala sila 'dun sa garden, kanina pa kasi 'tong ipapa-kilala ni Mommy eh. Antagal dumating, edi sana kanina pa ako naka-punta sa party ni Jillian diba?
BINABASA MO ANG
Every Girls' Dream [Gimme 5]
Fanfikce"Falling in love is like falling asleep, slowly then all at once." Year Started: 2014 Date Edited/Revised: May 02, 2016 © unknownheartaches, 2014