"Doc. Kaiden, may naghihintay po sa inyo sa labas. Misis niyo raw po." Pagbabalita ng isang nurse na sumilip sa kinaroroonan nilang silid. Nadisturbo tuloy ang seryosong pagsasawa nila ng activity sa inusal ng nurse na 'yon. Umingay ang silid at pinaulanan siya ng tukso ng mga kasama. Lahat ay gulat na gulat dahil ang pagkakaalam ng kanyang mga kasamahan ay wala siyang nobya.
"Shocks!"
Dali-daling lumabas ng silid si Kaiden upang puntahan ang taong naghihintay sa kanya at muntik pa siyang madulas sa sahig sa pagmamadali. May ideya na siya kung sino ang tinutukoy ng nurse na misis raw nito. Wala naman siyang ibang inaasahan na mangungulit sa kanya kundi si Dreams lang. Hindi niya inaasahan na sasadyahin siya ng babae sa ospital at ang malala pa roon ay nagpakilala bilang misis nito.
Malayo pa lamang siya ay natanaw na niya si Dreams na naroon sa isang sulok, nakaupo at mukhang siya nga ang sinadya nito. Nakaramdam si Kaiden ng inis lalo na't nakita niya na sumilay sa labi ni Dreams ang napakalaking ngiti pagkakita sa kanya. Tumayo kaagad ito upang salubungin siya pero walang ibang maramdaman si Kaiden kundi inis at galit.
"Hello, Daddy Doc." Sambit ni Dreams at kumaway pa ito. Malapad ang mga ngiti nito na sumilay sa kanyang bibig. Halos mapunit na ang labi nito sa laki ng kanyang ngiti sa labi. "Kumain ka na ba breakfast? Hindi pa? Sakto, dinalhan kita, heto oh."
Nakatitig lamang si Kaiden sa inalok ni Dreams na paperbag sa kanyang harapan. Pagkatapos ay kunot-noo niyang tinitigan ang babae't marahan na hinawakan ang kaliwang braso saka iginaya ito sa gilid, malapit sa may hagdanan. Ayaw ni Kaiden na may makakita sa kanila dahil tiyak pag-uusapan siya sa buong ospital. Hindi pa naman niya nababasa ang nasa isip ng ibang tao kaya nag-iingat siya sa posibleng mangyari.
"What are you doing here? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na 'ko?" Singhal ni Kaiden kay Dreams, chineck pa niya ang paligid upang siguraduhin na walang nakakita sa kanila.
"Dinalhan kita ng makakain." Masiglang tugon ni Dreams saka itinaas ng bahagya ang dalang paperbag kung saan niya inilagay 'yong mga inihanda niyang pagkain para kay Kaiden. Kagabi pa lamang ay nagbabalak na siya kung ano ang lulutuin nito at hindi pa siya nakatulog ng maayos dala ng excitement. Hinihiling niya na madadala si Kaiden sa kanyang luto kahit mga simpleng pagkain lang naman 'yong inihanda niya.
Napasinghal si Kaiden at napahilot sa kanyang sentido. "I have money to buy something to eat kaya umalis ka na." Pagtataboy nito at bahagya niya pang ipinuwesto ang babae paharap sa may hagdanan. "
Buong tapang na humarap si Dreams at pinagkrus nito ang kanyang mga braso. Pinagtaasan niya ng kilay si Kaiden saka mapaklang tumawa, sa pagtawang 'yon ni Dreams ay mas lalong kumulo ang dugo ni Kaiden. "Kaysa bumili ka pa, tanggapin mo na lang 'to. Don't worry, walang lason 'yan. Bakit ko naman lalanusin 'yong daddy ng anak ko, 'di ba? Sinong baliw naman ang gagawa non."
"Hey, I don't need this." Padabog na ibinalik niya kay Dremas 'yong paperbag. "What I need is silence so can you stop disturbing me? I'm keeping quiet here, so please, don't come here again and say your my wife. First of all, wala tayong relasyon, you're not even my girlfriend nor my wife. Bago pa 'ko may gawin na pagsisisihan mo, tigilan mo na ako." Pagbabanta nito sa maawtoridad na tinig pero hindi manlang niya nakitaan ng takot si Dreams.
Nakipaglaban ng titigan si Dreams at hindi nagpatinag sa pagbabanta ni Kaiden sa kanya. "Masyado ka namang highblood, concern lang naman kami ni baby sa'yo." Napanguso pa si Dreams saka hinilot ng bahagya ang kanyang tiyan. Napasulyap si Kaiden sa kanyang tyan sa kanyang ginawa.
"What the hell." Naiiritang tugon ni Kaiden saka napakagat sa kanyang pang-ibabang labi. Gigil na gigil siya kung tutuusin pero pinapakalma niya lang ang kanyang sarili dahil ayaw niyang pagbuhatan ng kamay ang babae. Matinding pagtitimpi ang kanyang ginagawa kaya once sumobra si Dreams ay baka may magawa siya rito na pagsisisihan niya.
"Okay! Hindi kita boyfriend, hindi mo rin ako girlfriend pero daddy ka ng anak ko kaya misis mo 'ko." Pagpapaliwanag ni Dreams pero kaagad na umangal si Kaiden at napamura pa ito ng malutong. "Tsaka, masarap akong magluto e, alam ko na nakakapagod 'yong gawain mo rito sa ospital kaya dinalhan kita ng makakain. Simpleng ulam man 'yang niluto ko pero pramis magugustuhan mo naman. Ika nga nila 'the way to man's heart is through his stomach'" Kumindat pa si Dreams ng bahagya.
Naningkit ang mga mata ni Kaiden na tumingin sa babae. "I said I don't need this." Segunda ni Kaiden. "Pwede ba, huwag kang umarte dyan na parang concern ka sa'kin. Kaya ka lang naman nagiging sweet ng ganito dahil kailangan mo ng tulong ko hindi ba? Now, sasabihin ko ng diretso at isang beses lang sa'yo. Kahit araw-araw mo'kong dalhan ng makakain dito, hindi ako papayag sa gusto mo. Kahit salubungin mo 'ko sa tapat ng may dalang banner, hindi pa rin ako papayag. Kahit anong gawin mo, hindi ako mag-aaksaya ng oras para maging tatay ng anak mo. Wala kang mapapala sa akin kaya tumigil ka na."
"Kahit maging kasambahay mo na lang ako o 'di kaya naman maging parang aso na magbabantay sa bahay mo, payag naman ako magpa-alipin sa'yo basta tulungan mo'ko." Pagmamakaawa ni Dreams.
"No!" Pagmamatigas ni Kaiden, naglakad siya palapit kay Dreams at humawak sa braso nito. "Umalis ka na. Huwag ka ng babalik dito at huwag mo na 'kong guguluhin ulit or else makakatikim ka sa akin. Dali na, umalis ka na baka may makakita pa sa'yo." Tinulak niya pa ng bahagya si Dreams paalis.
"Takot na takot ka yatang may makakita sa akin ah." Nakangising biro ni Dreams. Nagkakaroon siya ng ideya kung bakit ganoon na lang siya ipagtabuyan ni Kaiden.
Inirapan siya ni Kaiden at sinimangutan. "Dali na. Umalis ka na."
Pinagtutulakan siya ni Kaiden pero hindi nagpatinag si Dreams bagkus inalis niya ang pagkakahawak ni Kaiden sa kanyang mga kamay saka nakakrus ang mga braso nito na hinarap. "Bakit kaya takot na takot ang isang Doc. Kaiden?" Usal niya habang nakahawak sa kanyang baba na animoy nag-iisip. Pasulyap-sulyap siya kay Kaiden upang takutin ito. "Ahh! Alam ko, kaya siguro takot siya dahil ayaw niyang mabahiran ng baho 'yong pangalan niya. Tama." Pumalakpak pa si Dreams sa tuwa.
"Shut up!"
Sumilay ang malaking ngiti sa labi ni Dreams. Mukhang nakaisip na siya ng magandang plano kung paano mapapapayag si Kaiden na gawin ang gusto nito.
Nanatili pa rin si Dreams sa ganoong posisyon at animo'y pinaparinggan niya si Kaiden. "What if magsimula na akong magtanong-tanong sa mga personel dito sa ospital kung sino ang gustong magninong or ninang sa anak natin."
Kumulo ang dugo ni Kaiden sa mga pinagsasabi ni Dreams kaya namab padabog niyang hinablot ang kaliwang braso nito't tinitigan ng matalim. "It's not funny, Dreams! Don't you dare play with the most important thing in my life. Pinaghirapan ko ang bagay na 'to kaya hindi mo alam ang ginagawa mo."
"O bakit? Don din naman ang punta mo ah. Kahit balibaliktarin mo ang mundo, anak mo 'tong batang dinadala ko, tatay ka nito." Tinuro ni Dreams ang kanyang tyan. "Alam mo, hindi kita maintindihan, mas mahalaga ba talaga sa'yo ang career mo kaysa harapan 'tong responsibilidad mo? Kung ang ibang lalaki nga dyan excited magkaroon ng anak tapos ikaw hindi?"
"That's not part of my dream." Depensa nito na titig na titig kay Dreams. Para siyang tigre na kakain ng buhay sa mga titig nito sa babae kaya napapalunok na lang sa takot si Dreams. "Sirain mo na lahat huwag lang ang reputasyon ko dito sa ospital na 'to."
"Ayoko nga! Hindi mo nga sinusunod 'yong gusto ko e, edi hindi ko rin susundin 'yong gusto mo. Patas ang laban diba?" Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Dreams. "So paano, mauna na kami ni baby, kainin mo 'to, ha? Goodluck daddy dok. Babye."
"Tangina!" Pagmumura ni Kaiden habang pinapanood ang bulto ni Dreams paalis. Wala siyang nagawa kundi mapahilot sa kanyang sentido't kabahan sa mga maaaring gawin ni Dreams. Kinaiingatan niya ng sobra ang kanyang reputasyon sa ospital na iyon at hindi siya papayag na sirain ni Dreams iyon ng ganong kadali. Kinakailangan niyang pigilan ang babae bago pa mangyari ang kinatatakutan niya.
Ano kaya ang mga susunod na gagawin ni Dreams? Mas pipiliin na kayang pumayag ni Kaiden sa gusto ni Dreams o hahayaan niyang sirain nito ang kanyang pangalan?
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Подростковая литератураDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...