"Jusko naman! Sermon ni Dok Alfred kinaya mo, itong lagnat hindi? Pucha naman!"
Umalingawngaw ang ingay nina Oheb sa kwarto ni Kaiden nang minsan ay bisitahin siya ng mga ito. Ikalawang araw na 'yon na hindi siya pumasok sa trabaho dahil nga may sakit siya. Matapos 'yong pagdalaw ni Katlyn sa kanya, hindi na ulit sila nag-usap, hindi na rin ito bumalik sa unit niya. Kahit kailan rin ay hindi nila 'yon napag-usapan ni Dreams. Binigyan naman siya ni Dreams ng privacy ukol sa naging usapan nilang mag-ina.
"Walanghiya ka! Pumunta ka ba dito para dalawin ako o para badtripin ako?" Inihagis niya 'yong nagamit ng tissue kay Oheb at mabilis naman itong umilag para hindi siya tamaan.
"Feel ko nag-iinarte lang 'to e. Tamo ang lakas-lakas naman. Porket siguro may nag-aalaga na sa kanya e." Biro naman ni Edward at sinang-ayunan siya ni Marco nag-apir pa silang dalawa.
"Hoy! Hindi ako nag-iinarte, talagang may lagnat ako. Mga basher na 'to. Magsilayas nga kayo rito at baka hindi ko kayo matantya." Pagtataboy niya sa kanyang mga kaibigan pero pinagtawanan lamang siya ng mga ito.
Ilang oras pa na namalagi ang tatlo sa kanyang unit. Wala si Dreams nong mga oras na 'yon dahil lumabas ito upang maggrocery sa tapat lang naman nila para hindi na siya bumyahe palayo. Nang makabalik siya sa unit ay nakaalis na sina Oheb kaya hindi niya naabutan ang mga ito. Bumalik na konti ang lakas ni Kaiden, nakakabangon na siya ng hindi nahihilo. Kung dati sobrang bigat ng pakiramdam niya, ngayon ay hindi na. Konting pahinga na lang ay magiging okay na siya ng tuluyan.
"Ako na ang magluluto." Tugon niya pagkalabas niya sa kanyang kwarto at nadatnan si Dreams na naghahanda ng kanilang tanghalian.
"Hindi, ako na. Maupo ka na lang dyan para makapagpahinga. Hindi pa ganon kaokay 'yang nararamdaman mo."
"Okay na'ko. Nakakaya ko na ngang tumayo ng hindi nahihilo e. Sobrang galing kasi ng nurse ko." Banat niya sa huli kaya napansin niya ang pigil na ngiti sa labi ni Dreams.
"Psh! Ulamin mo 'yang banat mo."
Kahit na anong pagpupumigil ang ginawa ni Dreams sa kanya, hindi pa rin siya nakinig. Walang nagawa si Dreams kundi ang hayaan siya. Si Kaiden na ang nag-abalang magbalat ng patatas na ipangsasahog nila sa chicken curry na lulutuin ni Dreams. Nawiwirduhan sila sa isa't isa dahil sa mga nangyari. Wala pa silang pag-uusap na maayos dahil nagkasabay-sabay 'yong mga problema. Pero 'yong tensyon at hiyaan sa pagitan nilang dalawa ay nabawasan. Para bang may harang na nawasak kaya ganon nila kasabik na makausap ang isa't isa.
"Paturo naman akong magluto para nextime ako naman 'yong magluluto ng kakainin natin."
Nagsitayuan ang mga balahibo ni Dreams sa batok niya nang maramdaman ang mainit na hininga ni Kaiden na tumama roon. Napalunok siya't nakaramdam ng pagkataranta. Lalo pa siyang nanginig sa kaba nang mapansin na nakakulong siya sa bisig ni Kaiden patalikod.
"Manood ka nalang sa youtube," dahilan nito dahil sobra siyang naiilang sa pwesto nito. Nakataliko siya't nasa likuran niya si Kaiden at ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang batok at teinga.
"Ba't pa'ko manonood e nandito ka naman. Paano ba?"
Walang nagawa si Dreams kundi ang ituro kung paano magluto ng chickem curry. Malaking pasasalamat niya't nakikinig ng maayos si Kaiden at hindi nagtanong ng kung ano. Alam naman magluto ni Kaiden pero 'yong mga madaling lutuin lang. Iilan lang 'yong alam niyang lutong bahay. Matapos maituro lahat ni Kaiden ay nangako siya na sa susunod ay siya naman ang magluluto. Tanging tango na lang ang naisagot ni Dreams at ipinagpatuloy ang paghahalo sa kanyang niluluto.
"Pwede ko na bang tikman? Naeexcite ako e."
Sumandok si Dreams ng sabaw nong chicken curry na niluluto niya't ipinatikim 'yon kay Kaiden. Halos takasan siya ng sariling kaluluwa dahil sobrang lapit ng mukha ni Kaiden sa may right side niya habang abala na tinitikman 'yong niluto niya. Naiilang siya ng sobra at kumakabog ng mabilis ang kanyang puso. Gusto na niyang matapos ang sandali na 'yon bago pa siya mahimatay sa hiya.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Подростковая литератураDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...