Chapter 53: Doctor's Confession

208 6 11
                                    

"Bakit hindi mo sinabi na may checkup ka pala kanina? Edi sana nasamahan kita." Usisa ni Kaiden pagkapasok niya mula sa pintuan ng kanyang unit. Kagagaling niya lamang sa duty niya sa ospital at naabutan niyang nagtutupi ng nilabhang damit si Dreams sa may sala.

Hindi siya nakatanggap ng kahit na anong sagot mula sa babae. Ni hindi rin ito nag-abalang sulyapan siya. Ibinaba ni Kaiden ang dala niyang bag sa may dining table saka sunod na inalis ang suot na puting coat na yumakap sa matipuno niyang pangangatawan. Inilapag niya rin ang inalis niyang wrist watch saka naupo. Niluwagan niya ang pagkakatali ng kanyang neck tie.

Tinignan niya muli si Dreams na hindi pa rin sinasagot ang kanyang tanong. "Dreams, may problema ba? Tahimik ka yata." Umalis sa pagkakaupo si Kaiden saka nilapitan ang babae na animo'y hangin lamang siya sa paningin nito.

"Dreams?" Yumuko pa ng bahagya si Kaiden upang tignan sa mukha ang babae.

Padabog na binitawan ni Dreams ang mga damit na tinutupi niya't tumayo sa pagkakaupo upang iwasan ang lalaki dahil naiirita pa rin siya. Ayaw niyang magalit dahil baka kung ano pa ang maging epekto non sa pagbubuntis niya. Kahit naiiyak siya sa galit, pinipigilan niya.

Kahit gustong-gusto niyang malaman ang dahilan ng pagsisinungaling ni Kaiden, naubusan siya ng lakas na tanungin pa ito kaya mas pinili na lamang niya ang manahimik. Iiwas siya hangga't maari. Hindi pa rin niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. Kinakailangan bang matuwa siya o magalit. Naguguluhan siya ng sobra.

"Dreams, kausapin mo naman ako. Ano bang ginawa ko?"

Tinignan siya ng masama ni Dreams sa mata at nilabanan niya ito.

"Napakasinungaling mo." Naiiyak na usal niya at pilit pinipigilan ang maging emosyonal. Nagbabadya na ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata pero pasimple niya itong pinahid na parang luha.

Nilayasan niya si Kaiden sa sala at nagtungo ito sa may kusina. Sinundan naman siya ni Kaiden na gulong-gulo pa rin sa mga inaakto ni Dreams lalong-lalo na ang mga kataga na lumabas sa bunganga nito.

"Sinungaling? Kailanman hindi ako nagsinungaling sa'yo, Dreams." Malumanay ngunit maawtoridad na usal ni Kaiden.

Hinarap siya ni Dreams na noon ay nag-uunahan nang bumagsak ang kanyang mga luha sa pisngi nito. Nakita iyon ni Kaiden dahilan baka makaramdam siya ng pag-aalala. Sinubukan niyang lapitan si Dreams pero mabilis na humakbang ito paatras palayo sa kanya.

"Ah, talaga?" Prangka ni Dreams saka hinawi ang luha sa kanyang pisngi.

"Hindi ko magagawang magsinungaling sa'yo, Dreams. At bakit ko naman yon gagawin. As if naman may benefit akong makukuha kung magsisinungaling ako sa'yo." Natawa pa ng bahagya si Kaiden. "Bakit, may sinabi na naman ba sina Oheb sa'yo? Mga yon talaga puro kaloko-"

"Bakit sinabi mong wala pa yong resulta ng paternity test?"

Natahimik si Kaiden at natigilan. Halos manlamig ang buo niyang katawan matapos mabuking ang kanyang lihim sa babae. Nababasa niya sa mga mata nito ang galit.

Napaiwas si Kaiden ng tingin. Napabuntong-hininga siya ng malalim saka nag-ipon ng lakas ng loob upang magpaliwanag kay Dreams.

"Dreams, I'm tired at work. P-pwedeng sa ibang araw na natin 'to pag-usapan?" Sinubukang takasan ni Kaiden ang comprontasyon nilang iyon ni Dreams. Akma siyang aalis nang mabilis siyang pigilan ni Dreams.

"Bakit ba umiiwas ka? Bakit ba nagsinungaling ka sa akin? Bakit ayaw mong malaman ko ang tungkol sa bagay na 'yon, ha? Kaiden, alam mo bang ginawa mo kong tanga?"

"Dreams, you don't understand me."

"Ipaintindi mo! Potangina! Hindi mo alam yong pakiramdam na kakabahan ka araw-araw, pagkagising mo sa umaga kakaisip kung ano na naman ba ang mangyayari sa amin ng anak ko sa poder mo. Nakakapagod mag-isip kung talagang may pake ka sa anak ko. Nakakapagod isipin kung lahat ng pinapakita mo ay totoo o parte lang ng isang plano. Kaiden, alam mo bang naguguluhan ako ng sobra sa mga kinikilos mo? Hinihintay ko yong resulta ng test na yon e. Doon lang ako umaasa na tatanggapin mo kami ng buong puso at walang pag-aalinlangan. Sa paternity test ko lang iaasa yong kapalaran ng anak ko." Umiiyak na tugon ni Dreams at habol na niya ang kanyang paghinga dulot ng pag-iyak.

Napayuko si Kaiden sa kanyang nagawa. "Hindi naman na natin kailangan yon e."

"Psh! Anak ng...ano bang sinasabi mo? Akala ko ba nagmamadali kang malaman yong resulta dahil kating-kati ka ng paalisin ako? Akala ko ba ayaw mong magkaroon ng a---"

"Yon nga din ang akala ko nong una pero hindi." Nag-angat siya ng tingin sa babae, nagkatitigan silang dalawa. "I love you, Dreams."

Halos malaglag ang panga ni Dreams matapos marinig ang katagang kailanman hindi niya inaasahang marinig sa doktor. Para bang tumigil ang kanyang mundo sa kanyang narinig. Naligo siya sa sariling pawis at nabingi sa lakas ng tibok ng kanyang puso sa lakas. Sinubukan niyang hulihin na nagbibiro ang lalaki pero nabigo siya, nababasa niya ang pagiging sinsero ng mga mata nito.

"Kung kasalanan ang mahalin ka, I'm sorry." Paghingi nito ng tawad saka humugot ng malalim na buntong-hininga. Sinubukan niyang hawakan ang mga kamay ni Dreams, nagtagumpay naman siya. "Sorry kung tinago ko sayo yon, hindi ko naman na kailangan yon para masabing akin yan e. Dreams, sa tagal nating magkasama sa unit ko, sa tagal na nandito ka sa poder ko, hindi ko na mapigilan pang alisin lahat ng pagdududa ko sayo. I know your saying the truth at sapat na sa akin ngayon lahat ng ebidensya na ipinakita mo noon para paniwalaan kita."

Padabog na binawi ni Dreams ang kanyang mga kamay sa lalaki at tinignan ito ng masama.

"Hindi ako tanga para paniwalaan ang mga salita mo. Alam kong sinasabi mo lahat ng to dahil may plano ka. Lahat ng ginagawa mo, lahat ng effort, at mga pagmamagandang loob mo sa akin, lahat yon may kapalit at anak ko ang magdudusa, hindi ba?" Hula ni Dreams at mabilis na umiling si Kaiden.

"Dreams, it's not what you think. Wala akong plano kagaya ng sinasabi mo. I sincerely love you, our baby. Hanggang kailan ba maaalis sa utak mo na masama ako at ginagawa ko lahat ng to para magdusa kayo ng anak natin?" Puno ng pagmamakaawa sa boses ng doktor.

Hindi inaasahan ni Kaiden na ganon ang iniisip ni Dreams laban sa kanya. Akala kasi niya ay naiintindihan at nakukuha ni Dreams ang ibig-sabihin ng kanyang mga ikinikilos. Akala niya magiging madali ang pag-amin niya dahil pinaramdam niya na mahal niya ito. Pero nagkamali siya. Lahat pala ng effort niya ay pinagdududahan ni Dreams.

"Paanong maaalis ang pagdududa ko sayo kung una pa lamang alam ko ng ayaw mo ng ganito." Pagtutukoy niya sa kanyang pagbubuntis.

Hinuli ni Kaiden ang mga kamay ni Dreams saka natawa sa pagnguso ni Dreams. Sa pagtawa niyang yon ay pinalo siya ni Dreams sa inis. Hindi yon malakas kaya hindi nakaramdam ng sakit si Kaiden sa pagpalo nito sa kanya. Inabalang hawiin ni Kaiden ang kanyang luha na bumasa sa pisngi nito at inalis ang ilang hibla ng buhok nito na humarang sa kanyang mukha at iniipit sa likod ng kanyang teinga.

"Mahal kita. Mahal ko rin ang anak natin. Kung dati wala yon sa plano ko, pero simula nong palihim kong pinapakinggan yang anak natin dyan sa tyan mo, doon na nagbago ang pananaw ko. Nakakatawa man pero totoo yon, pinapakinggan ko siya kapag ganon na natutulog ka. I tried to stop myself for loving you dahil alam ko, pagmamahal para sa anak mo ang kailangan mo hindi pagmamahal na para sa sarili mo. Nong umalis ka sa unit ko dahil nag-away tayo, doon na ako nakaramdam ng kakaiba sayo. Kahit wala akong kasiguraduhan na masusuklian mo yong pagmamahal ko sayo, tinuloy ko pa rin. Kaya pinaramdam ko sayo lahat ng pag-aalala, pag-aalaga at pagmamahal sa paraan na alam ko. Hindi ko na sinabi pa ang tungkol sa resulta dahil iniisip ko yong consequences na pinagkasunduan natin non. Ayokong umalis ka, ayokong iwan niyo ko ng anak natin."

Doon na hindi napigilan ni Kaiden ang mapaiyak sa kanyang mga sinasabi. Napayuko siya ng bahagya habang hawak hawak ng napakahigpit ang mga kamay ni Dreams, hinihimas niya pa ito ng bahagya. Sinubukan niyang pigilan ang kanyang pag-iyak pero natalo siya. Naramdaman na lang ni Kaiden ang mainit na luha na pumatak sa kanyang pisngi.

"Wala na akong pakialam sa resulta ng paternity test. Malakas ang kutob ko na akin ang bata. Walang pagdududa, walang pag-aalinlangan. Ayoko ng itago pa ang totoong nararamdaman ko para sa'yo. Dreams, I love you so much. Handa na akong maging tatay sa anak natin. Handa na akong bumuo ng pamilya na ikaw ang kasama ko." Matamis na halik ang idinampi niya sa mga labi ng babae kasabay noon ang parehas na pagbagsak ng kanilang mga luha dahil sa tuwa.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon