Chapter 60: His SON

340 7 1
                                    

"Let us all welcome, our very own and talented Pediatrician, Doctor. Kaiden F. Garcia."

Taas noo na naglakad si Kaiden papunta sa stage upang tanggapin ang pagkilala na iginawad sa kanya ng kanilang ospital. Ginanap ang  ika-43rd anniversary ng MCP Medical Hospital na pinagtratrabahuan niya ng ilang taon. Iyon ang ikaapat na beses na nakatanggap siya ng pagkilala mula noong naging resident doctor na ito sa ospital na iyon.

Nahihiya pa siyang umakyat sa stage dahil rinig na rinig niya ang pangkakantyaw ng kanyang mga kaibigan. Napakamot siya sa kanyang ulo habang pasimpleng pinagdidilatan at sinesenyasan sina Oheb na magsitigil dahil sa hiya.

Tinanggap niya ang frame na iniabot sa kanya ng may-ari ng ospital na si Doctor Alfred, ang tatay ni Mia. Maikling picture taking ang kanilang ginawa bago ito nagtungo sa gilid upang magbigay ng kanyang speech.

"For the fourth time, thank you for giving me this award again. During my four years here at this hospital, I was filled with praise and support as a Pediatrician. Since my residency until I became a resident doctor here, they trusted and loved me. They worshiped me like a saint to make me better known in the medical world. To all my fellow doctors who believed in me, to the Head Doctors and senior people in this hospital, thank you very much. If it wasn't for MCP Medical Hospital, I wouldn't be here today giving my word of gratitude. This award proves how much MCP loves me. MCP Medical Hospital will always be my home. Have a great day to all of us. Thank you."

Umugong ang malakas na palakpakan matapos sambitin ni Kaiden ang pagpapasalamat nito sa MCP Medical Hospital. Pagkababa niya ng stage ay hindi naputol ang tuwa niya dahil kaliwa't kanan ang bumabati sa kanya. Hindi naputol ang pagbati nila sa kaniya hanggang sa makabalik siya sa kaniyang kinauupuan. Maski ang mga pinakamagaling na doktor sa ospital na iyon ay bilib na bilib sa kaniya lalong-lalo na ang kaniyang ina na si Doktora Kaitlyn. 

"Congratulations, Doctor Kaiden." Pormal na pagabti ng kaniyang ina sa kaniya at inilahad ang palad nito.

Tinanggap niya ang kamay ng ina nito saka marahan na nakipagkamay habang may suot na matamis na ngiti sa labi. " Thanks, Mama."

Nagyakapan silang dalawa pagkatapos ay inaya siya ng ina na magpicture sila upang may maipost ito sa kaniyang facebook account. Hindi naman niya ito tinanggihan dahil alam niya kung gaano na ito kaadik sa social media, nakikisabay na kumbaga ito sa mga kabataan.

Hanggang sa matapos ang programa, maraming tao ang gustong makipagpicture sa kaniya dahilan para lalo siyang makaramdam ng hiya. Todo pambubuyo ang natanggap niya kina Oheb, kahit papaano ay natutuwa siya dahil dinaig pa nila ang nanalo sa lotto kung ipagmalaki siya ng mga ito. 

"Guys, I'm sorry but I need to go." 

Paalam niya sa kaniyang mga kaibigan habang nakatingin ng diretso sa kaniyang suot na wrist watch. Tumayo ito sa pagkakaupo saka ipinulupot sa kaniyang braso ang puti nitong coat. Kasalukuyan silang nag-iinuman sa bar, doon sila nagtungo matapos ang program. Matagal na rin noong huli silang lumabas dahil pare-parehas silang busy sa kanilang mga trabaho.

"It's too early, bro." usal ni Oheb at hinawakan ang braso ni Kaiden upang pigilan ito sa balak niyang pag-alis. "Inom muna tayo. Ngayon na nga lang ulit tayo nagbonding ng ganito e."

Sinang-ayunan naman iyon nina Edward at Marco na abalang binubusog ang sarili sa alak na animoy uhaw na uhaw.

"I know but I really need to go."Tawang-tawa siyang inalis iyong kamay ni Oheb na nakahawak sa braso niya. "It's Daddy time." Saka ito kumindat kaya sabay-sabay na napabuntong-hininga ng malalim ang kaniyang mga kaibigan.

Pabagsak na isinandal ni Edward ang kaniyang sarili sa sofa pagkarinig sa sinabi ni Kaiden. Alam na alam na kasi nila ang ibig sabihin ng 'daddy time' na sinasabi ni Kaiden. Sa postura ng kaniyang mga kaibigan, hindi halos mapigilan ni Kaiden ang matawa. Para silang mga bata ng hindi napagbigyan sa kanilang mga gusto. Todo kumbinsi ang mga ito sa kaniya na huwag munang umalis at sulitin ang oras na magkakasama sila dahil sa mga susunod na araw ay busy na naman sila sa kanilang mga duty sa ospital. Ni anino ng isa't isa ay hindi na naman nila makikita.

"Nakakaselos na ah, mas priority mo na siya kaysa sa amin ah," nakangusong usal ni Marco.

Pinagsingkitan siya ng tingin ni Kaiden sa pag-iinarte nito. "Ulul!  Talagang mas priority ko iyon, anak ko iyon e. Hindi basta-basta tao iyon. Psh! Magsiuwi na rin kayo, may duty pa tayo bukas at for sure, hinahanap na kayo ng mga misis niyo."

"Ang sabihin mo, takot ka sa misis mo." Pambubuyo ni Oheb sa kaniya na naging dahilan ng tawanan sa kanilang pwesto.

"Uy! Hindi ah, gusto ko lang umuwi ng maaga para talaga makabawi sa anak ko."

"E sa asawa?" Tumaas- baba pa ang kilay ni Marco sa biro niyang iyon kaya nakatanggap siya ng mahinang hampas mula kay Kaiden.

"Alam mo ikaw, ang sarap mo turukan ng lason." 

"Bakit ba apektadong-apektado ka ng ganyan kapag misis mo na ang pinag-uusapan natin?" Natatawang  sambit naman  ni Edward kaya muntik na siyang masamid.

"E bakit kasi misis ang tawag, hindi pa naman sila kasal." Sabat ni Marco na tawang-tawa pa at mabilis na umiwas nang akma siyang babatuakn ni Kaiden.

"Kailan mo ba siya balak ayain ng kasal, huh?" 

Napatingin ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya, nag-aantay sa posible nitong sagot sa kanilang tanong.

"Pag ba sasabihin ko, sagot niyo lahat ng gastos?" Nakangising sagot nito. 

"Ang daya!"

"Hoy! Nagtatanong lang kami e."

"Depota!"

Lumagok muna siya ng huling isang baso ng alak at sumubo ng kanilang pulutan. "Sige na, mauuna na ako. Dami niyong alam, mga chismoso."

Simula dumating ang anghel sa buhay ni Kaiden, pursigido siya lalo sa pagtratrabaho at mas excited pa siyang umuwi para mayakap ito. Sa loob ng limang taon, tuluyan nang napuno ang kakulangan sa kaniyang buhay na matagal na niyang inasam-asam. Binigay na rin sa wakas ng tadhana ang matagal na niyang hinihiling dahil iyon ang alam niyang makakapagpuno ng kaniyang buhay. Sa bawat araw na dumaan sa kaniyang buhay, wala siyang gustong gawin kundi ang mayakap at maramdaman ang presensya ng kaniyang munting anghel.

"Daddy!"

Mula sa pintuan ng kanilang bahay, makikita na kaagad ang bulto ng batang lalaki na sasalubong sa kaniya kapag ganoon na bagong dating siya galing trabaho. Nakagawian na rin nito ang mag-abang sa may sala sa pag-uwi ng ama. 

"Hi baby."

Gamit ang munting mga paa nito, patakbo itong sumalubong kay Kaiden. Hindi maipinta ang tuwa sa kaniyang mukha, para itong nakakita ng maraming laruan sa tuwa. Kaagad siyang nagpakarga kay Kaiden at pinaulanan ito ng halik sa mukha. 

"I miss you, dad."

Napangiti si Kaiden ng matamis sa inusal ng limang taon niyang anak. "I miss you too, Zach." Saka niya hinalikan ang forehead ng bata. 

















HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon