"Dreams, kahit hablutin mo lahat ng saplot ko't maging hubo't hubad man ako ngayon, hindi ako ang nagtext non sa'yo. Baka naman nantritrip lang?"
Aligagang nagtungo kinaumagahan si Dreams sa bahay nina April upang idulog ang nagpapagulo sa kanyang isip. Hindi lang isang beses na nagtext ang unknown sender sa kanya ng mga sweet messages ukol sa kanilang daw anak. Wala siyang hinala kung sino dahil matagal naman na siyang hindi nag-entertain ng ibang lalaki. Mula mabuntis siya ay animoy nag expired na rin ang kalandian niya.
"Bes, sigurado akong hindi natritrip 'yon. Sinubukan ko nga siyang kompirmahin e. Ang sabi niya binigay ko daw personally iyong number ko sa kanya, ibig-sabihin non, nagkita na kami. Ang problema ngayon ay hindi ko alam kung sino 'to. Lahat ng messages at mga contact sa selpon ko dinelete ko, iyong mga number niyo lang nina Kaiden ang hindi ko binura."
Sa pagtatago niya noon, minabuti niyang idelete lahat ng contacts na naroon sa kanyang selpon. Naiwan lang iyong mga contacts na mahalaga katulad ng number ng kanyang pamilya, ng kanyang mga kaibigan, at ni Kaiden. Malaking katanungan tuloy sa kanya kung sino ang misteryosong tao na nagpapadala ng mensahe sa kanya't alam pa ang kanyang pagbubuntis.
"Basta ako, hindi ako 'yan ah. Iisang number lang ang gamit ko, alam mo 'yan, Dreams." Sabat ni Pablo na abalang nanonood ng basketball sa telebisyon, nakataas pa ang paa nito sa mesa habang ngumunguya ng meryenda nilang pizza.
"Jusko! Kung kailan naayos na lahat, doon pa nagkaroon ulit ng panibagong problema." Napahilot si Dreams sa kanyang sentido.
"Magpatulong ka na lang kaya kay Doc na hanapin 'yong sender? Tutulungan ka naman niya siguro dahil nag-aalala siya." Suhestiyon ni April at pinadaan ang kamay nito sa maumbok nang tiyan ni Dreams.
"Ayoko! Hangga't maari, ayokong ipaalam 'to sa kanya. 'Yong pagdududa at paghihinala niya, babalik once malaman niya 'to."
"Kaysa naman magsisinungaling ka sa kanya, mas mabigat na kasalanan 'yon."
"Bahala na, bes."
Mula nang matanggap niya ang text na iyon, nalilipad na ang kanyang isip. Hindi siya nakatulog kakaisip kung kanino niya ba ibinigay 'yong number niya. Nagtanong-tanong siya sa mga kasamahan niya sa grocery pero hindi naman pinaghihinalaan ang mga ito dahil happy na ang married life nila.
"Hi, did you eat already?"
Napatingin si Dreams sa may pintuang nang iluwa nito ang doktor na bagong dating lang mula sa trabaho. Bahid sa kanyang itsura ang pagod at sa kanyang awa ay linapitan niya ito at tinulungang alisin ang ang suot nitong puting coat.
"Alam mo naman na gusto kong sabay palagi tayong kumain."
Tinupi niya ang naalis na coat ni Kaiden saka ipinatong ito sa center table. Nagtungo siya sa kusina upang initin iyong niluto niyang ulam nila. At sa kalagitnaan ng kanyang ginagawa, naramdaman niyang mainit na palad ni Kaiden na humawak sa kanyang beywang.
"You look stress? May problema ba?"
Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo nang maramdaman niyang inamoy ng doktor ang kanyang leeg pagkatapos ay pinaulanan iyon ng mainit na halik.
"W-wala 'to, kinakabahan lang ako sa panganganak ko." Palusot niya.
"Oh, sabi naman ni Mia may chance na normal delivery ang panganganak mo, 'di ba? Wala ka dapat ikabahala. Sasamahan naman kita sa delivery room once manganganak ka na para hindi ka kabahan."
Kumalas si Kaiden sa pagkakayakap niya sa babae saka ito sapilitang pinaharap sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ng babae saka inayos-ayos ang buhok nito na magulo.
"Ang hot mommy mo talaga! Kakagigil ka." Pinisil nito ang pisngi ng babae. "Dapat, huwag 'yon ang isipin mo, for now, tungkol dapat sa gender reveal natin sa susunod na buwan na magaganap ang isipin mo. Hindi ba't parehas tayong excited ron? Don't stress yourself to the unnecessary things, love, anak muna natin ang isipin mo sa ngayon, okay?"
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Novela JuvenilDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...