Chapter 33: Bracelet

230 9 1
                                    

"Sinisipag ka yatang magdala ng makakain dito sa ospital? Ganon mo na ba kamiss si Doc?" Pang-aasar ni Doc Edward kay Dreams na abalang inilalabas ang mga dalang tupperware ng pagkain sa loob ng bag. Ngiting aso pa niya itong nginitian kaya kinantyawan siya nina Oheb at Marco na nakatingin na rin kay Dreams.

"Ano ba kayo! Pinapaamo ko lang naman siya, masyado kasing mailap e." Sagot nito pagkatapos ay naupo na siya sa tabi ni Marco. "Ano bang pinagdaanan non sa buhay at ganon 'yon kasungit? Ni hindi ko siya nakitang ngumiti ng matamis. Maski pagtawa niya hindi ko pa narinig."

Pinunasan ni Oheb ang gilid ng kanyang labi gamit ang tissue saka sinagot ang tanong ni Dreams. "Naku! Malala ang nangyari don, sa sobrang lala, ayon natrauma na yata. Dinaig niya pa 'yong mga napapanood na teleserye sa TV e."

Sinang-ayunan non nina Edward at Marco. Natahimik si Dreams sa nalaman niyang 'yon. Hindi niya alam na sa likod ng napakasungit at tahimik na mukha ni Kaiden, may madilim na nakaraan pala itong tinatago. Nagkaroon tuloy siya ng mas malalim na kuryosidad kung ano ang nangyari kay Kaiden noon. Gusto niyang malaman ang mga pinagdaanan nito kaya siya naging ganon.

Matapos niyang maibigay ang mga pagkain nina Oheb, hinanap niya si Kaiden upang maibigay ang dinala nitong pagkain. Saktong paliko siya ng hallway nang makaksalubong niya ito. Malalim ang buntong-hininga na pinakawalan ni Kaiden nang makita siya nito. Saglit siyang napahinto sa paglalakad at napakamot sa kanyang ulo. Walang ano-ano ay napansin niya ang paglalakad ng doktor palapit sa kanya kaya hindi niya naitago ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Hi Daddy----"

"Why are you here again?"

"Dinalhan kita ng food mo." Itinaas ni Dreams ng bahagya ang dala nitong paperbag pagkatapos ay iniabot niya ito kay Kaiden. Walang gana iyon na kinuha ni Kaiden at napaiwas ng tingin ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Dreams ang mahina nitong pagsinghal pero  binalewala niya lamang ito.

"Makakauwi ka na."

"May dadaanan pa 'ko sa third floor."

"K." Matipid na sagot ng doktor saka siya nito tinalikuran ng walang pasabi. Napakamot si Dreams sa kanyang sentido habang nakatingin sa bulto ng doktor na tinatahak ang daan papunta sa may elevator. Hindi na niya sinundan ito at pinabayaan na lang at dinala siya ng kanyang mga paa sa may third floor upang gawin ang totoong pakay niya sa ospital.

"Good afternoon po, Doc Maam." Pagbati nito nang tuluyan na siyang makapasok sa kwarto kung saan nakapirmi si Doktora Katlyn. Naabutan niyang nag-aayos ito ng materials at mukhang katatapos lang niyang mangcheckup ng kanyang pasyente.

"Dreams, ikaw pala 'yan. Tuloy ka at maupo." Tugon ng doktora at sinenyasan siyang maupo ito pero umiling siya.

"Hindi naman po ako magtatagal, Doc. Maam. Hinatiran lang po kita ng pagkain." Iniabot niya ang dala nitong paperbag.

"Wow! Ang sweet mo talaga. Maraming salamat." Kinuha niya ang paperbag na dala ni Dreams saka inilapag sa kanyang mesa.

"Walang anuman po."

Napunta ang tingin ni Doktora Katlyn sa tyan ni Dreams. "Lumalaki na 'yan ah. Sana kasing bait mo ang magiging baby mo."

"Sana nga po."

"Anyways! Kunin mo ito bilang pasasalamat ko sa'yo." Naglakad palapit ang doktora sa kanyang cabinet at may kinuha roon. Pagkakuha ng kanyang pakay, lumapit siya kay Dreams at hinawakan ang kamay nito. Ayaw tanggapin 'yon ni Dreams pero ipinilit 'yon ni Doktora Katlyn. "Lahat ng pasyente kong buntis, binibigyan ko ng ganito. Ibinibigay ko 'to sa kanila bilang pahiwatig na sobrang swerte nila't mabibigyan sila ng anghel."

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon