CHAPTER 70: Tears and Sorrow

528 14 0
                                    

"He's going to be okay, Kai."

Napaangat ng tingin si Kaiden nang marinig niya ang tinig na iyon mula sa kanyang harapan. Matapos niyang makatanggap ng sampal mula kay Dreams, para siyang naupos na kandila na napaupo sa gilid ng hallway malapit sa operating room na kinaroroonan ni Kaizer. Nawala sa kanyang paningin sa Dreams matapos ang paghaharap nila.

Hindi na halos tumigil ang luha ni Kaiden sa guilt na kanyang nararamdaman. Gamit ang kanyang nakayukom na mga kamao, walang kahirap-hirap niyang pinukpok ang kanyang ulo. Minumura niya pa ang sarili ng malulutong.

"Ma.."

Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni Kaiden nang pumantay ang kanyang ina sa harapan nito. Naramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa kanyang mukha.

"He's going to survive, anak mo 'yon e." Nakangiting usal ni Katlyn, puno naman ng pagtataka si Kaiden kung paano ito nalaman ng kanyang ina.

"This is all my fucking fault! Sana pinaniwalaan ko na lang si Dreams non. I'm such a jerk. Tangina!" walang kahirap-hirap na pinukpok na naman ni Kaiden ang kanyang ulo gamit ang kanyang kamao. Mabilis siyang inawat ng kanyang ina sa ginagawa niya sa sarili nito.

"Wala kang kasalanan, anak. Walang may gusto nito, I understand kung bakit nagawa mo siyang pagdudahan non dahil nabilog ka ng mga kasinungalingan ng Mia na 'yon. Hindi ko rin kayang paniwalaan si Dreams nong puntahan niya ako. Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ko sa pagmamakaawa na iligtas ko daw ang anak niya dahil nireject mo siya. Kagaya mo, nagalit din ako sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Pero yong galit ko sa kanya, biglang naglaho na parang bula at napapayag niya ako." Usal ni Katlyn habang inaalala yong oras na pinuntahan siya ni Dreams na nagmamakaawa.

" 'Yong katotohanan na sinasabi niya, nagawa kong paniwalaan nong makita ko na si Kaizer, walang kaduda-duda na anak mo siya, Kaiden."

Napapikit si Kaiden sa guilt dahil nanumbalik sa isip niya ang huling pag-uusap nila ni Dreams. Dahil nilalamon siya ng emosyon, napayakap na lamang sina Katlyn sa kanyang anak. Sobra itong naaawa sa kalagayan ni Kaiden. Ramdam niya 'yong pagsisisi nito sa kanyang mga ginawa sa mag-ina niya.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko, Ma."

"Shh! Just think positive, Kaiden. Oras na rin siguro para ayusin niyo ni Dreams ang lahat, para kay Kaizer, para sa anak niyo. Simulan mo ng ayusin 'yong gulo na ginawa ni Mia sa buhay niyo."

Sa tatlong araw na pananatili ni Kaiden sa ospital na 'yon, naging mailap pa rin si Dreams sa kanya. Hindi pa rin nagigising si Kaizer kasabay noon ang pagwawalang kibo sa kanya ni Dreams. Lahat ng operasyon niya at duty ay pinacancel niya para lamang mabantayan ang kanilang anak. Na kahit nararamdaman niyang galit pa rin si Dreams sa kanya, hindi siya umalis, nanatili siya roon para manlang makabawi kay Kaizer.

Bumibisita sina Oheb, Marco, at Edward kapag off duty sila dahil gusto nilang malaman ang kalagayan ng kanilang inaanak. Binabalitaan rin nila si Kaiden sa mga kaganapan sa ospital sa kanyang pagkawala lalo na 'yong pumutok na chismis patungkol sa kanila ni Mia.

Nakakatanggap rin si Kiaden ng ilang tawag at text mula kay Mia pero hindi siya nag-aaksaya ng oras para sagutin ito. Hangga't maaari ay iiwas muna siya sa babae dahil hindi ito makakatulong sa sitwasyon nila. Galit pa siya kay Mia at hindi niya alam kung paano niya ito haharapin ulit matapos ang komprontasyon nila.

"Gusto mo ba siyang hawakan?"

Napalingon si Kaiden sa kanyang likuran matapos marinig ang boses ng ina ni Dreams. Napansin niya yata na nakasilip lamang ito sa may transparent na pintuan ng kwarto na kinaroroonan ni Kaizer. Hindi siya pinapayagan ni Dreams na makapasok sa loob kaya hanggang titig na lamang sa malayo ang kanyang nagagawa.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon