"Bakit ba hindi ko napansin na magkamukha kayo ni Doc. Maam?" Pakikipag-usap ni Dreams sa picture frame na nasa ibabaw ng dining table. Iyon ang kinaiingatang litrato ni Kaiden na maski sa kanya ay ayaw niyang ipahawak. Tamang pagtitig lamang ang nakakagawa niya kapag nagkakainteres siya roon.
Sinuri niya ang babaeng naroon na kasama ng batang Kaiden. Kinumpara niya ang itsura nito kay Doktora Katlyn at doon niya napagtanto na magkamukha nga ang mga ito. Nag-iba lamang ang itsura ni Doktora Katlyn dahil ilang taon na rin siguro ang lumipas matapos kunan ang picture na iyon. Napansin rin ni Dreams ang pagkakahawig nina Kaiden at Doktora Katlyn, lalo na ang kanilang mga mata at pareho.
Hindi siya halos nakatulog kakaisip kina Doktora Katlyn at Kaiden. Inumaga na siya kakaisip kung paano pagbabatiin ang dalawa. Alam niya kung bakit galit na galit si Kaiden rito dahil sinaktan siya ng kanyang ina. Nasasaktan siya ng sobra para sa lalaki. Hindi niya maimagine ang hirap na nakikita ang taong nanakit sa kanya sa iisang ospital pa. Gusto niyang tulungan ang dalawa pero bago niya gawin 'yon, dapat alamin niya muna ang bawat side ng dalawa.
"Hanggang ngayon ba naman ipagdadamot mo pa rin sa'kin 'yan?" Reklamo niya nang mabilis na kinuha ni Kaiden ang tinitigan niyang picture frame na nasa lamesa. Napaalis siya sa pagkakasandal sa may upuan at napatingin sa doktor na bagong dating lang, kagagaling sa labas upang bumili ng ice cream. "Wala ka ng maitatago pa. Hindi mo na kailangang iiwas 'yan sa'kin. Inamin mo na nga lahat sa'kin e. Tatago-tago ka pa dyan. Psh."
Masama siyang tinitigan ni Kaiden at hawak-hawak ang frame na nagtungo sa kusina. "If you think you know everything about me, you're wrong. I won't let you know everything. Never." Kaiden said and took yogurt from the fridge and washed the apple. He sliced it with a knife then placed it on a saucer that he took from the hanging cabinet. After preparing his breakfast, he walked towards the dining area and sat down. Dreams was standing on his left side just watching him with his arms crossed on his chest.
"Hindi natin alam, baka mamaya madulas ka na naman at masabi mo sa'kin. Kaya naman pala kakaiba ka tumitig dito sa bracelet ko non kasi alam mong galing 'to sa nanay mo. At kaya rin pala hindi ka makatingin ng diretso nong katable namin siya. Ikaw ha, kakaiba ka rin maglihim ah." Napangiwi pa ang babae saka umupo na rin sa tapat ni Kaiden saka isinandal ang mga braso nito sa lamesa't diretsong nakatitig sa lalaking kumakain.
Nailang si Kaiden sa ginawang pagtitig ni Dreams sa kanya. Natigilan siya sa pag-kain at iritableng sinulyapan si Dreams "Hoy! Huwag mo nga 'kong titigan ng ganyan. Hindi mo ba nakikita, kumakain ako. Konting respeto naman."
"Bakit naiilang ka ba sa ganda ko?" Biro ni Dreams at napagkawala ng ngiting aso't napasinghal sa kawalan si Kaiden. "Alam mo, Daddy Doc, napakainteresting ang buhay mo. Nursing ang inaral ko pero dinaig ko pa ang pulis sa pag-iimbestiga ko sa buhay mo e. Para kang suspek na nakagawa ng isang krimen na kinikilala e. Ang dami kong sikreto."
"Chismosa ka lang talaga."
"Hindi kaya. Gusto lang kita makilala ng lubos baka kasi may malalim na dahilan 'yang pagiging masungit mo."
Matapos kumain ng umagahan ni Dreams, naligo na siya't nagbihis upang makapunta na siya sa grocery store. May work siya nong araw na 'yon. Nagpaalam pa rin siya kay Kaiden kahit inis na inis ito sa kanya pero hindi niya sinabi na papasok ito sa kanyang trabaho dahil ayaw niya pang ipaalam sa lalaki ang tungkol sa bagay na 'yon. Itatago na lang muna niya 'yon.
Bukod sa nanay ni Kaiden, interesado ring malaman ni Dreams ang tungkol sa tatay nito. Wala naman kasing nasasabi si Kaiden kung nasaan ang kanyang ama. Gusto niyang tanungin ito pero aasahan naman niyang wala siyang matatanggap na sagot dahil ayaw ipaalam ni Kaiden ang tungkol sa buhay niya. Kapag tinatanong ito ay umiiwas naman na animo'y ayaw talaga niyang mabisto.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Fiksi RemajaDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...