Chapter 51: HIS FEELINGS

172 8 1
                                    

"Thank you, Oheb."

Naramdamam ni Dreams na ginulo ni Oheb ang buhok nito pagkatapos niyang magpasalamat sa pagsisintas na ginawa nito sa kanyang sapatos. Hindi niya kasi ito maabot dahil maiipit ang medyo may kalakihan niyang tiyan. Sakto na tapos nang mag-usap sina Kaiden at Mia kaya pumaroon na ang mga ito sa pwesto nila. Nagpaalam na silang lahat sa isa't isa pauwi dahil gumagabi na at may kasama silang buntis.

Nasa kalagitnaan sila ng byahe at napansin ni Dreams ang pananahimik ng doktor habang nagmamaneho. Nakasandal ang kaliwang siko nito sa bintana habang yong isa ay nakahawak sa manibela at nakatuon ang pansin nito sa daan ng diretso. Hindi niya mawari kung galit ba ang doktor o sadyang normal lang ang awra nito.

"Bagay na bagay talaga kayo ni Doktora." Pambabasag ni Dreams sa katahimik at bahagyang napasulyap si Kaiden sa gawi niya bago itinuon pabalik ang pansin sa pagmamaneho.

"We're not."

"Sus! Anong hindi! Konti na lang talaga iisipin kong magjowa kayo." Sinusubukang pagaanin ni Dreams ang kanyang pakiramdam sa pamamagitan ng pangkakantyaw niya sa doktor kahit ang totoo ay nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil nalaman niyang may kahati siya sa puso ng  lalaking pinakamamahal niya. "Si Doktora siguro 'yong special someone mo 'no?"

Napatingin ng makahulugan si Kaiden sa kanya pagkatapos ay nagpakawala ng mahinang pagtawa. Nasaktan si Dreams nang mapansin ang kakaibang pagngiti ng doktor. Nag-ooverthink siyang tama nga ang hinala niya na baka may gusto rin si Kaiden sa babae. Kahit maiiyak na siya nilabanan niya. Ayaw niyang maiyak sa harapan ni Kaiden tapos malalaman nito na siya ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

"Oheb is probably yours too." Pagtutukoy nito sa special someone na kanilang pinag-uusapan. Nagkatinginan silang dalawa pero naunang umiwas ng tingin si Dreams dahil nakaramdam siya ng pagkailang. Samantala, naghihintay naman ng sagot si Kaiden dahil pinag-iisipan niya ng ang kakaibang pagtitig rin ni Dreams sa kanyang kaibigan na si Oheb.

"Kung pwede lang bakit hindi." Natawa pa ng bahagya si Dreams para mairaos ang pagkailang na nararamadaman niya sa pinag-uusapan nila ni Kaiden. Nagsisisi tuloy siyang sinimulan ang topic na iyon dahil mukhang siya ang napako sa sarili niyang patibong. Mukhang tama nga ang sinabi ni Oheb na mahirap basahin ang mga kinikilos nito. Mahirap hulaan ang mga ibig sabihin ng mga inaakto niya at mga salita nito.

"If mutual 'yong feelings nila, dapat noon pa lang naging sila na. " Sagot ni Oheb matapos tanungin ni Dreams kung may gusto rin si Kaiden sa doktora. "Mahirap kasing hulaan 'yong totoong nararamdaman ni Kai e. Siya 'yong tipo ng tao na hindi palasabi sa totoong nararamdaman niya. Magugulat ka na lang talaga once naglabas ng saloobin 'yon sa'yo.  Pero para sa kasagutan dyan sa katanungan mo, mas mabuting siya ang tanungin mo kasi kung kami, hindi namin alam." Nagkibit balikat pa si Oheb ng bahagya. 

Sinunod niya ang advice n i Oheb na tanungin si Kaiden pero hirap na hirap pa rin siya makatanggap ng matinong sagot. Nahihirapan siyang paaminin si Kaiden. Mas pinangunahan pa siya ng kaba kaya mas minabuti niyang manahimik na lang at abangan na lang ang prisintang pag-amin ng doktor.

Nabalot ng katahimikan sa pagitan nila matapos ang usapan na iyon. Piniling sumandal ni Dreams sa kanyang kinauupuan habang nakatingin sa labas ng bintana habang abala sa pagmamaneho naman si Kaiden na mukhang napansin ang pananahimik niya.

"Mia is not my type."

Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Dreams matapos marinig ang sinabi na iyon ni Kaiden na bumasag sa katahimikan nilang dalawa. Tumibok ng hindi normal ang puso ni Dreams. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya o natutuwa lamang siya sa gulat. Pumeke siya ng ubo saka palihim na ngumiti sa gilid. Seryoso sa pagmamaneho si Kaiden at nawala kaagad ang matamis na ngiti sa labi ni Dreams nang magtama ang tingin  nilang dalawa.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon