Chapter 8: BANNER

281 14 0
                                    

"I hate that woman! She makes my life miserable. All this time, she's trying to destroy my reputation.  Fuck that." Nanggigigil na usal ni Kaiden at padabog na inilapag sa mesa 'yong inalis niyang lab gown sa mesa. Katatapos  lamang ng meeting niya kasama ang ilang pinakamagagaling na doktor sa ospital na iyon.


"Kumalma ka, Kaiden. Hindi 'yan makakatulong sa problema mo, okay? Everything will be miserable when you act out your anger." Tinapik ni Oheb ang balikat nito at iginaya paupo para pakalmahin ito. Nakatingin silang tatlo sa kaibigan nilang problemado. Napansin nila ang pagiging badmood nito ng ilang araw.


Umupo na rin sina Oheb, Edward at Marco sa tapat nito at nagpalita-lipat sila ng tingin sa isa't isa. Hindi nila alam ang gagawin para tulungan si Kaiden. Kailanman ay hindi pa humingi ng tulong si Kaiden sa kanila. Sa lahat ng oras, sila ang humihingi ng tulong. Hindi rin kasi palakwento si Kaiden sa kanila. Kung may problema man ito, hindi siya nag-oopen up, sinosolo lamang niya ito. Pero sa nakikita nilang awra nito, hindi nila maiwasan ang mangialam.


"Uminom ka na muna oh." Inalok ni Marco si Kaiden ng bottled water. Kinuha naman ito ni Kaiden at walang pasabing nilagok ang laman nito.


"Ayaw sana naming makialam pero napapansin namin na masyado kang problemado e." Panimula ni Edward, diretso siyang nakatitig kay Kaiden na salubong pa rin ang mga kilay nito, sapat lamang na masabing galit na galit siya. "Ano ba kasing napag-usapan niyo ng babaeng 'yon? But before that, tatanungin ko nga pala kung maayos ba 'yong pag-uusap niyo."


Tinitigan siya ni Kaiden. "I tried to stop her. But damn, mas pinalala niya 'yong sitwasyon. Can you believe that, pumunta pa siya dito sa ospital para dalhan ako ng makakain at magpakilala bilang misis ko. Tsk! She's annoying!"


"Bakit kaya hindi ka nalang kasi pumayag sa kung ano man 'yong gusto niya sa'yo. Ganon lang kasimple, Kaiden. Wala namang mawawala kung pagbibigyan mo siya." Suhestiyon ni Oheb sa seryosong tinig pagkatapos ay kinuha nito ang aqua flask saka uminom ng tubig.

Sinang-ayunan naman 'yon ni Marco. "I think, 'yon ang susi para tantanan ka niya. Kung ayaw mong mas higit pa roon ang gawin niya, pumayag ka na lang sa gusto niya before it's to late."


"At bakit ko naman 'yon gagawin? Ni hindi nga ako sigurado kung sa'kin 'yong bata e. Paano kapag ginagamit niya lang ako dahil hindi siya pinanagutan nong totoong nakabuntis sa kanya? Paano kapag nacheck niya 'yong background ko at alam niyang kaya kong ibigay lahat ng pangangailan nila ng bata kaya ako 'yong ginugulo niya? What if palabas lang lahat ng 'to?" Agresibong usal ni Kaiden, napatayo ito at napahilot sa kanyang sentido.


"Paano kapag ikaw nga 'yong totoong ama nong bata? Anong gagawin mo? Tatakasan mo pa rin ba ng ganito, huh?" Segunda ni Oheb.


"Bro, alam niyo naman na having a family is never been part of my dream. Malinaw na dahilan na 'yon para umayaw ako sa gusto ng babaeng 'yon." Depensa nito. Kahit mawala na sa kanya lahat huwag lamang 'yong pangarap niya sa buhay. Madelay na ang pagiging daddy niya o padre de pamilya huwag lamang 'yong pagiging doktor niya. Kailanman hindi niya pinangarap magkaroon ng pamilya. Kailanman hindi niya inimagine na may tatawag sa kanya ng daddy.


Napakamot si Oheb sa kanyang ulo, tumayo siya at inakbayan niya si Kaiden. "Pre, kung ayaw mong mawala lahat ng pinaghirapan mo, pumayag ka na lang sa gusto niya. Kagaya ng sabi ni Marco, baka hindi lang 'yon ang gawin niya sa'yo. Malay natin ipagkalat niya sa social media na nabuntis mo siya, edi mas malala 'yon diba? Mas gugulo ang sitwasyon at madadamay 'yong pagdodoktor mo."


"Kung ako sa'yo, papayag na lang ako. Sustento at suporta lang naman 'yong kailangan niya e. Para hindi madamay 'yong reputasyon mo, itago mo siya at suportahan na lang at tiyak hindi ka magkakaproblema. Usapang baby 'to kaya lawakan mo naman 'yong pag-unawa mo, pre. Sa'yo man o hindi 'yong bata, konsensya mo pa rin kapag may mangyaring masama don." Komento ni Edward, abala siya sa pagpapak sa dala niyang cookies, pinagsasaluhan  nilang dalawa 'yon ni Marco. Inalok niya sina Kaiden na kumuha pero tanging si Oheb ang lumapit para tumikim.


"Agree ako kay Edward." Usal ni Marco kaya nag-apir silang dalawa. "Hahayaan mo bang ipagkalat niyang nabuntis mo siya at masira 'yong reputasyon mo bago ka pa may gawin? Kaiden, kinikilala ka na ng lahat bilang isa sa mga magaling na doktor. 'Yong mga nakakataas dito sa ospital na 'to, bumibilib sa'yo. Training pa lamang 'to, ang taas na ng respeto nila sa'yo. Maski nga si Dra. Kristin, proud na proud sa'yo e. Hahayaan mo bang mawala lahat 'yon dahil sa 'di mo pagpayag sa gusto ng babaeng 'yon?"



Sinang-ayunan ni Oheb at Edward 'yong komento ni Marco. Nagpalitan pa sila ng kuro-kuro sa mga posibleng mawala kay Kaiden kapag lumala 'yong sitwasyon. Kung tutuusin, mawawala lahag ng pinaghirapan niya. Iisipin ng lahat na masama siyang tao kapag ipagkakalat ni Dreams na hindi siya pinanagutan nito. Mawawalan ng tiwala ang ibang tao sa kanya at mawawala rin 'yong bilib nila ito sa kanya na kinaiingatan niya ng sobra.


"Pag-isipan mo ng mabuti 'yan. Nasa 'yo ang sagot alang-alang sa ikakatahimik mo." Paalala ni Oheb at hinimas ng bahagya ang kanyang balikat. Nagpaalam ang tatlo na pupunta ng canteen upang bumili ng makakain. Niyaya nila si Kaiden pero mas pinili niyang magpa-iwan para makapag-isip.


Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad. Pagkatapos ay isinandal niya ang kanyang sarili sa upuan. Mula nong nakilala niya si Dreams, pakiramdam niya naging miserable na lahat sa buhay niya. Kung dati puro usapang ospital lamang 'yong pinoproblema niya, ngayon ay hindi niya. Ayaw niyang mawala 'yong matagal na niyang pinaghirapan. Mas gusto pa naman siyang patunayan sa nanay niyang umabando sa kanya.


"Doc. Garcia, are you with us?" Nabalik sa reyalidad si Kaiden nang marinig niyang tinawag siya ng head doktor na nagbibigay ng instructions sa kanila. Sa lalim ng kanyang iniisip, hindi niya namalayan na nagsimula na 'yong seminar nila. Wala siyang naintindihan na kahit na ano kakaisip kung ano ang gagawin niya kay Dreams.


"I'm sorry, yeah, you may continue, Doc."


Sinubukan niyang magfocus para hindi maapektuhan ang kanyang training. Nairaos naman ni Kaiden ang sunod-sunod nilang activity. Sumakit ng bahagya 'yong ulo niya nong nasa kalagitnaan sila ng activity. Hindi rin sapat ang tulog niya sa dami ng kanyang iniisip kasali na roon ang pangungulit ni Dreams sa kanya.


Nang madismiss sila, hindi na kumibo na sumabay kina Oheb palabas ng ospital. Tahimik lamang siya na nakikinig sa kwentuhan ng tatlo. May ilang tao na nakakasalubong nila na bumabati sa kanya at tanging ngiti na lang ang naitutugon niya. Pinaringgan pa nga siya ni Oheb na baka sign na 'yon para pumayag sa gusto ni Dreams. Napasinghal na lang siya at napailing.


"Hello, Daddy Doc. Namiss ka namin ni Baby. Kumusta ang araw mo, Daddy?"


Napapikit si Kaiden nang marinig ang boses ni Dreams na patakbong sasalubong sa kanya. Napatingin ang mga taong nakasunod sa kanila sa pagtawag ni Dreams ng Daddy Dok sa kanya. May ilang hospital nurses at personel ang nakakita sa ginawa ni Dreams. May dala pang banner si Dreams at may nakasulat roon na 'Proud kami ni Baby sa'yo, Daddy Kaiden.'


"Omg! May asawa na pala si Doc. Kaiden."


"Asawa niya kaya 'yan?"


"Omg! Nabuntis siya ni Doc. Kaiden?"


Ilan lang iyan sa mga maririnig sa paligid na bulungan kaya naman sa takot na mapahiya si Kaiden, dali-dali siyang lumapit kay Dreams at hinatak ito palabas ng ospital. Padabog niyang kinuha sa babae 'yong hawak ma banner at tinikom ito ng napakagulo. Narinig niyang ipinagtanggol siya nina Oheb, ipinalabas nilang nantritrip lamang si Dreams at huwag nila itong paniwalaan.


"We need to talk." Singhal ni Kaiden kay Dreams sa maawtoridad na tinig. Matalim na tinignan niya ang babae at walang pasabi na hinatak ito papunta sa may parking lot. Sa higpit na pagkakahawak ni Kaiden sa kanyang braso, napaaray siya dahil nakaramdam siya ng sakit.


"Kaiden, ibig bang sabibin nito, papayag ka na?"


Papayag na kaya si Kaiden na panagutan si Dreams? Ano kaya ang madedelay? Ang pagiging doktor nito o ang pagiging tatay nito sa bata?

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon