Chapter 42: Three Words

181 5 0
                                    

"Dito ka na kumain sa dining table. Naiipit 'yong tyan mo dyan, baka mapano si Baby."

Napansin ni Kaiden na nahihirapang kumain si Dreams dahil nandoon lamang siya sa sofa't nasa lamesa naman 'yong plato niya. Kumakain sila ng umagahan at napilit niyang sumama si Dreams sa kanya kagabi na umuwi. Kahit na napauwi na niya ito, malamig pa rin ang pakikitungo ng babae sa kanya pero kahit na ganoon, ginagawa lahat ni Kaiden upang maibalik 'yong dating sila ni Dreams.

Tahimik na sumunod si Dreams at kinuha ang kanyang plato saka tasa ng gatas papunta sa dining table na kinaroonan ni Kaiden. Ipinuwesto ni Kaiden 'yong frame sa may gilid upang may mapaglagyan si Dreams sa plato niya. Nang maupo na si Dreams sa tapat niya, tahimik lamang ito na nagpatuloy sa pag-kain. Nakayuko si Dreams at hindi manlang nag-angat ng tingin para tignan siya. Halatang iniiwasan siya nito.

"Kuha ka lang. Hindi ko naman mauubos 'yan e." Pagtutukoy ni Kaiden sa niluto niyang tocino nang mapansin niyang nakatingin roon si Dreams. Sinadya niyang lutuin 'yon dahil isa 'yon sa mga paborito ng babae. Dinamihan niya ng luto hindi para sa sarili niya kundi para kay Dreams mismo.

Nakakabinging katahimikan ang nanaig sa pagitan nilang dalawa dahil ni isa sa kanila walang lakas ng loob na magsalita. Kinuha ni Kaiden ang kutsilyo sa gilid ng plato niya saka hiniwa 'yong apple na madalas kainin ni Dreams sa umaga. Nagiging dahilan rin ng away nila 'yon dahil kinakain ni Dreams 'yong apple na breakfast niya rin.

"Here..." Iniabot niya 'yong kalahating hiwa ng apple gamit 'yong dulo nong kutsilyo. Napunta ang tingin ni Dreams don sa apple at walang imik niya itong kinuha.

"Thank you.... sabi ni Baby." Tugon nito na animo'y nahihiya. Napangiti na lang si Kaiden sa reaksyong iyon ni Dreams.

Matapos silang kumain, nagprisinta pa si Kaiden na siya ang maghuhugas ng kanilang pinagkainan. Nagtalo pa silang dalawa dahil ayaw ni Dreams pero sa huli wala siyang nagawa kundi ang hayaan si Kaiden. Iniwan niya ito at nagtungo na lamang sa sofa upang manood ng tv. At habang naghuhugas si Kaiden, nagkwekwento siya para kahit papaano ay pansinin siya ni Dreams pero dedma pa rin.

"Pupunta ako ng mall, may ipapabili ka?" Pagkuha ni Kaiden sa atensyon ng babae na abalang pinapatulog si Doky sa kanyang braso.

Umiling si Dreams, nasa aso pa rin ang kanyang tingin.

"Baka gusto mong sumama?"

"Hindi na."

"Okay!" Kagat labing kinuha ni Kaiden 'yong susi sa may lamesa't kamot-kamot niya ang ulo na lumabas ng kanyang unit.

Para siyang mababaliw kung paano mapapaamo si Dreams. Lahat ng pagpapaamong alam niya ay nagawa na niya pero wala pa rin. Palagi siyang dinededma ng babae. Minsan nagmumukha na siyang tanga sa mga pinaggagagawa niya mapansin lang siya ni Dreams. Ngayon niya napatunayan na biruin mo na lahat huwag lang 'yong babaeng buntis dahil mababaliw ka kakaisip ng paraan para mapaamo ito ulit.

"Napauwi mo nga pero dinededma ka naman." Natatawang biro ni Oheb sa kanya matapos niyang ipaalam sa kanyang mga kaibigan na napauwi na niya si Dreams sa unit niya pero ang problema ay dinededma siya nito.

"Mababaliw na nga ako kakaisip kung ano ang pwedeng gawin don para mapatawad ako e."

"Dapat maging mabait ka sa kanya." Suhestiyon ni Marco.

"Hindi pa ba ako mabait sa lagay na 'to, pre?  Ginawa ko na nga lahat e. Ultimo paghuhugas ng pinagkainan niya, paglilinis ng mga kalat niya, pagbili ng mga pagkain na gusto niya, wala pa rin. Galit pa rin siya sa akin."

"Hindi naman porket ginawa mo na lahat dapat okay na kayo e. Tandaan mo, mabigat 'yong kasalanan na ginawa mo sa kanya. Kung sa'yo, mababaw lang 'yon, sa kanya hindi. Kaya dapat lang na mahirapan ka sa pagsuyo sa kanya kasi 'yong sakit hindi basta-basta." Opinyon ni Edward na nakapagpatigil sa buong sistema niya.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon