Chapter 40: Gift

187 7 0
                                    

"Kahit laklakin mo lahat ng alak dito sa mundo, hindi ka non uuwian hangga't 'di mo susuyuin. Ikaw ang nagkasala kaya ikaw dapat ang gumawa ng paraan para magkabati kayo." Seryosong paso ni Edward sa kaibigan niyang problemado na si Kaiden nang palabas na sila ng ospital matapos ang kanilang training nong araw na 'yon.

Hindi naiwasang magkwento ni Kaiden sa kanila tungkol sa nangyaring sagutan sa pagitan ng kanyang ina na si Doktora Katlyn at ng komprontasyon nila ni Dreams na naging dahilan upang maglayas ito sa kanyang unit. Ikatlong araw na 'yon na wala si Dreams sa unit niya at sobra na siyang nag-aalala sa lagay nito. Kaya humingi na siya ng advice sa kanyang mga kaibigan kung ano ang nararapat niyang gawin para mabalik si Dreams.

"Sinubukan ko na siyang kontakin kaso cannot be reach palagi. Minsan naman nagring pero hindi niya sinasagot." Inilabas niya ang car key sa kanyang bulsa at inalis ang suot nitong puting coat.

"Ewan ko naman kasi sa'yo, ikaw na nga 'tong tinutulungan, ikaw pa may ganang magalit. Ang gusto lang naman non ay magkaayos kayo ng nanay mo. Gets ko naman na ayaw mong pinapakialaman sa mga desisyong ginagawa mo pero sana naman hindi mo dinamay 'yong bata sa tyan niya. Masakit 'yon, Dok." Komento ni Oheb na nilalaro-laro ang car key sa kanyang daliri.

"Kaya nga ako nagsisisi e." Depensa nito.

"E anong balak mo?" Tanong ni Marco.

"For now, I don't have any plan." Sagot ni Kaiden. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang dami kong iniisip, hindi ko na alam kung alin ang uunahin."

"Huwag puro tawag ang gawin mo, dapat sa personal mo rin siya suyuin."

"Hell! It's my first time to do this shit, man."

"Kasalanan mo 'yan, alam mo na ngang sensitive ang mga buntis, sinabihan mo pa ng ganon. Magdusa ka."

Napahilot sa senitdo si Kaiden pagkatapat niya sa may pintuan ng kanyang sasakyan, huminto siya at ng kanyang mga kaibigan. Lahat sina Oheb ay nakatingin sa kanya. Sinasabihan nila ng pwede nitong gawin upang suyuin si Dreams. Firstime manuyo ni Kaiden ng babae. Sa taning ng kanyang buhay, wala pa siyang sinusuyo kahit isa, si Dreams pa lamang. Never niyang naranasan na may sinusuyong babae katulad ng ka-fling o girlfriend manlang kaya nakakaramdam siya ng hirap ngayon.

Sa tatlong araw na wala si Dreams sa unit niya, nakaramdam siya ng pagkaburyo. Kapag uuwi siya galing duty, nakasanayan niyang may Dreams na sasalubong sa kanya. Nasanay siya na may isang babae na nagkakalat, nagpapaingay, at nagbibigay sigla sa tahimik niyang buhay. Noon lamang siya nakaramdam ng pangungulila. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil imbes na matuwa siya dahil nawala ang isa sa mga nakakapagpagulo ng isip niya ay hindi, nakaramdam siya pagkalungkot. Sa kaibutiran ng kanyang puso, sobra siyang nangungulila sa presensya ni Dreams.

"Sir, day off niya po ngayon e kaya wala po siya." Sagot ng cashier na nilapitan niya sa paboritong puntahan ni Dreams na grocery store at pinapasukan nitong trabaho.

Ilihim man iyon ni Dreams sa kanya, malalaman at malalaman niya pa rin ito. Kamakailan niya lang nabalitaan na doon nagtratrabaho si Dreams. Minsan niyang nakita ang babae na nagcacashier sa grocery store na 'yon noon kung saan tinatawagan niya ito't sinabing nasa bahay raw ito ng kaibigan niyang si April pero hindi naman. Hindi niya pinaalam kay Dreams na alam niya na may trabaho ito at kung saan. Hindi niya ito inamin na alam na niya. Naiintindihan niya kung bakit nagawang ilihim 'yon ni Dreams sa kanya. Naiintindihan niya kung bakit naisipan ni Dreams na humanap ng trabaho.

"Pwede bang malaman kung kailan ulit 'yong pasok niya?" Tanong niya.

Alinlangan pang sumagot ang babae sa kanya, napansin niya 'yon. "Kaano-ano niyo po ba siya, Sir? Hindi po kasi kami nagbibigay ng personal information unless kapamilya niya po."

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon