Chapter 50: Her Feelings

168 7 0
                                    

"Lalim ng iniisip mo ah. Nakakastress ba ang pagiging instant daddy?"

Natawa ng mapakla si Kaiden nang marinig ang biro na ibinato ni Doktora Mia sa kanila. Naroon sila sa isang kwarto kung saan nakalagi ang pasyente nilang kritikal ang kondisyon. Pinagtutulungan nila itong bantayan upang sa ganon ay mailigtas nila ito at magawan ng paraan upang gumaling na kaagad.

"Nakakastress kasi nakakapanibago." Kaiden answered then he place the ballpen inside the pocket of his white coat. Tumingin siya kay Doktora Mia na noon ay nakakrus ang mga braso nito sa kanyang dibdib na nakatuon ang tingin nito sa kanya ng diretso. Matamis pa ang mga ngiti na nakasilay sa labi ng babae.

"Nakakapanibago dahil hindi 'yon kasali sa plano mo."

"I already changed my mind, Mia. I have a better plan for my angel now."

"Wow! Dati naaalala ko, allergic ka sa pagkakaroon ng anak kaya nagtataka ako ng sobra non kung bakit gusto mong maging Pediatrician kahit halata naman na ayaw mo sa bata." Tumawa ng mapakla si Mia kaya ginulo ni Kaiden ang buhok nito. Malapit  silang magkaibigan kaya halos alam lahat ni Mia ang mga naging kaganapan sa buhay nito.

Nagkapalitan pa sila ng opinyon kung ano ang mga dapat gawin sa pasyente nila. Naroon rin sa kwartong iyon ang mga nurses na kasama nila sa pag-aalaga sa pasyente. Pinacheck ng mabuti ni Kaiden ang vital signs nito para masigurado na nasa maayos na lagay pa ang pasyente. Bago sila lumabas sa kwarto na iyon ay pinaalalahan nila ng maayos ang mga kapamilya ng pasyente maging ang mga nurses.

"Nurse Anne, bantayan niyo siya ng mabuti. If something happen bad to her, please, let us know, asap." Paalala ni Kaiden sa nurse na naroon, inaayos ang ilang apparatus na nilagay nila sa pasyente.

"Yes, Doc."

Nagpaalam na silang dalawa dahil may mga ibang pasyente pa silang aasikasuhin. Nagkamustahan sila saglit ni Doktora Mia at sabay na naglakad papasok ng elevator. Hindi naiwasan ni Kaiden na maglabas ng saloobin sa kanyang kaibigan ukol sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. He want something to lean on. Gusto niya may mapagsabihan siya ng mga saloobin niya. Gusto niyang mabawasan 'yong mga iniisip niya. Nagbabakasakali si Kaiden na may maipapayo si Mia sa kanya na makakatulong kahit papaano sa kanya.

"Thank you for cheering me up, Mia. You're the best."

"Sus! Maliit na bagay, basta ikaw. Kaya kita mahal e." Natawa pa si Dok. Mia.

"I love you too.. "

Nagpaalam na si Mia na didiretso siya sa office nito samantalang siya naman ay dadaan sa canteen dahil naroon nga sina Oheb, sasabay siyang kakain ng lunch tutal wala siyang gagawin sa mga oras na 'yon. Kaagad na siyang sumakay elevator papunta ng first floor at nagtungo kaagad sa canteen at doon niya naabutan ang kanyang mga kaibigan na maganang kumakain na animo'y may pinagpyepyestahan sa table nila.

"Doc, kain na. Sakto, dinalhan tayo ni Dreams ng pagkain." Anyaya ni Oheb sa kanya't tinapik ang space sa tabi nito para doon siya maupo.

"Pumunta si Dreams dito?" Nagtatakang tanong niya, napalinga pa siya sa paligid at nagbabakasakali siyang makikita niya ang bulto ng babae pero ni anino nito ay walang sumagi sa paningin niya.

"Oo, sinadya ka pa nga niya sa taas e. Hindi ba kayo nagkasalubong?"

Umiling siya. "Hindi ko siya nakita e. Wait, ichecheck ko baka nandon pa siya."

At walang inaksayang oras si Kaiden na bumalik sa second floor dahil nagbabakasakali siyang maaabutan niya pa si Dreams doon kung naroon pa nga. Inaasahan niya na magkakasabay sila sa elevator pero hindi. Pumunta pa siya sa office ni Mia dahil baka dumaan roon si Dreams pero wala naman daw. Dumaan rin siya sa office niya pero wala din roon kaya naisipan na lang niyang bumalik sa baba at baka nandon na si Dreams incase hindi siya nito nahanap sa taas.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon