"Hindi pa naman ganoon kalala ang lagay ni Kaizer, Dreams, pero inaadvice ko na ng maaga na bantayan siya ng mabuti. He's just five years old, hindi pa siya masyadong aware sa mga nangyayari sa kaniya. Hangga't maaari, magdoble bantay ka sa kaniya. Hindi biro itong sakit niya. Brain tumor is a very serious disease, nakakabahala lalo na't bata lamang siya. Also, here's the list of the tablets you need to buy."
Napahilot si Dreams sa kaniyang sentido nang makita ang mga gamot na iinumin ni Kaizer panlaban sa brain tumor niya. Isang tableta pa lamang ay may kamahalan na. Namomoblema siya ng sobra kung saan siya kukuha ng pera pangtustos sa gamutan nito. Pati na rin 'yong mga pambayad sa ospital kapag sinusugod ito. May ilang utang pa siyang hindi nababayaran dahil nagkasabay-sabay na sinumpong si Kaizer ng kaniyang sakit.
"At bago ko makalimutan, Dreams, kinakailangan mo ng maghanda ng gagastusin dahil as soon as possible, maooperahan na si Kaizer. Malaki-laking pera ang kakailangan mo."
Napatingin siya sa kaniyang anak na naglalaro sa may sofa ng clinic ni Doctor Harvin na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Kahit namomoblema si Dreams sa mga gagastusin sa gamutan ni Kaizer, napapawi ang pangamba nito sa simpleng panggiti ng anak.
"Ma, anong sabi ni Doc. Harvin? Gagaling na po ba ako?"
Palabas sila ng ospital dahil kakatapos lamang ng checkup ni Kaizer. Kanina pa nagtatanong si Kaizer sa kaniya ukol sa pinag-usapan nila ni Doctor Harvin pero hindi niya magawang sagutin ito. Bukod sa hindi maiintindihan ni Kaizer, hindi niya kayang ipaliwanag sa anak ang totoo nitong kondisyon.
"Gagaling na po ba ako? Makakapaglaro na po ba ako katulad ng mga kapitbahay natin?" Tanong nito ulit dahil hindi siya sinagot ng ina sa una nitong tanong.
Natigilan si Dreams sa paglalakad, hinarap niya si Kaizer at pumantay siya rito. Hinawakan niya ang mukha ng anak saka inayos-ayos ang buhok nito na bahagyang nagulo.
"Syempre gagaling ka, hindi ba't kasing lakas mo si Superman?"
Mabilis na tumango si Kaizer. "Opo Mama."
"Kaya mangako ka kay Mama na lalaban ka ha? Kahit anong mangyari, tatalunin mo 'yang sakit mo, hmm?" Pinipigilan niyang maging emosyonal sa harapan ng kaniyang anak habang pinapakiusapan ito na lumaban.
Tumango si Kaizer kaya ginawaran niya ito ng halik sa noo saka mahigpit na niyakap. Marahan niyang pinunasan ang kaniyang pisngi na binasa ng luha.
Mabigat sa kaniyang dibdib kapag ganoon na pinakiusapan niya ang kaniyang anak na lumaban sa sakit nito. Minsan naiisip niyang sumuko pero dahil mahal niya ang kaniyang anak, nagpapatuloy siya. Kaya niyang ibuwis ang kaniyang buhay alang-alang sa kapakanan ni Kaizer.
"Mama nagugutom ako." Usisa ni Kaizer nang naglalakad sila patungo sa bus terminal pauwi.
Pinili na ni Dreams na maglakad kaysa sumakay ng traysikel dahil nasasayangan siya sa pamasahe. Hindi naman ganon kalayo ang bus terminal sa pinuntahan nilang ospital sa kanilang probinsiya. Dalawang oras ang kailangang guguluhin bago tuluyang makarating sa syudad kung saan naroroon ang kilalang ospital sa lugar nila.
"Sige, kakain na muna tayo, saan mo ba gustong kumain?"
"Sa Jollibee po, Mama." Nakaturo siya sa fast food chain na matatanaw sa kanilang pwesto. Nagniningning ang mga mata ni Kaizer na pumasok roon dahil never niya pang dinala ang anak sa loob nito.
Natigilan si Dreams sa hiniling ng anak. Alam niyang baliw na baliw si Kaizer sa naturang fast food chain. Bukambibig niya iyon kapag ganoon na luluwas sila ng syudad. Napapanood niya kasi ang patalastas sa telebisyon at naging dahilan iyon para makilala niya ito. Kaya niyang ibigay lahat ng gusto ng anak pero hindi sa panahong walang-wala sila.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Novela JuvenilDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...