Chapter 36: Sermon

203 9 0
                                    

"Are you out of your mind, Doc. Kaiden? May balak ka bang patayin ang pasyente, ha? Akala ko ba magaling ka? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Panenermon ni Doc. Richard sa kanya matapos muntik magkasablay sa operasyon na ginawa nila na magkakasamang tatlo. Kaagad na sumugod si Doktora Katlyn upang iayos ang maling procedure na isinagawa ni Kaiden. Laking pasasalamat nila at naaganapan ito kaagad at nailigtas nila ang pasyente. Dali-daling lumabas ang mga nurse nang simulan nang sermonan ni Doc. Richard si Kaiden na napahilot sa kanyang batok. Nasa gilid naman niya si Doktora Katlyn, walang ginagawa at nakikinig lamang.

"Doc. Ginawa ko lang ang alam kong diskarte para kayanin ng katawan niya 'yong sakit na 'yon. Kahit sinunod natin ang tamang paraan, alanganin pa rin. Nag-isip lang ako ng paraan to save her." Depensa niya.

"To save her? Hindi mo ba nakita na nag-agaw buhay siya dahil sa'yo? Mabuti na lang at nandito si Doc. Katlyn to fix your mess."

Napayuko si Kaiden at pinigilan ang sarili. Ibang tao ang kaharap niya, hindi ito ordinaryong tao lamang dahil ito ang nagpapasweldo sa kanya. Gusto niyang ipaglaban ang sarili niya pero hindi niya magawa. Nakaramdam siya ng sobra dahil hindi manlang siyang ipinagtanggol ng kanyang ina. Hinayaan siyang ibaba siya ni Doc. Richardat kwestyunin ang kanyang kakayahan bilang isang doktor. Para siyang bato na tinapaktapakan ng walang kalaban-laban.

"Pagpasensyahan mo na si Doc. Richard. Concern lang siya sa pasyente." Tugon ni Doc. Katlyn nang makaalis na si Doc. Richard na galit na galit.

Isa-isang inalis ni Kaiden ang magkabila niyang gloves sa mga kamay nito. Padabog niyang inalis ang hairnet at facemask nito sa mukha. Nakasunod naman si Doc. Katlyn sa kanya na ramdam ang kanyang galit.

"Doc. Kaiden." Pagtawag niya sa lalaki nang layasan siya nito sa loob ng operating room. Narinig niya ang pagkalabog ng pintuan dahil pabagsak iyon na isinarado ni Kaiden. Sinundan niya ang lalaki at hinabol. Ginawa niya ang lahat upang hulihin ang mga braso nito at nagawa naman niya.

"Doc. Kaiden, kinakausap kita, huwag mo 'kong tatalikuran."

Hinarap niya ang ginang at tinitigan ng diretso sa mga mata saka padabog na binawi ang braso nito na hawak ng doktora. "Anong gusto mo, pasalamatan kita dahil sa eksenang 'yon ikaw ang bida? Ganon ba?"

"Watch your words, Doc. Kaiden, kilala mo naman siguro kung sino ang kaharap mo ngayon." Matalim niya itong tinitigan ng diretso. "Bakit ka galit sa akin? Galit ka dahil iniligtas ko 'yong pasyente na muntik mo ng mapatay, ha? Iyon ba ang ikinagagalit mo?"

"Tsk!" Naigalaw ni Kaiden ng bahagya ang kanyang panga. "Nagagalit ako dahil hindi mo manlang ako ipinagtanggol sa kanya."

"Bakit kita ipagtatanggol? Alam natin na mali 'yong diskarte mo, ikakapamahak ng pasyente 'yong gusto mong gawin."

"Tanginang 'yan."

"Huwag na huwag mo 'kong mumurahin." Tinuro pa siya ng bahagya ng doktora dahil hindi niya nagustuhan ang pagmumura na 'yon ni Kaiden.

"Sarili mong anak, hindi mo manlang kayang ipagtanggol." Sambit ni Kaiden na ikinagulat ni Doc. Katlyn, napansin niya ang halong galit at emosyonal sa mga mata ni Kaiden. "Hinayaan mo 'ko don na insultuhin at kwestyunin 'yong abilidad ko bilang doktor. Hinayaan mo 'kong sigawan ako. Hindi naman mahirap magsalita, bakit hindi mo manlang ako ipinaglaban sa kanya, Mama."

Doon na niya napansin ang sunod-sunod na pag-agos ng luha ni Kaiden. Natahimik siya. Para bang may kumirot sa dibdib niya nong kauna-unahang beses niyang makita na umiyak si Kaiden sa kanyang harapan. Napatitig siya sa nagmamakaawang mukha nito. Gusto niyang yakapin ang kanyang anak pero para siyang napako sa kanyang kinatatayuan at hindi siya makagalaw. Maski bibig nito ay hindi niya maibuka sa sobrang gulat na umiyak ang binata sa kanyang harapan.

"Sana kahit hindi ka na nagpakahead doctor, kahit nagpaka-ina ka na lang sa'kin. Tanggap ko 'yong pagkakamali ko pero 'yong makita ko mismo 'yong nanay ko na hinayaaan akong bastusin mismo sa harapan ko, 'yon ang masakit. Mas nasaktan ako don sa pagwawalang pakialam mo. Hindi ka pa pala nagbabago. Kung gaano ka kaselfish nong iwan mo kami ni Papa, hanggang ngayon ganun ka pa rin pala."

"Kaiden..."

"Dito lang sa pagdodoktor ko kayang ipagmalaki 'yong sarili ko sa'yo. Pero hindi ko inaasahan na ikaw pala ang hihila sa akin pababa." Makahulugang tugon ni Kaiden at nagtagis siya ng bagang. "Hindi ko hahayaan na sirain mo ulit ang buhay ko." Tugon nito at nilayasan na niya ang kanyang ina.

_

"Daddy Doc?" Pagtawag ni Dreams sa lalaki nang mapansin na nakabukas ang ilaw sa may kusina. Alam niyang dumating na ang lalaki dahil nagkalat sa sofa 'yong bag niya na palaging nitong dala. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang magulong bahay, kakauwi niya lang galing trabaho't overtime pa siya. Hindi niya inaasahan na mauunang makauwi si Kaiden kaysa sa kanya.

Naglakad siya papunta sa kusina at muntik na niyang maapakan 'yong picture frame na nasa sahig, basag ang salamin nito. Pupulutin niya sana ito nang mapansin niya si Kaiden sa may lababo, nakaupo ito at nakasandal. Para siyang hindi doktor sa postura niya dahil magulo ang buhok nito, magusot ng palaging maayos nitong damit at may hawak na isang bote ng alak. Hindi niya pa ito ginagamitan ng baso, itinutungga na lang niya ito. Kahit nababahuan si Dreams sa amoy ng alak, nilapitan niya pa rin si Kaiden.

"Uy! Anong nangyari? Ba't ang gulo dito sa unit mo? May pumasok bang magnanakaw?" Tanong ni Dreams pero hindi siya sinagot ni Kaiden dahil abala ito sa pagtungga sa iniinom nitong alak. "Tama na nga 'yan, lasing na lasing ka na oh." Sinubukan niyang agawin 'yong hawak na bote ni Kaiden pero iniiwas niya ito at hinawi ang kamay ni Dreams.

"Don't bother me." Pagtataboy nito. "Hayaan mo 'kong mapag-isa."

"Pero lasing na lasing ka, baka mapano ka pa." Sinubukan niyang agawin ulit 'yong bote ng alak mula sa lalaki.

"Ano ba! Sabing iwan mo 'ko e. Bingi ka ba?" Singhal nito at bahagya niya pang naitulak si Dreams. "Pati ba naman ikaw pangungunahan ako?"

"Tinutulungan lang kita, Daddy Doc. Akin na 'yan, lasing ka na."

Hindi iyon ibinigay ni Kaiden kaya napabuntong-hininga ng malalim si Dreams. Hindi na niya sinubukang kunin iyon at naglakad na lang siya upang pulutin 'yong pictura frame na nabasag sa may sahig.

"Ano bang nangyari? Bakit pati 'tong picture frame, nabasag." Akma niya itong pupulutin nang mabilis siyang pinigilan ni Kaiden.

"Huwag mong hahawakan 'yan." Kasunod noon ay narinig niya ang paghikbi ni Kaiden. Natigilan siya't napatingin sa gawi ni Kaiden, nakayuko na ito't naririnig ang kanyang pag-iyak. Kahit gustong-gustong pulutin ni Dreams 'yong frame, hindi niya ginawa. Bagkus, nilapitan niya si Kaiden at naupo siya sa tabi nito.

Hindi siya nagsalita at  pinakinggan lamang 'yong paghikbi ni Kaiden. 'Yon ang unang beses na nakita niyang umiyak si Kaiden. Gulat na gulat siya. Kung gaano ito kasungit ganoon siya nakakaawa kapag umiiyak. Gusto niya itong yakapin pero natatakot siya. Napahawak si Dreams sa kanyang tiyan habang nakatitig kay Kaiden na umiiyak pa rin.

"Baby, ganito pala kapag umiiyak ang Daddy mo, nakakaawa." Nasabi ni Dreams sa kanyang sarili. Hindi siya sinita ni Kaiden nang haplusin niya ang balikat nito. "Nandito lang kami ni baby. Incase gusto mo ng kausap, dito lang ako. Pwede kang magsabi sa'kin."

Inakbayan niya si Kaiden at inihilig naman ng lalaki ang ulo nito sa balikat niya. Hindi siya gumalaw nong nakasandal na si Kaiden sa kanya. Ramdam niyang nabasa ang damit nito sa patuloy na pag-agos ng mga luha ni Kaiden. Tanging hikbi ng lalaki ang maririnig sa buong kusina. Hindi niya inaasahan na kahinaan ni Kaiden ang nanay niya.

Parehas na gustong tulungan ni Dreams ang mag-ina pero hindi niya alam kung sino ang dapat niyang unahin. Hindi niya alam kung kanino ba dapat siya kumampi. Parehas silang nasasaktan. Nirerespeto niya ang bawat hinanakit ng mag-ina sa isa't isa. Wala siyang nais na mangyari kundi ang magkabati ang mga ito.



HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon