Chapter 63: Problem with His Son

299 10 5
                                    

"No way! Hindi ko sasaluhin 'yong case ng batang 'yon. Umuwi ka ng hayup ka at asikasuhin mo 'yong pasyente mo. Huwag mo 'kong abalahin."

Gigil na gigil si Kaiden na nakikipag-usap kay Doktor Wade pero tanging pagtawa lamang ng kapwa nito doktor ang naririnig mula sa kabilang linya. Kahit hindi pa siya sigurado sa kaniyang hinala ukol sa batang pasyente na pinapasalo ni Doktor Wade sa kaniya, ayaw niya pa rin tanggapin ito. Pamilyar ang apelido ng bata ayon sa kaniyang nabasa na pangalan nito. At kung tama man ang kaniyang hinala, hangga't maaga ay siya na mismo ang iiwas. Ayaw niyang magkrus ulit ang landas nilang dalawa ng babaeng kinalimutan na niya.

"What's the matter, Doc? Galit na galit ka yata sa pasyente ko? Anong alam mo sa batang 'yon?"

"Nothing! Busy lang ako at marami akong pasyente na kinakailangang operahan. Hindi ko na kayang isingit pa 'yong batang 'yon. Pwede bang ibang doktor na lang ang abalahin mo at huwag ako?"

Padabog siyang lumagok sa bottled water na hawak niya. Kasalukuyan siyang naroon sa kaniyang clinic, nagpapahinga. Pinili niyang lumayo sa ingay dahil gusto niyang makapag-isip ng mabuti. Nagulat siya ng sobra at hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya pagkabasa sa pangalan nong bata.

"Ikaw lang ang alam ko na makakatulong sa batang 'yon. C'mon, tinutulungan na nga kita para mas lalo ka nilang makilala e. Patunugin pa natin lalo 'yong pagiging the best pediatrician mo, ayaw mo ba non?"

"But not this time, Wade. Tangina ka! Umuwi ka na lang at asikasuhin mo 'yong pasyente mo."

"I can't, Kaiden. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa batang 'yon. He's so adorable, sana makita mo siya at baka magbago pa ang isip mo. He needs you, man. Tulungan mo siya kagaya ng ginawa mo sa mga nauna mong pasyente. Kakayanin ba ng konsensya mo kapag may nangyaring masama sa batang 'yon dahil diyan sa pangrereject mo?"

Napamura si Kaiden sa inis. Napahilot pa siya sa kaniyang sentido dahil sa pagmamatigas ni Doktor Wade sa kaniyang pakiusap. Alam naman niya na tinutulungan siya nito na mas makilala siya bilang isa sa mga pinakamagaling na Pediatrician pero hindi sa ganoong pagkakataon. Iyon ang pangpropromote ni Wade sa kaniya na kailanman hindi niya magugustuhan.

"Sige na, I need to go! My wife needs me. I'll give you time to think. Balitaan mo 'ko kung payag ka na." Saka nito pinutol ang linya.

Napasandal na lamang si Kaiden sa kaniyang swivel chair at napapikit. Hindi niya alam kung tatanggapin niya ba ang pakiusap ni Doktor Wade sa kaniya kahit pa man hindi pa siya sigurado sa kaniyang hinala.

Kinuha niya muli ang folder na bigay ni Doktor Wade sa kaniya, iyong information ng bata na si Kaizer. Binasa niya ang bawat detalye ng bata, at habang binabasa niya ito ay mayroon siyang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.

"Fuck!"

Mabilis siyang napatayo nang maalala na pupunta pala siya sa school program ni Zach. Patakbo siyang lumabas ng ospital at halos na-snob niya pa lahat ng nakasalubong niya na bumati sa kaniya. Hindi siya  nag-aksaya ng oras at pinaharurot ang sasakyan nito papunt sa school ni Zach. Sa pagiging lutang niya ay nakalimutan na niya ang promise sa anak na manood ito sa school program nila.

"Zach.."

Naabutan niya ang kaniyang anak na nakaupo sa may stage, hinihintay siya. Naglakad siya papalapit rito at doon niya napansin na umiiyak ito. Sinubukan niyang hawakan ito upang patahanin pero kaagad na tumayo si Zach at tumakbo paalis.

"Shit! Bakit ba nawala sa isip ko 'to." Napakamot si Kaiden sa kaniyang ulo habang pinapanood ang anak na palabas ng stadium.

Hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay ay hindi siya pinapansin ni Zach. Ginawa na niya lahat para makuha ang atensyon nito pero tanging pandededma ang kaniyang napala. Alam niya na nasaktan niya si Zach dahil umasa ito na pupunta siya. Namoblema siya ng todo sa pakiusap ni Doktor Wade kaya nawala iyon sa kaniyang isip.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon