"Anak ng tokwa." Aligagang nagsign of the cross si Kaiden nang makuha ang ibig sabihin ng sinabi ni Dreams sa kanya. Nagising ang diwa nito nang mapansin na pasulyap-sulyap si Dreams sa ibaba ng kanyang puson.
Mabilis na nahimasmasan si Dreams at namilog ang kanuang mga mata. Napatakip ito sa kanyang bibig saka naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Napalunok rin ito ng ilang beses habang nakaiwas ng tingin sa binata na noon ay yakap-yakap na ang sarili.
"Daddy Dok, mali ka ng iniisip." Tugon ni Dreams.
"Ops! Huwag kang lalapit, hanggang dyan ka lang." Agresibong ani nito at ipinakita ang kamao nito kay Dreams na handang-handang sumuntok. "Kababae mong tao nangmamanyak ka? Jusmiyo!"
"Hoy! Hindi ganon ang ibig kong sabihin." Mabilis na depensa ni Dreams. "Ikaw kasi e, alam mo na ngang may kasama kang babae rito sa unit mo, ganyan ka manamit." Umiwas ng tingin si Dreams para hindi mag-isip ng masama si Kaiden laban sa kanya.
Mapaklang natawa si Kaiden. "Wow! Ako na nga 'tong namanyak, ako pa pinagalitan? Kaninong unit ba 'to? Hindi ba sa akin? Sa ating dalawa, ikaw dapat ang mag-adjust hindi ako." Pakikipagtalo ni Kaiden sa babae. "Tsaka, bakit ka ba nang-iisturbo, anong oras na? Pinagnaasan mo tuloy 'tong katawan ko ng wala sa oras. Tsk."
"Hello! Ang kapal naman mukha mo kung iniisip mong pinagnanaasan kita." Inirapan niya ang lalaki.
Salubong ang mga kilay ni Kaiden na tumingin sa babae. "E, bakit sinabi mong kakainin mo'ko? Hindi ka naman aswang kaya iisipin ko na may gusto kang gawing iba sa katawan ko."
"Huwag kang feelingero! Nagulat lang ako sa postura mo kanina kaya ganon ang nasabi ko. Masyado ka namang napopigian sa sarili mo. Psh." Usal ni Dreams na animo'y nandidiri sa katawan ni Kaiden.
Napamura si Kaiden sa sinabi ni Dreams. Nagpatigasan pa sila ng tingin sa isa't isa. "Whatever!" Akmang isasarado ni Kaiden ang pintuan ng kanyang kwarto nang mabilis na pinigilan siya ni Dreams. "Ano ba kasing kailangan mo? Ha?"
"Gutom ako e, pakainin mo 'ko."
"Naggrocery ka kanina 'di ba? Magluto ka, hwag mo 'kong istorbohin. May sarili kang utak at kamay para ipagluto ang sarili mo." Inis na inis na wika ni Kaiden rito habang matalim ang tingin nito sa babae.
"E, wala na 'kong pagkain e, naubos ko na lahat kanina." Sagot ni Dreams. "Pwede bang akin na lang 'yong apple saka grapes mo don?" Nagpuppy eyes pa si Dreams para makumbinsi niya si Kaiden. Napakagat siya ng pang-ibabang labi pagkatapos.
Napabuntong-hininga ng malalim si Kaiden bago ito nagsalita. "Okay, okay, sa'yo na 'yon." Napakamot si Kaiden sa kanyang ulo pagkatapos pagbigyan ang gusto ng babae para manahimik na ito. "But please don't disturb me. I'm tired all day from my duty, kaya kahit ngayon lang, lubayan mo'ko. Kung may balak kang mambwisit sa akin, ipagpabukas mo na, pwede?"
Masiglang tumango si Dreams dahil pinabigyan ni Kaiden ang kanyang gusto. Ngiting wagi ito at napatalon sa tuwa. Dahil sa tuwa ay ninais niyang yakapin si Kaiden pero mabilis siyang pinagsaraduhan kaya napasubsob ang kanyang mukha sa may pintuan. Gusto man niyang magalit pero nawala iyon dahil sa kanyang tuwa.
"Thank you, Daddy dok, goodnight."
Patakbo siyang nagtungo sa kusina upang kunin ang apple saka grapes sa refrigerator. Hinugasan muna niya ito ng mabuti bago inilagay sa kanyang plato at naglakad patungo sa sala. Pumwesto na siya sa sofa at ipinagpatuloy ang panonood ng kdrama sa telebisyon. Wala pang trenta minutos ay naubos na niya ang apple saka grapes.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...