Mine

278 6 0
                                    

Kanina pa kami pinapalibutan ng mga lalaki dito sa harap ng swimming pool area, and I can't deny the fact that I'm enjoying the attention..it's been awhile since I had company of men, nang magkasundo kasi kami ni Cian, di na ako nag entertain ng ibang boys, at kahit gustuhin ko man, walang makalapit saakin dahil kay Cian.


Habang enjoy din sa pakikipapagkwentuhan si Coreen, si Eunice ay nasa pool na at kasama si James kami lang dalawa ni Coreen ang di pa lumulusong sa tubig.


"Excuse me boys, I'll just get something to drink." Sabi ko.

"I'll get it beautiful!" sabi ng isang chinito kanina pa malagkit ang tingin saakin.

"No, I can manage besides dadaan din ako ng washroom." Sabi ko.


Hindi ko na hinintay na makipag argue pa sya, lumakad na ako palayo sakanila habang sinenyasan ko si Coreen na pupunta lang ako sa bar para kumuha ng maiinom. Sa totoo lang mas ok kung sila ang kukuha ng maiinon for us, pero wala kaming tiwala..baka kung ano pa ang ilagay nila sa inumin namin.


"Two piña colada please." Sabi ko sa bar tender.


Habang ginagawa ang drinks namin ay abala ako sa pagtingin tingin ng view nang maramdaman ko na may umupo sa stool sa tabi ko.


"One Mai thai please.."

Napalingon ako sa boses na pinang galingangan.


Si labanos, nakasuot ng skimpy emerald blue swim suit and a Ray-ban and Hat.

Muntik na akong matawa..palubog na kasi ang araw pero sa get up nya aakalain mo na tirik ang araw.

Napatingin din sya sa gawi ko, and like me pinagmasdan nya din ako mula ulo hangang paa.


"Oh, Carra..ikaw pala yan."she said then she smirked at me. Hindi naman sya mukhang nagulat, kaya maaring nakita na nya ako dito sa bar at sinadya nya akong lapitan.

"Labanos..." tipid kong sabi.


Nakita ko ang pagkunot ng noo nya, pero di ko sya pinansin.


"So how are you Carra? How does it feel na ipagpalit ng boyfriend sa isang special friend" nakangisi nyang tanong. "Hindi ba ganun din naman ang Gawain mo? Ang mang agaw ng iba? What happened to you? Lost your charms? Ikaw na ngayon ang iniiwan"nang aasar nyang sabi.


I looked at her intently then I flipped my hair before answering .


"Just so you know, ako ang nakipaghiwalay so technically ako ang nang iwan. Ikaw how does it feel na sumalo ng tira tira?" Sweet kong sabi.

Napalitan ang ngiti nya sa mukha ng inis.


"Excuse me! Naunang naging akin si Cian!" napatayo nyang sabi.


"Ok sabi mo eh.."I said.


"I know you are hurting right now Carra, siguro kinakain ka nang insecurities mo! Paano ba namang hindi..ang nag iisang lalaking sineryoso mo, pinagpalit ka in just a snap of the finger." Naniningkit ang matang sabi nya.

Art of being a Player...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon