Caterpillar

356 11 1
                                    

Dismissal na, I am currently waiting for Cian kasi he told me na ihahatid nya ako sa bahay kaya yung car ko pinasundo ko na sa driver namin. Thirty minutes na akong naghihintay pero wala parin sya, and I’m not the kind of person who loves to wait. So I decided na puntahan sya sa room nila, and to my surprised nandun nga sya sa room nila at napapalibutan ng mga classmate nya na babae. 

Literal na napapalibutan, yung iba nakahawak sa braso nya, yung iba naman sa buhok at may ilan na naglakas ng loob na humahaplos haplos pa sa hita nya.  It’s like they are really admiring him, para nilang sinasamba si Cian and inaakit at the same time. 

At ang playboy na si Cian ayun at halatang nag eenjoy! Ok medyo naasar ako, don’t get me wrong…what I’m feeling right now is far from jealousy..I’m irritated..imagine naghintay ako ng thirty minutes habang andito lang pala sya at nagpapakasaya! Asar lang talaga! At pag ganito ang mood ko umaandar ang kamalditahan ko, na minsan ay umaabot ng B*tch mode and I’m not proud of it. Pero sa ngayon wala na akong pakialam because I’m so damn pissed!

Pumasok ako ng room at lumapit sa kanila, tumigil ako sa harap ni Cian at humalukipkip, hinintay ko na mapansin ako ng mga higad na ito. Yep higad sila! Paano bang hindi matatawag na higad, eh alam na nga nila na may girlfriend na yung tao pero kung makakapit at makahaplos tinalo pa ang tunay na girlfriend.

Ok just to make it clear I’m not being possessive I’m just being honest and I want to put them to their right place! Nagkamali sila nang kinabanga! Besides para saan pa at naging girlfriend ako kung hindi ko naman magagamit ang mga karapatan ko..i know this is just a game, but I’m going to use this as a bait to make him fall inlove with me.

Sa sobrang pagka insensitive ng boyfriend ko at ng mga higad ay hindi nila ako kaagad napansin, it took them several minutes to realized that I’m just infront of them.

“Si Carra..” bulong nung isang higad na humahaplos sa buhok ni Cian.

Napatingin naman yung isang higad na nakaabrisyete kay Cian, at ang malditang higad nagawa pa akong pagtaasan ng kilay! Kapal much huh!

“Hmnnn… bakit sya andito?” sabi naman nang isa pang higad na mukhang retokada ang ilong.

AT ang Playboy kong boyfriend ayun, hindi parin ako napapansin dahil busy sa pakikipagbulungan sa isa pang higad na panay ang haplos sa dibdib ni Cian, habang si Cian naman ay humahaplos din sa binti ng higad na yun na sobra talaga sa pagka-makati.

“Excuse me..”mataray kong sabi.

Napatingin silang lahat saakin pati na si Cian na mukhang nagulat. Napataas ang kilay ko habang nakikipagtitigan kay Cian.

“Gorg.” Bati nya saakin. Hindi parin nya inaalis yung kamay nya sa legs ng higad na super kati.

“I’ve waited for thirty minutes! And I wanna go home now!” mariin kong sabi, napaupo ng tuwid si Cian at tinangal na nya ang kamay nya sa legs nung higad.

Art of being a Player...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon