Iguana

264 5 0
                                    

Kanina pa ngiting panalo itong si Cian samantalang ako kanina pa hikab ng hikab. Itong lalaking ito, pinuyat ako, buti sana kung walang pasok ngayon, hindi naman ako makapagreklamo dahil for sure aasarin na naman nya ako!

Naglalakad kami sa hallway na magkahawak kamay, all eyes are on us, dahil ngayon Official na uli kami, at pwede na namin ipaalam na kami na, kaya kanina pa excited pumasok si PLAYBOY. Halos ipamukha nya sa lahat ng lalaki na nakakasalubong naming na off limits na ako, napapailing nalang ako sakanya.

Ngayon medyo kinakabahan ako, hindi ko alam ano magiging reaksyon ng mga friends naming, lalo na ni Coreen at Eunice for sure they will freak out. But surprisingly they didn't, all this time alam na pala nila talaga dahil sinabi na sakanila ni Cian. Gusto ko man mainis kay Cian ay natuwa na rin ako kasi at least ngayon makakahinga na ako ng maluwag. Nakakatuwang isipin na lahat ay nasa maayos, walang inaaalala at lahat masaya. Naging maayos ang relationship namin ni Cian, he loves me and he made sure na I will feel his love.

 Mabilis lumipas ang araw, one month nalang graduation na namin, akala ko tuloy tuloy lang ang smooth sailing relationship namin ni Cian, until one day....

"Hey, sino ba yang katext mo at di mo mabitawan ng iphone mo?" curious kong tanong sabay silip sa phone nya na iniwas naman nya.

"N-no one important.." sabi nya bago nag iwas ng tingin.

Napataas naman ako ng kilay, Cian is not fond of texting, mas gusto nya na tumatawag kesa nagtetext, kaya laking pagtataka ko kasi simula kahapon ko pa sya nakikita na text ng text. Tinanong ko pa sya kahapon pero nag deny sya na may katext at sabi nya is naglalaro lang daw sya.

Tumango tango lang ako at hinayaan sya, kung sino man katext nya for sure di yun importante, I trust Cian's word.

"Hey, Sissy.. don't you like your food? Kanina mo pa piniplay yung food mo.." sabi ni Coreen sabay turo sa Pasta ko na di ko na maintindihan ang hitsura.

"You're not eating?" tanong naman ni Cian.

I shrugged and continue playing with my food.

"Wala akong gana eh." I said.

"Gorge, don't Play with your food, do you want to eat something else? Let's go out para makapili ka ng food na gusto mo." Magkasalubong kilay nyang sabi.

Ayaw nya sa lahat ay hindi ako kumakain, but what can I do? Sa wala akong gana, parang may gusto akong kainin na iba pero di ko alam kung ano. Napangiti ako sa sinabi ni Cian, maganda ang naisip nya para na rin mahanap ko kung ano ba talaga gusto kong kainin, I was about to say yes when his phone rings. Napatingin sya sa iphone nya tapos ay saakin.

"Excuse me.." sabi nya sabay layo sa kinauupuan namin na nagpakunot ng noo ko. di gawain ni Cian lumayo pag may kausap, minsan nga nila-loud speaker pa nga nya para marinig ko kung sino kausap nya para daw wala akong paghinalaan sakanya. Maya maya pa ay bumalik ito sa pwesto namin habang napapahawak ng batok.

"Gorg, something came up..i need to go." He said then he kissed my head and left us without letting me say a word.

"Did he just leave without telling me where he will go?" di makapaniwala kong baling sa mga friends ko na nakanganga at di rin makapaniwala sa ginawa ni Cian.

"Did he just leave without letting you say a word?" di makapaniwalang tanong naman ni Eunice.

"Did he just leave when he just said awhile ago that you two are going to eat out?" magkasalubong kilay na tanong naman ni Coreen.

Sabay sabay kaming napatahimik, parepareho kaming nagulat sa ginawa ni Cian, ng dahil sa isang tawag umalis sya kaagad.. the question is sino ang kausap nya na mukhang napakaimportante para umakto ng ganun si Cian?

Art of being a Player...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon