Porn?!

363 9 0
                                        

Eunice



"Sissy, buti dumating na kayo..Cian is here na kanina pa..he bribed me to leave them..so that he can make solo with our sissy."


Natawa ako sa sinabi ni Coreen, hindi sa fact na sinuhulan sya ni Cian para iwan nya ang dalawa kundi sa way na pagsabi nya sakin. Minsan talaga nakakatawa ang ka-Conyohan ni Coreen, minsan naman normal syang magsalita, pero minsan sobrang paconyo.


"Ikaw talaga, masuhulan lang ng truffle nawawala na ang loyalty mo."nailing kong sabi.


Andito kami sa Condo nya, nagpadaan kasi sya para sabay sabay na daw kami pumunta sa kabilang pinto kung saan doon naman ang condo ni Carra. Ako next week pa lilipat, 3 doors away naman sakanila, buti nga may vacant pa sa floor na ito kundi mapapalayo ako sakanila.


"Coreen, pag ako ba nangligaw at truffles palagi dala ko sayo..sasagutin mo ba ako kagad?" nakangising tanong ni Shawn.

"No way, kahit you give me truffles everday, I won't say Yes to you, you are not my type kasi.." naka smirk na sabi nya.

"Aww, you're hurting my ego baby." Nakangiwi at kunwaring nasasaktan na sabi ni Shawn.


"Eh sino ba ang type mo Coreen?" tanong naman ni James na umakbay saakin.


Tiningnan ni Coreen si Nate, Shawn, at Luke. Then ngumiti sya at lumapit kay Luke at walang salisalitang humawak sa braso ni Luke.

"Si Luke, He is tahimik kasi and Looks like a snob guy." She said while smiling.

Nagtawanan kaming lahat maliban kay Luke na halatang nagulat at medyo namumula na ang mukha. Lalo pa at inasar pa sya nila James. Nailing na lumapit saakin si Coreen, "Let's go na sissy..punta na tayo kila Carra, I think they are doing porn." Seryosong sabi nya.

"Porn?" tanong naman ni Luke. Iyon palang ang salitang nang galing kay Luke simula dumating sila.

Pag si Carra talaga ang pinag uusapan, alerto si Luke..minsan nga gusto kong isipin na may gusto sya kay Carra, pero imposible dahil alam ko para na nyang kapatid si Carra at mataas ang respeto nya sa kuya ni Carra.

"What porn?" tanong ko kay Coreen.

She rolled her eyes na para bang gusto nyang sabihin na ang slow ko.

"Duh, porn..you know?!" sabi nya.

"No Coreen, I don't know what you are talking about."

"Kasi nga Cian, made me leave them diba? Eh he's a guy kaya..so for sure he wants time alone with our sissy so they can you know?! Make porn!"

"Carra is not that kind of girl, and I know Cian won't do that!" galit na sabi ni Luke.

"Uhmnn..I think wrong yung pagkakaintindi nyo saakin, what I mean by porn is..you know, they will..alam nyo na..but not totally porn na may video..gets?" nakangiwing tanong ni Coreen.

Natawa naman sila Nate sa sinabi ni Coreen.

"Exag kasi yung wordings mo Sissy..maka porn ka naman kasi!"sabi ko.

"Whatever! let's go na kaya." Sabi nya then nauna syang naglakad palabas ng condo nya. Sinundan namin sya, dahan dahang binuksan nya ang pinto at lumingon saamin. Nagsignal din sya saamin na wag kami maingay. Feeling ko tuloy para kaming spy namay tinitiktikan..o may hinuhuli sa akto.

Huminto kaming lahat sa Living room, andoon pa ang ilang boxes na kailangan I unpack. Lumingon lingon ako..pero wala roon si Cian at Cara, nagpunta naman si Nate sa Kitchen para I check kung nandoon ang dalawa pero wala rin.

"Omg where are they kaya?" bulong ni Coreen. Then nanlalaki ang mata nyang lumakad papunta sa kwartong di gaano nakasara ni Carra. Sinundan naman namin sya.

Bigla naman nyang itinapat ang tenga nya sa pinto, ng una ay tinitingnan lang namin sya, pero ng mapansin namin ang panic sa mukha nya ay nakigaya kami. Para kaming sira at lahat nakatapat ang tenga naming sa pinto. Si luke lang ang hinde, nakaabrisyte ito at nakakunot ang noo habang nakatingin saamin.

"What do you think you are all doing?" mahina nyang sabi.

"Shh.." sabi ni Coreen.

"Ano bang pinapakingan natin dio?" bulong ko kay Coreen.

"Shhh..just listen, I think nag poporn na sila?!" bulong din nya saamin. Nakinig lang kami sa pinto na medyo nakaawang, kung nakasara ang pinto di namin maririnig since sound proof ang lahat ng rooms sa condo na ito.

"Ahhhh..." lalong napadikit ang tenga ko sa pinto ng may marinig akong ungol na galling sa kwarto ni Carra.

Nagkatinginan kami Ni Coreen.

"C-cian...ohhhh.."

Nanlaki ang mata namin ni Coreen, nakita ko naman napalunok si James, nagkatitigan kami, pero feeling ko nag init ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin.

"Ohhh..w-wait..Ouch...d-dahan dahan naman..ohhhh.."

Feeling ko pinagpapawisan na ko sa naririnig ko. My Gosh, my virgin ears....napopollute-an!

"Like this sweetheart?" sabi naman ni Cian.

"Y-yeah..ahhhhh..like that..h-harder please..ohhhh..C-cian...ahhhh"

Hindi ko na nakayanan ang naririnig ko kaya napatayo ako ng tuwid na naging dahilan para magkabungo bunguan kami at matumba sa pintong nakaawang.

"ahhhh!!" sigaw namin ni Coreen, dahil natumba kami sa sahig at nadaganan kami ng boys.

"What are you guys doing there?" parang galit na sabi ni Cian.

Automatic kaming napatingin sakanila, dapat nga tatakpan ko pa mata ko kasi expected ko na naked sila, pero laking gulat ko ng makitang nakaupo sa cushion si Carra katabi ni Cian na nakaupo rin at parehas silang nakadamit, yung isang binti ni Carra ay nakapatong sa lap ni Cian, habang yung kamay ni Cian ay nasa binti ni Carra na para bang minamasahe ito.

Minamasahe?

Shit oo nga no?!

Nagtayuan kami sa sahig at nagkatinginan, bawat isa saamin ay namumula ang mukha.

"Well, they were eavesdropping, akala kasi nila gumagawa kayo ng milagro!" sabi ni Luke na pumasok ng room ni Carra, at nang aasar na nakatingin saamin. Na para bang gusting sabihin 'Ano ang dududmi kasi ng utak nyo'.

"What?!" gulat na sabi ni Carra.

"Sissy, you are moaning! That's why we assumed that you know..." nangingiting sabi ni Coreen.

"Oh my..."sabi ni Coreen sabay subsob ng mukha sa leeg ni Cian, na para bang gusto na nyang magtago sa hiya.

Yung kamay ni Cian na nasa binti ni Carra ay lumipat sa balikat nito para akbayan at hapitin si Carra.

"You green minded people!" halata sa mukha ni Cian ang pagkaasar.

"Sorry..." ako na ang humingi ng paumanhin sakanila.

Art of being a Player...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon