Theme Song

311 9 0
                                        

"Shawn!" naiinis kong hinampas sa balikat si Shawn kanina pa nya kasi ako kinikiliti ng feather nang ballpen ni Coreen!

Natatawang binitiwan ni Shawn ballpen at binalik kay Coreen na walang pakialam sa mundo dahil busy na pakikipag usap kay Timothy sa phone.

Si James at Eunice naman ay nasa isang sulok na para bang may sariling mundo, habang si Nate naman ay walang kasawaan sa paglalaro ng COC.

"15 minutes na, tara labas na tayo walang Prof!" aya ni Shawn saamin. Sinamaan ko lang sya ng tingin at tiningnan ang nag aaral na si Luke. Kahit kailan talaga si Luke ang pinaka seryoso sa lahat ng bagay. Napakunot ang noo ko ng tumingin sya kay Coreen pag tapos ay binalik sa libro ang mata, pinagmasdan ko lang sya ng gawin yun ng ilang beses. Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na palagi nyang pinagmamasdan si Coreen.

"Tara na Amethyst labas na tayo!" naputol an gang pag iisip ko ng tungkol kay Coreen at Luke dahil sa pangungulit ni Shawn.

"Why are you pestering me Shawn?! Bakit hindi yung mga babae mo!" nakasmirk kong sabi.

Bigla naman itong sumimangot at umayos ng upo.

"Nakakasawa na sila, kaya break muna ako sa pambababae..kaya ikaw muna kukulitin ko since ikaw naman ang Best girlfriend ko!" nakangisi nyang sabi.

"Tsss...sila Nate nalang ang kulitin mo pwede?"

"Grabe ka naman mag salita para tayong di bestfriend ah, nag ka Travis ka lang sumungit ka na sakin. Tingnan mo kaya lahat sila may kanya kanyang ginagawa, tayong dalawa lang nakatunganga!" turo nya sa mga kaibigan namin.

Napatingin ako sa lahat ng kaibigan namin at tama sya, lahat sila busy sa sarili nilang mundo, nahagip ng mata ko si Cian na katabi ang natutulog na si Margaux, ang kamay ni Cian ay humahaplos sa ulo ni Margaux, pero ang mata nya ay nakatingin sa may gawi ko. Napatingin ako sa paligid ko para tingnan kung ano man ang pinagmamasdan nya pero wala naman tao sa gawi namin ni Luke. Bumalik ang tingin k okay Cian, seryoso lang ito sa pag titig sa gawi ko.

Anong problema na naman nya?


"Goodmorning class!"

Napabalik sa kanya kanyang upuan ang lahat ng dumating ang P.E instructor namin, nag announce ito na kailangan daw namin mag present ng isang sweet dance interpretation.

"Paano po ang pagpili ng partner? Kani nap o ba nag mamimili or bunutan?"

"By Names, ang partner..para maiba naman hindi puro by surnames.."nakangising sabi ng Prof.

Bigla ako napaupo ng tuwid, kung by Names ang gagawin namin it means ang kapartner ko ay...


"Sissy, apat lang tayo na nagsisimula sa letter C and Name, at si Condrad ang pang apat, meaning kami ni Condrad ang mag partner at kayo ni....Cian!"

I smiled at her and shrugged.

"Ok lang naman.."sabi ko.

Natawa sya sa sinabi ko, pagtapos ay nilingon nya si Margaux at nang aasar na kinawayan.

Kahit kailan talaga itong si Coreen isip bata! Bagay na bagay sila ni Timothy sa pagkabully!

Nagpalitan na ng upuan para magkatabi na ang magkakapartner. Nginitian ko si Cian ng tumabi ito saakin pero umiwas lang sya ng tingin.

Sungit!

Inexplain nang Prof kung ano ang dapat naming gagawin. Nakapili na rin sya ng mga songs na pwede naming gamitin. Bunutan ang ginawa naming para fair naman sa lahat. Ng turn na namin ni Cian ay ako na ang pinabunot nya. Umupo ako na hawak ang papel na nakabilot. Binigay ko sakanya para sya ang magbukas, ng Makita nya ang pangalan ng song ay bigla syang nanigas sa kinuupuan nya, inabot nya saakin ang papel ng hindi nakatingin saakin. Magkasalubong kilay kong kinuha ang papel mula kay Cian, at napaupo rin ako ng tuwid ng mabasa kung ano ang title ng kanta.

Art of being a Player...Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon