The Show

242 3 0
                                    

"Guess what?! I brought 3 white dresses with me, and we are going to wear this to look like a dyosa!" Coreen said then she giggled like a little girl. "Not that I'm saying to we don't look like a dyosa ah.. what I'm saying is.. let's do this for our friendship goal photos!"

Nagkatinginan naman kami ni Eunice at natawa. Wala na.. pag si Coreen ang nag insist bawal ang tumanggi.

"Uhm.. bakit parang may mali? Sainyo above the knee lang bakit saakin maxi? Tapos backless pa?" nakakunot noo kong tanong.

"Sorry Sissy that's my last white dress na I brought with me kasi."

"Palit nalang tayo.." I said.

"No way, do you want your brother to freak out?!" she said like I am out of my mind. Bigla naman akong napatingin ka Eunice, sunod sunod ang iling nya.

"James will kill me!"

"Sissy.. saating tatlo, you are the only one who's single kaya no one will be mad at you if you make suot that dress.." nang aasar na sabi ni Coreen. I just rolled my eyes at her, at pumunta nang bathroom para magpalit.

Nagtatawanan kaming lumabas  ng hotel, pinagtitinginan kaming tatlo at halos maconscious ako sa tingin na natatanggap ko, grabe naman kasi ang pag ka backless ng maxi dress na suot ko, buti nalang wala dito si Cian kung hindi..pinilig ako ang ulo ko, hindi ko dapat sya naiisip, kaya nga ako nandito para pansamantalang takasan sya.


"Hey Babe, what you miss me already? Oh?! I miss you too.. wait lang ha.." napatingin ako kay Coreen may kausap sya sa phone nya, si Timothy siguro.

"Girls una na kayo.. my boyfriend is being clingy he wants to talk to me na naman!" natatawang sabi ni Coreen na naglakad papunta sa lobby ng hotel at naupo. Dumiretso kami ni Eunice sa kakainan namin, sa isang open field na garden sya nakaharap sa dagat may mga wooden round table na may nakapatong na white table cloth at wooden white chairs. May wooden white fence din, na nagsisilbing bakod nang naturang kainan. The place looks cozy and somewhat romantic. Ang mga waitress ay nakasuot ng European waitress at waiter outfit na akala mo ay sa tv mo lang makikita. Nakakagood vibes, napasinghap ako ng malalim, the cool wind is so refreshing.

"Shit!" Biglang sabi ni Eunice. Nagtatakang napatingin ako sakanya.

"What?"

"I left my phone in our room akala ko nasa pouch ko." nakanguso nyang sabi.

I rolled my eyes. ang layo na ng lakad namin then babalik pa kami.

"Let's go balikan natin."

"No! I mean ako na.. bawal mapagod ang buntis." Nakangisi nyang sabi.

"Ok lang..para exercise na rin."

"No Sissy!Dito ka nalang just wait for us, mag save ka ng upuan. Gusto ko sa may bandang harap ah.." sabi nya bago lumakad paalis. Nailing na naglakad ako papasok ng Restaurant. Pagkapasok na pagkapasok ko ay may lumapit saakin na waiter na mukhang butler sa suot nyang tuxedo.

"Hi Ma'am, Welcome to Les Amoureux..table for how many?" he asked while smiling warmly at me.

Les Amoreux? So this Resturant serves French cuisine? Hmnn..not bad. Pero hindi mo aakalain na French cuisine ang sineserve nila, dahil mas mukhang American style ang place.

"Les Amoreux..it means Lovers right?" paninigurado ko. I somehow know how to speak French pero hindi ganun ka fluent.

"That's right ma'am, may story po kasi ang restaurant na ito."

Art of being a Player...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon