My Girl

329 11 0
                                    

“Hi Ms. Carra!”

“Morning Carra!”

“Hi Ate Carra!”

“Hi..” I smiled back at them. Everyday ganito ang scene sa tuwing papasok ako. Almost everyone are nice to me, bilang lang ang mga rude at sila ang tinatawag na mga INSECURE.

I am currently browsing my messages when someone caught my attention, napalingon ako sa isang sulok ng marinig ko ang humahagikgik na boses na familiar saakin. Si Claire ang class mayor naming sa isang minor subject.

“Cian..stop it, don’t tickle me please…”maarteng sabi ni Claire.

Napalingon ako bigla sa tinawag nyang si Cian, at hindi ako nagkamali! It’s him my boyfriend, Cian the PLAYBOY. Nakahawak ang dalawang kamay nya sa bewang ni Claire habang may binubulong dito. Tawa naman ng tawa si Claire, kulang nalang mangisay sa kilig.

 

So much for PDA!

Napahinto si Claire ng mapansin ako, alanganin nyang kinalabit si Cian para ituro ako.

“Oh Hi Gorg!” kaswal na bati nya saakin without removing his hands from her waist.

“Hi.” Kaswal ko ding bati.

“Hatid kita later after class!” he said.

“No need, hahatid ako ni Callix.”

“Ok how about…let’s have lunch together later?” nakataas kilay nyang tanong.

Kinuha ko yung organizer ko sa bag at tiningnan kung free ba ako ngayong lunch.

“Sure, free ako ng lunch!” I said then I smiled at him.

“Good!” he said then he smiled back at me.

Nag wave na ako sakanya at nagpatuloy ng paglalakad papuntang room ko.

“Seriously kayo ba talaga? Bakit parang ok lang sainyo magcheat?” narinig kong tanong ni Claire.

“It’s not cheating…let’s just say…we’re not the jealous type and we love to share…” natatawang sabi ni Cian.

Yeah right.

Nailing akong pumasok ng room at naabutan kong naghaharutan si Eunice at James.

“Morning.” Bati ko sa dalawa.

“Hi Sissy.” She said then bineso nya ako.

“Hi Gorgeous!” bati naman ni James.

I just rolled my eyes at his remark.

“Where is your so called boyfriend?” nakangising tanong ni Eunice.

Art of being a Player...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon