Desperate Times call for Desperate Measures...

284 6 0
                                    

"I thought bukas pa ang uwi nila ni Dad?" narinig kong sabi ni Cian.

Kanina nang nasa kama kami at nasa vulnerable state si Cian habang nagcoconfess sya saakin ay hindi na nya na nagawang sumagot saakin ng umamin ako sakanya na inlove na rin ako dahil pagka amin ko sakanya ay humiga na ako at nag talukbong ng unan sa mukha. Hindi na rin sya nagsalita pa dahil alam nya na di ko sya kakausapin pa. Pinili ko nalang manahimik at pigilan umiyak..dahil katulad nya ay nasasaktan din ako. Alam kong mahal ako ni Cian, kaya hindi ko maintindihan kung paano nya ako nagawang saktan ng ganun, dahil ba sa nasaktan ko rin sya? Tahimik lang din sya na umiyak habang yakap ako. Sa sobrang katahimikan ay nakatulog ako, naalimpungatan nalang ako dahil sa katok at pagtawag sa labas ng kwarto ni Cian. Lumabas si Cian para tingnan kung sino man ang kumakatok, since nasa loob kami ng pinkabedroom nya ay munik na naming di marinig ang pagkatok dahil mukhang pati si Cian ay napaidlip.

Dahil sa medyo matagal na lumbas si Cian ay naisip ko na sundan sya at silipin kung sino man ang kumakatok.

"Biglaan po ang dating nila Young Master, handa na po ang dinner..pinapatawag na po kayo ni Madam." Narinig kong sabi ng mayordoma nila base sa suot na uniform nito.

"Ok.."sabi naman ni Cian, sabay sara ng pinto at umaktong babalik sa kwarto. Halata sa mukha nya ang pagkagulat ng Makita ako sa harap nya.

"Hey.."bati nya at bahagyang ngumiti.

Nag iwas lang ako ng tingin at di ko alam ang sasabihin ko sakanya. Feeling ko kasi ang awkward lang.

"It's already dinner time, let's go down and eat."

"Can I go home now?" tanong ko.

"No." madiin nyang sabi.

"Fine." Inis kong sabi.

"Don't worry, I already informed your parents that you're here so they don't have to worry."

"You what?!" gulat kong tanong.

"I introduced myself to your parents as your boyfriend and told them that you're here..."nakangisi nyang sabi.

I gaped at him.

I can't believed na magagawa nya yun?! Ano nalang sasabihin ng Parents ko..never pa naman ako nagpakilala sakanila ng boyfriend! Asar talaga itong lalaki na ito!

"Unbelievable!" nailing kong sabi.

He chuckled as he hold my hand and pull me.

"Let's go."

Napataas ang kilay ko.

"Do you really have to hold my hand?"sarcastic kong tanong.

"Can't I?" magkasalubong ang kilay na tanong nya.

"You can't."madiin kong sabi.

"Why not? I thought you love me already?"nagtataka nyang tanong.

Feeling ko nag init ang mukha ko, hinatak ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

"So? Ano naman? Kahit in love na ko sayo..it doesn't necessarily mean na bati na tayo!" nakaismid kong sabi.

"Fine.."nakasimangot nyang sabi.

I just shrugged at him at sumunod na sakanya. Binuksan nya ang pinto at hinintay akong makalabas bago bumulong.

"Bibigay ka rin.."nang aasar nyang sabi.

"Tsss.." I said as I rolled my eyes.



Art of being a Player...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon