As soon as possible!

258 6 0
                                    

"Omg! Talagang kayo na?! I can't believe it!"

"Oo nga parang last year lang si Cian ang boyfriend mo.."

"Ang swerte mo Carra, lahat nalang ng hot guys napupunta sayo, nagbreak man kayo ni Cian may Travis ka naman."

"You look so beautiful..is it because of the climate in New York or because you're in love?!"

Nangingiti nalang ako sa pinag sasabi ng mga classmates ko. Pag pasok ko sa room ay pinalibutan na nila ako. My friends are already sitting at their respective chairs and just watching at how my classmates confront me. Classmate ko silang lahat except sa kay Travis, kahit naman before never kaming naging magclassmate. Nakakaloko lang kasi lahat ng friends ko classmate ko, pati si Cian at Margaux, pero sarili kong boyfriend hindi. How ironic!

"Carra, may naghahanap sayo sa labas." Sabi naman ng isang classmate ko.

"Sino?"tanong ni Luke.

"Si boyfriend!" kinikilig na sabi ng class president namin.

Automatic akong napangiti kasabay ng pag tayo ko, ang mga classmate ko na nakapalibot saakin ay biglang tumabi, lahat sila pinagmamasdan ang paglabas ko ng classroom. Pag labas ko ng classroom ay nakita ko si Travis na nakasandal sa kabilang side ng hallway.

"Hey.." bati ko.

Napaangat sya ng tingin, ngumiti sya saakin at inalis ang kamay nya na nasa bulsa at nilahad saakin na para bang niyayaya akong lumapit sakanya.

I am smiling like an idiot while walking towards him, we are looking at each other's eyes and again It felt like there are butterflies inside my stomach.

I reached for his hand then he pulled me towards him. He kissed my head then he reached something at his back, it's a one long stem red rose.

"For my angel.."he said.

Nakangiti kong tinanggap ang red rose, akala ko nakalimutan na nya. Nang nasa New york kasi kami araw araw nya akong binibigyan ng bulaklak. Simula ng nanligaw sya saakin, hangang naging kami..kahit isang beses di pa sya pumapalya. Dati nga boquet ang ibinibigay nya saakin..hangan sa mukha ng flower shop ang condo ko sa New york, kaya I told him na ok na ang isang piraso.

"Thank you. " I said.

"No kiss?" nakasmirk nyang sabi.

Mabilis akong umiling at tumingin sa paligid, lahat halos ng nasa hallway ay nakatingin saamin. Pati mga classmate ko ay nakasilip saamin.


"Maybe later!" I tease.

He chuckled then he pulled me in a tight hug.

"Hey, no PDA!" Natatawa kong sabi habang tinutulak sya.

"5 mins..please? I just miss you so much.. and I will miss you more sa mga dadating na araw" He said.

"Oh come on Trav, para naman di tayo araw araw magkikita?!" natatawa kong sabi.

"Pero iba parin yung magkasama tayo sa iisang bahay." Naka pout nyang sabi.


So cute.. at times para talaga syang bata.


"You know we can't do that, baka isipin ng mga tao na nag li-live in na tayo." I said then kumalas ako sa pag kakayakap sa kanya, I caressed his face.


"Magpakasal na kaya tayo?" bigla nyang sabi.

My eyes grew wide.

"Di ka pa nga nagpopropose eh!" nakasimangot kunwari kong sabi.

Bigla naman sya napakamot ng ulo.

"Oo nga pala..paano ba ito?" He said na para bang biglang napaisip.

Natawa ako sa hitsura nya.

"Pwede bang pahabol nalang yung singsing?" he said then hinawakan ang kamay ko at lumuhod.

I gasped. My heart beats fast.

"T-trav..w-what are you doing? T-tumayo ka nga dyan?!" I said habang hinihila sya patayo, napapatingin ako sa paligid ko, at tama nga ako ng hinala lahat sila nakatingin din saamin at halatang nagulat sa ginawang pagluhod mi Travis.

My face suddenly became warm.

"Angel, I'm going to propose.." he said.

Lalong nanlaki ang mata ko. Bakit ba ang seryoso nya?!

"N-no?!" bigla kong sabi.

He stiffened then His face turned pale.

"A-angel..hindi pa nga ako nag tatanong nireject mo na ako?" he said with a pained voice.

Lalo akong nagpanic, because of the look on his face. He look devastated.

"I..I mean..k-kung mag po-propose ka.. m-make it properly naman..you need a ring..and please wag naman dito? Pwede bang pag effort-an mo naman." nagbibiro kong sabi pero deep inside kinakabahan din ako.

Nanlaki ang mata nya at namumulang napatayo.

"S-sorry Angel ko, this is not my plan of proposing too..medyo nagpanic lang din ako." Namumula nyang sabi. "Bakit ba hindi ko yun naisip? I mean yun langa naman yung way para magkasama na tayo palagi diba?"

Tumango tango nalang rin ako. Feeling ko kasi namumula rin ako. Para kaming sira dito sa gitna ng hallway.

"Uhmn..sige pasok ka na sa room mo.. I think I need to go home."

"Wala ka bang klase?"

"I'll ditch my class..magpaplano muna ako ng wedding proposal ko sayo!" he said then he kissed my cheeks and run away.

My lips parted.

Is he serious?!

"Seriously?!"

"I've never been this serious Angel!" he said then he winked at me.

"P-pero, pwede naman mamayang uwian ka na mag plan diba? or bukas..o sa weekend?" nakangiwi kong tanong.

"Nope..nagmamadali na ako..I'll make you mine as soon as possible! Wala ka nang kawala!" nakangisi nyang sabi bago tumalikod paalis.

"B-but Travis..."

Bigla itong pumihit pabalik na para bang may nakalimutan. Lumapit ito saakin at bigla akong hinalikan sa labi. Nakangisi itong tumalikod at naglakad paalis.

"Be future wife!" malakas nyang sabi sabay kaway saakin.

Pinagmasdan ko lang syang makaalis, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

"Did he just almost proposed to you?" Nakangiting tanong ni Eunice.

I nodded while smiling, I put my hands on my chest, my heart is beating really fast.

"Oh em geee!" Coreen squeeled then she hugs me.

"Congrats!!" bati ng mga classmate ko.

I laugh.

"Wala pa..grabe kayo.." natatawa kong sabi.

"Excuse me.."

Nag alisan sa daan ang mga classmate ko, pati ako tumabi.

"Tsss.. future wife his face!" Cian mumbled.

Nagkatinginan kaming dalawa at umiling iling lang sya, habang ako naman ay napataas ang kilay sa sinabi nya.

Cian left the classroom with a frown on his face.

Problema nya?!


Art of being a Player...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon