Chapter 44

4.3K 78 18
                                        

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

"Mama!" sigaw ni Dudung. Nalipat ang tingin ko sa kan'ya at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nang makita ko siyang nakapamewang sa harapan ko.

Pangalawang araw ko nang lumiliban sa trabaho at tiyak na makakatanggap na ako ng notice mula sa hotel na pinagtratrabahuan.

"Bakit po kasi ayaw mong mag-work? Tara na! Paano na lang po kapag wala na ro'n si Alexandro Del Bono?!" sigaw niya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Sorry," mahinang saad ko pero umiling lamang siya.

"Dapat po hinayaan niyo akong magpaperma kay Alexandro Del Bono e," umiiyak na sabi na niya kaya naman napanguso ako.

Why is this happening? 

I thought to myself, mymind racing. 

How did we end up like this? How could I have been so blind to everything?

"Pagpapaperma si Mama," nakangiting saad ko kaya naman tumango siya. Kinuha niya ang notebook niya at inabot sa akin.

"Dito po, Mama! Ipagmamayabang ko sa mga kaklase ko," saad niya kaya naman napangiti ako kahit na may bumabagabag sa loob ko.

Hindi ako nakatulog, nang makita kong nakatulog na si Dudung ay lumabas ako upang magpahatid sa resort. Inagahan ko na kahit na madaling araw ang shift ko.

"Hoy gaga... ang aga mo naman," saad ni Sarah kaya napanguso ako.

"Pasuyo nga," saad ko kaya naman nakataas ang kilay niya nang kunin ko ang telephone at tinawagan ang villa nila Xandro.

"Gaga ka! Mag-alas dose na ng gabi, mamaya tulog na ang mga 'yan," saad niya sa akin at sinubukang agawin ang telepono pero lumayo ako.

Nagbabakasakali na si Xandro ang makakasagot.

"Yes?" tanong ng hindi ko kakilalang boses.

"Good evening, Sir. Could you please pass the phone to Mr. Alexandro Del Bono? I need to talk to him," I said politely.

Hindi mapapanatag ang loob ko kung hindi ko malalaman ang katotohanan ngayong magdamagan. Hindi ako makakakilos ng maayos knowing na pinaglaruan kaming dalawa ni Angel.

Makakapatay ako.

"Nako... I can't. Lasing din siya at bumabawi pa lang yata ng tulog sa kwarto niya. Kanina pa bad trip si Sir Del Bono," sagot niya pero wala akong pakialam.

"Pasabi naman na si Bernadette ang nais siyang makausap, baka naman pwede mong kausapin," mahinang saad ko kaya naman narinig ko ang yapak sa kabilang linya.

"Sir Rio... si Bossing?" tanong ng lalaki. Mukhang nando'n lang din si Xandro dahil muling nagsalita ang kausap ko. "Boss, Bernadette raw. Gusto kang makausap."

Tumahimik sa kabilang linya dahilan kung bakit muli akong nilukod ng kakaibang kaba.

"Bernadette?" Napapikit ako nang marinig ko ang mahina niyang pagtawag sa akin. Buong ingat na para bang hindi siya galit sa akin.

Ngayon nauunawaan ko na ang galit niya kung totoo ngang pinaglaruan kami ng asawa niya.

"Let's talk... maghihintay ako sa dalampasigan harapan lamang ng hotel," mahinang saad ko at binabaan siya ng tawag.

Nakita kong titig na titig sa akin si Sarah. Ngumiti na lamang ako.

"Don't tell me... siya ang Tatay ni Dudung?" malalaki ang matang tanong niya kaya naman natigilan ako at muling naalala na posibleng iba ang mga magulang ng anak ko.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon