Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Kung matatae ba ako o kung ano pa man. Nandito ako ngayon sa bahay ni Xandro, kung saan niya ako binahay noong pinagbubuntis ko ang anak namin.
Nakaupo ako sa living room. Hindi mapakali dahil iniwan ko ang Aurora upang malaman ang katotohananang nakabaon dito sa Maynila.
"Dad? What's happening?" I froze in my seat, my heart pounding as I looked up at the small figure that had just entered the living room.
His eyes were still heavy with sleep, his tiny hands rubbing at the edges of his face. Halatang iritable pa dahil naputol ang tulog niya. Halos kararating lang din kasi namin at wala pa akong pahinga at wala naman akong pakialam do'n dahil nga alam kong si Archer ang siyang pinunta ko rito.
Kailangan kong malaman ang katotohanan.
There was no mistaking the innocence in his gaze.
The boy standing before me... wasn't Dudung. This child was not mine.
Ang batang nakatayo sa harap ko... hindi si Dudung. Hindi siya akin. Hindi talaga aakalaing ako ang nanay niya. Hindi sila magkamukha ni Dudung. Walang alinlangan, ito ay isang replica ni Alexandro. Walang duda, isang Del Bono ang batang ito.
Halatang alaga na alaga siya—malusog, mukhang matalino at nasa pag-aaral lang ang atensyon, at puno ng sigla ang mukha. Tila hindi niya naranasan ang gutom, hindi katulad ng anak kong si Dudung na dumaan sa mga araw ng paghihirap. Hindi niya alam kung anong pakiramdam ang mawalan ng pagkain. Sigurado akong hindi niya kailanman natulog sa kwarto na walang aircon, hindi katulad ni Dudung na ilang gabi na ang ginugol sa isang payak na kutson, init na init sa kabila ng hirap at nagtitiis sa iisang electric fan na mas matanda pa sa kan'ya na kung hindi mo sasampalin ay hindi gagana. Tiyak, may malambot siyang kama at nag-aaral sa isang prestihiyosong paaralan kung saan lahat ng pangangailangan ay naibibigay.
Samantalang si Dudung, kung papasok sa paaralan, ay dumadaan pa sa makalat na kalsada, ang balat ay nangingitim mula sa araw at alikabok, at nakakaranas ng hirap sa araw-araw dahil hindi naman kami mayaman at may saktong pera lang na nakalaan na sa mga gastusin sa bahay. Ang batang ito, walang alam sa mga kalye at dumi. Hindi siya sanay maglaro sa lansangan at magkaroon ng galos mula sa mga kalaro. Tiyak, hindi siya natutong magbisikleta sa mga daan na puno ng putik. Ang balat niya ay makinis, walang bakas ng anumang peklat.
Siya ay isang larawan ng batang kuntento at kasaganahan.
Halatang may kinabukasan nang naghihintay kahit hindi na mag-aral pa.
Tuwang-tuwa sa lahat ng mayroon siya.
Isang Del Bono na may magandang buhay—isang batang hindi kailanman nakaranas ng hirap na tulad ng nararanasan ni Dudung.
Si Dudung, sa kabilang banda, ay isang batang mas matapang, matibay, at puno ng pagmamahal, kahit na ang buhay na ibinibigay ko sa kan'ya ay puno ng sakripisyo at pagsubok.
Ang batang nasa harapan ay isang estranghero.
Hindi si Dudung.
It was Archer.
The words felt like a weight crushing my chest, and for a moment, I thought I might suffocate under the reality of the situation.
"Bernadette," Xandro's voice cut through my thoughts, but I barely heard him. My eyes were glued to the little boy, whose eyes flickered between Xandro and me, confused and clearly unsure of what was going on.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romantik"I guess my role ends here... Thank you for using me."
