Chapter 41

3.7K 61 7
                                        

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

6 years later

"Dudung!" sigaw ko nang makita ko ang magaling na batang nagpapaputok sa kanal malapit lamang sa eskinita namin. 

Nakita ko na nagsitakbuhan ang mga kaibigan niya at halos magliyab ako sa inis nang ubot na yata sa tenga niya ang dungis gawa ng langis na hindi ko alam kung saan na naman niya ito nakuha. 

Kasama ko si Dudung sa bawat hakbang ng pagbabago sa buhay namin. 

"Halika nga ritong bata ka!" sigaw ko pa at kinuha ang tsinelas ko senyales na ipapalo sa kan'ya kung hindi pa siya lalapit sa akin.

Sa Aurora, Isabela, matagal ko nang natutunan kung paano tanggapin ang mga bagong simula, pero sa tuwing nakikita ko siya, nararamdaman ko pa rin ang magkahalong kaba at saya. Binigyan niya ako ng panibagong bukas.

Ang pamilya ko at si Dudung na lamang ang nagpapakalma sa puso ko kahit na alam kong may naiwang parte ko sa Maynila. 

Naiwan kay Xandro.

Hanggang ngayon marami pa ring katanungan ang hindi ko mahanapan ng ano mang kasagutan.

Anim na taon na ang nakalipas mula nang umalis kami. 

Sa mga unang taon, hindi ko naisip na makakaraos kami ni Dudung ng ganito. 

When I set foot in Aurora, I only thought of hiding, starting a new life, and hopefully getting away from all the pain caused by Xandro.

Hindi ko alam kung paano maging magulang kahit pa ako ang tumayong magulang sa mga kapatid ko noong unti-unting nabubuwal ang mga magulang namin.

Ang magpalaki ng sarili mong anak na hindi kailanman makakaranas ng buong pamilya ay ang pinakamahirap na hakbang na tinahak ko. 

Those days were full of fear and confusion for me, but now, as I looked at Dudung—a child full of dreams and love—I felt that hope had risen again in the simplest of things. Binusog namin siya ng pagmamahal. Nakakatawa mang isipin subalit sinubukan kong magbalik loob sa Kan'ya. Ninais ko na hindi matulad sa akin si Dudung na kwesyunin ang Panginoon.

Ayokong matulad siya sa akin na magtatanong kung totoo bang may Diyos.

Sa dami nang pinagdaanan ko... imbis na mapalapit sa Kan'ya, lumayo ako.

Habang abala si Dudung sa kan'yang paglaro, hindi ko rin maiwasang alalahanin ang mga nangyari sa nakaraan.

Sarap tagiliran ni Xandro, nine months hinulma ng nutrisyon ko 'yan sa loob ng t'yan ko, pumangit na ako't lahat-lahat tapos ang kalalabasan ay kamukha ni Xandro? Aba, Lord... iba ka talaga. 

Ngunit sa kabila no'n, sinubaybayan ko ang buhay ni Xandro sa mga balita. Ang mga Del Bono... malawak nga talaga ang koneksyon nila lalo nang pumasok sa politika si Adam Del Bono.

Sa tuwing nakakakita ako ng mga balita o naririnig ang pangalan ni Xandro, may konting pait na sumasalubong sa dibdib ko. 

Kinasal sila ni Angel matapos ang dalawang taon simula nang umalis ako. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng makita silang magkasama, kung totoo nga na magkasama sila sa mga huling taon ng buhay ko kasama siya. Wala akong galit, pero meron pa ring mga tanong na sumasakit sa aking puso.

Ngunit, naisip ko, wala na akong pakialam. 

May buhay na ako kasama si Dudung at ang pamilya ko. 'Yong pera na binigay sa akin ni Angel, natulungan no'n maka-recover si Jiji at ngayon na graduate na sila ni Brent at parehas nang balak na mag-review upang mag-take ng board. 

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon