Chapter 46

4.2K 80 23
                                        

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

"Bernadette, sakay na," malamig na saad ni Alexandro sa akin.

Hindi ko alam na hinabol pala niya ako. Siguro binuhat pa niya ang asawa niya. Nang matanaw ko na ang malaking gate ay mas binilisan ko ang paglalakad subalit mahahabol niya agad ako lalo pa't naka-kotse siya.

"Bernadette," seryosong aniya.

"Ayoko," matigas na saad ko. "Uuwi na ako ng Aurora."

"Saan ka sasakay? Ilang oras na lang magbubukangliwayway na. Sumakay ka na para maihatid kita sa na-booked kong hotel," seryosong saad niya pero ayoko.

Hindi ko siya pinapansin kaya naman tumigil siya at nakampante na ako subalit napatili ako nang buhatin niya ako na parang sako.

"Alexandro!" sigaw ko at pinagpapalo ang likod niya subalit hindi siya nasaktan. "Ibaba mo ako!"

Ibinaba niya nga ako ngunit sa loob na ng kan'yang kotse. Lalabas sana ako nang humarang siya sa pintuan.

"Stay," he commanded.

"Ano ako aso?!" sigaw ko kaya naman napahawak sa noo niya si Xandro.

"Magmatigas ka pa, hahalikan kita," banta niya kaya naman para akong biglang naging maamong tuta at tinakpan ko ang bibig ko gamit ang palad ko.

"That's what I thought," he said firmly.

As I sat in the car, my heart was racing.

Tahimik kaming pareho na para bang walang nais na magsalita sa aming dalawa.

The anger that had been so raw and overwhelming only moments ago was slowly starting to dissipate, replaced by a hollow exhaustion.

That... Archer.

Ngayon ko lang napagtanto na nais ko siyang yakapin.

"I-I'm sorry sa pagsigaw ko ro'n sa bata... hindi ko dapat ginawa 'yon," mahinang sabi ko.

I stared out of the window, not wanting to look at Xandro, yet feeling the weight of his presence beside me.

The silence between us was thick, as though there were unspoken words hanging in the air, waiting to be addressed.

"Sinisiraan niyo ako ro'n sa bata 'no? Sino ba naman ang hindi? Para sa akin, ikaw ang walang kwentang ama ka Dudung ngunit para sa 'yo naman ay ako ang walang kwentang ina para kay Archer. Naisip ko lang, tila ba ginawa ko ang siyang pag-iwan sa amin ni Mama noon sa inyong dalawa ni Archer subalit... hindi ba't biktima lamang din ako—tayo..."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko.

I couldn't ignore the fact that everything in my life had been turned upside down, yet I found myself sitting in the car with the man who once meant the world to me.

The same man who had walked away, leaving me to struggle alone, only to return with plans that seemed too little, too late.

"Bernadette," his voice, it was softer now, less harsh, as though the anger that had been there before had been replaced by something else—something more genuine, more pained.

"M-magkaiba nga tayo ng pagpapalaki sa mga batang napunta sa 'tin. Pinalaki niyo si Archer tiyak na hayahay sa maraming bagay... merong siya pribilehiyo. Samantalang ang batang siyang iniharap sa akin ni Angel, kasabay siya sa kahirapan ng pamilya ko ngunit..." mahina akong natawa nang may pumatak na luha sa mga mata ko. "Ngunit ni minsan hindi ko sinira ang pangalan mo sa kan'ya... hinding-hindi."

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon