Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
Hindi pa kami nakakalabas ng locker area naming mga empleyado na nagsisilbi na rin naming kwarto rito sa hotel ay nakita ko na si Dudung na excited at talagang pinapataas para palong ng manok ang buhok niyang nilagyan niya ng maraming gel.
"Anak, mahihirapan ka d'yan mamaya," suway ko at kinuha ang suklay upang ayusan siya.
"Mama, pogi na po ba ako!? Talaga po bang makikita ko si Alexandro Del Bono?!" malalaki ang matang tanong ni Dudung kaya naman pinisil ko ang pisngi niya habang pilit na inaayos ang buhok niya.
"Sekreto lang nating dalawa 'to ni Mama ah... huwag mong ipagsasabi kahit na kanino, anak ah..." bilin ko dahil alam kong madaldal si Dudung.
"Bakit naman gano'n?! Mayabang na po ako e! Ipagmamayabang kong nakita ko na s—"
"Kasi anak... private kasing tao si Alexandro. Paano kapag dinumog siya rito sa resort dahil sa 'yo?" tanong ko kaya naman nakita ko si Dudung na napaisip.
Napangiti ako nang makita kong nangunot ang noo niya.
"Pati kila Lolo, hindi pwede?" tanong niya kaya umiling naman ako.
"Tayo na muna ang makakaalam... okay lang ba 'yon? Promise?" tanong ko sa kan'ya kaya naman agad na tumango si Dudung.
"Promise!" sigaw niya kaya naman nang makapagbihis na ako ay dali-dali kaming lumabas ni Dudung, magkahawak ang kamay naming dalawa.
Nang makarating sa villa nila Xandro ay kinabahan akong kumatok. Biglang nagtago sa likod ko si Dudung kaya naman nang lingunin ko siya ay malakas akong natawa lalo pa't nakita ko siyang inaayos ang buhok niya.
Paano ko sasaktan ang batang 'to?
So pure and genuine...
Respectful and kind.
Bumukas ang pinto kaya naman ngumiti ako nang makita si Rio na magaan ding nakangiti sa akin.
"Saan siya?" tanong ni Rio kaya naman sumilip ang anak ko mula sa likuran ko.
Nakita kong nagningning ang mga mata niya.
"Rio Alston?!" malalaki ang matang saad ng anak ko kaya naman nakita kong ngumiti si Rio lalo.
"Hey there little mister! Paano mo nalaman ang pangalan ko? Huh?" tanong ni Rio at umupo upang magpantay ang mukha nila ni Dudung.
"Kayo po ang partner ni Alexandro Del Bono, kilala ka po bilang sikat na racer, hindi lamang sa 4 wheeled ATV kundi maging sa two wheeled MotoGP! 'Yon po ang category niyo while si Alexandro Del Bono po ang specialty ay ang mga 4 wheeled ATV," saad ni Dudung kaya naman nakita ko ang paghanga sa mga mata ni Rio.
"Oh! Xandro, may future racer dito!" sigaw ni Rio at ginulo ang buhok ni Dudung. "Racer ka?"
Tumingin sa akin si Dudung na para bang kinukuha ang opinyon ko.
"'Yon po ang pangarap ko kaso mag-aalala po ang Mama ko," saad niya kaya naman tila may humaplos sa puso ko.
"Pag-usapan natin sa loob ang pangarap mo, little mister," saad ni Rio dahilan kung bakit magkahawak kami ng kamay ni Dudung na pumasok. Nakita ko agad si Xandro sa balcony na halatang malayo ang inisip.
"Mama, masungit po kaya siya?" tanong ni Dudung kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi. Alam ko kung gaano suntok sa buwan noon ang pangarap ni Dudung na makita sa personal at malapitan ang idolo niya.
Lumingin ako kay Xandro.
"Alexandro, nandito si Bernadette kasama ang anak niya," saad ni Rio kaya naman dahan-dahan na humarap sa 'min si Alexandro at tsaka ko lang napansin ni Archer na nanonood sa iPad niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."
