Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
Ito ang unang linggo simula nang maipakilala ko si Dudung at Archer sa isa't isa. Napansin kong hindi pa rin talaga lumalambot si Archer samantalang si Xandro ay ilag pa rin kay Dudung na mas napapalapit kay Rio talaga.
Ngayon ay katatapos ko sa trabaho ko at susunduin na si Dudung sa villa nila Xandro nang makita ko sa gazebo si Archer at Xandro. Halatang masinsinan na nag-uusap ang dalawa.
"Be kind kay Dudung," saad ni Xandro at inaayos ang magulonf buhok ng anak naming si Xandro. Tahimik naman ako sa gilid. Tinitignan lang silang dalawa.
Nais kong matawa sa naging kapalaran namin ni Xandro subalit wala naman na kaming magagawa pa.
Nandito na kami, kung saan kailangan kasabay naming maghilom ang dalawang batang damay sa gulo namin.
Sabi niya magsimula kaming dalawa ulit ngunit ako itong walang tiwala sa sarili ko—walang tiwala sa magiging takbo ng buhay naming dalawa gayong parehas kaming may sugat ng nakaraan.
Parehas na natakot noon nalumaban kaya nga dinala kami sa ganitong wakas.
"Why?" Archer asked.
Madiin akong napapikit. Malamang mas mahal niya si Angel na siyang tumayong ina sa kan'ya sa anim na taong lumipas.
"Why?" Archer asked again, his voice small but sharp—like a blade wrapped in silk. His eyes, so much like Xandro's, didn't blink. "Why did you leave her before? And then... noong minahal ako ni Mommy... kailangan kong mag-adjust na mahalin din ang ibang nanay..."
Tahimik si Xandro sa una. Parang nalunok niya ang tanong ng anak. Ako naman, parang nanlamig ang palad. I didn't expect that. Hindi ko rin alam kung gusto kong marinig ang sagot niya.
"Why, Daddy? Bakit tayo nandito? Bakit tuluyan ka nang makikipaghiwalay kay Mommy? Pilit namang inaayos ni Mommy noon ang relasyon niyo... ikaw lang 'tong ayaw at mas itinuon ang atensyon sa pagtra-trabaho..."
Hinaplos ni Xandro ang buhok ni Archer, pero hindi na muling nagsalita. Hindi kumurap si Archer.
"Don't touch me if you can't answer," dagdag pa ni Archer, mas mahinahon na ngayon pero ramdam mo ang bigat sa likod ng bawat salita. "You said you love her... my surrogate mother or not! I don't know! Nalilito po ako sa nangyayari. Ngayon si Mommy ang iiwan mo! You let her carry everything alone. You made her cry even when she tried to hold everything together."
Napabuntong hininga si Xandro, "Your real mother... she's the one I love, Archer."
Nagimbang man sa sinabi ni Xandro ngunit tahimik lamang ako.
"I was scared," bulong ni Xandro. "Akala ko, kung lalayo ako at piliin ang Mommy mo, mababawasan ang gulo. Na kung hindi ako magiging parte ng buhay niya, mas magiging maayos siya ngunit nagkamali ako..."
"Then why now?" tanong ni Archer, mas lumalalim ang tinig. "Why come back? Why say you want to start again when you were the one who ended it? Masama naman na po tayo, 'di ba? Masaya na ako sa Mommy ko."
Tumitig si Xandro sa malayo. Nakatayo lang ako sa gilid, parang multo sa sarili kong kwento. Ako at si Angel 'yong pinag-uusapan nila—ako at si Angel, na hindi rin alam kung gusto ko bang marinig lahat ng to o kung gusto ko na lang lumayo at iwan silang dalawa.
"Because I realized... I ruined everything trying to fix myself. And the worst part is—I thought leaving her was the right thing to do," sabi ni Xandro. "But I was wrong. I was selfish. And I thought I was protecting her when I was really just protecting myself... mas piniling ipaglaban ang kung anong sa akin. I didn't want her to see how broken I was."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romantizm"I guess my role ends here... Thank you for using me."
