Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
Wala nang mas masakit pa sa katotohanang alam mong darating ang panahon na mabubunyag na siyang dahilan na makakapanakit ng mga taong importante sa buhay ng isang tao, pero hindi ko pa rin napigilan ano man ang tago ko.
May balak akong sabihin kay Dudung ngunit hindi sa ganitong pamamaraan kung saan musmos niyang malalaman.
Masyado pa siyang bata para sa ganitong problema sa buhay niya.
Si Dudung, hindi siya galing sa akin.
Hindi siya bunga ng katawan ko subalit anak ko siya ng puso.
Nais kong isisi lahat kay Angel ang nangyari dahil nandamay siya ng mga batang wala namang kasalanan sa gulong kaming tatlo ang puno't dulo.
Nais kong sigawan si Xandro sa pagsasabi ng katotohanan subalit tiyak na si Archer lamang ang iniisip niya.
Lahat ng magulang ay gagawin upang hindi madehado ang anak nila. Subalit mayroon akong dalawa.
Nakapagitna ako sa dalawang bata na para sa akin ay pantay ang pagmamahal na mayroon ako.
Anak ko silang dalawa. Alam ko 'yon. Alam 'yon ng puso ko at wala ni isang makakapagpabago roon.
Si Dudung ang buhay ko, sa bawat araw na inalagaan ko siya—mula sa una niyang hakbang, sa tuwing umiiyak siya sa takot, o sa mga gabing nilalagnat siya—ako ang nando'n. Ako ang tinawag niyang Mama.
Walang makakapagpabago no'n.
At sa puso ko, sapat na 'yon.
Pero hindi para kay Alexandro. Hindi siya tulad ko.
Sa kan'ya, ang dugo ang sukatan. Higit sa lahat ay si Archer ang uunahin niya.
At sinira nga niya ang pagkakataon na ako sana ang magsasabi sa anak ko ng katotohanan.
Tumakbo siya palabas sa resort dahilan ng halo-halo kong kaba.
"Dudung! Anak!" hinabol ko siya, pero mabilis siya, mabilis tulad ng sakit na naramdaman niya. Narinig ko rin si Brent na tinatawag ang pangalan ng anak ko. Tiyak nakasunod sila sa aming dalawa ni Dudung.
Wala akong nais na gawin kundi ang yakapin ang batang dahilan kung bakit pinagpatuloy ko pang mabuhay.
He took the path that led to the main road and crossed the street without looking.
And that's when I heard it. Masyadong mabilis ang pangyayari.
Isang malakas na busina sa kung saan at ang tunog ng katawan niyang tumama sa sasakyan.
Para akong na-paralisa.
Bigla akong nanlamig. Natigil ako sa pagtakbo dahil nakita ko kung paano tumama si Dudung sa hood ng sasakyan.
"Dung!" sigaw ni Brent at nakita kong siya ang tumakbo papalapit sa pwesto ng anak ko.
Hindi ako makahinga.
Hindi ako makagalaw.
Gusto kong isigaw ang pangalan niya, pero walang lumabas sa bibig ko.
Nagkagulo ang mga nakasaksi sa pangyayari. Nakikita ko si Brent na sumisigaw habang may kausap sa kan'yang telepono. Maging si Rio ay nakalapit na rin kay Brent. Wala silang pinapalapit ni isa kay Dudung.
Nang sa wakas ay nakalapit ako, nakita ko siyang nakahandusay sa malamig na aspalto. Duguan.
Hindi gumagalaw.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romantik"I guess my role ends here... Thank you for using me."
