Chapter 47

3.8K 86 19
                                        

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

"Bakit hindi ka pa rin umaalis!?" inis na asik ko, naubos na yata ang mga luha sa katawan ko dahil sa labis na pagtangis. Nagkulong ako sa banyo ng hotel. Alam kong nasa labas pa rin si Xandro sa kabila ng matagal kong pananatili sa loob ng banyo.

Iniisip kung paano ko ipapaliwanag kila Papa ang katotohanang 'to gayong gaya ko ay tiyak na magagalit at masasaktan sila para sa mga bata na nadamay sa gulong 'to.

"Kumain ka na," mahinang saad niya. Tila kalmado na ang bagyo sa puso niya, hindi na halatang galit sa akin.

Tiyak na mukha akong baliw at namamaga ang mga mata ko.

"Umuwi ka na, mamaya ay may gawin pang hindi maganda ang asawa mo," malamig na saad ko kaya nakita ko siyang natigilan.

Balak kong umuwi muna sa Aurora para makapag-isip. Nais ko ng isang mahigpit na yakap para kay Dudung.

Hindi matanggap ng aking dibdib ang katotohanan.

"Uuwi ako ngayong araw rin sa Aurora," malamig na saad ko at may isang butil na naman ng luha ang bumagsak mula sa kanang mata ko.

Hindi siya sumagot at nakita ko lang na nakaupo sa pangdalawang katao lamang na mesa sa loob ng hotel.

"Bernadette, it's over. There's nothing more we can do but embrace the truth." The air felt thick, suffocating, as if the weight of what Xandro had just said was a physical force pressing down on my chest. Sobrang bigat, masakit, at nakakaubos ng lakas.

Nakakatawa siya.

I couldn't breathe.

Those words echoed in my mind, drowning everything around me.

Mahina akong natawa dahil sa nararamdaman ko. Akala ko nakatalas na ako sa nakaraan, akala ko tuluyan akong nakatakbo, kay Angel, kay Lance, at lalong-lalo na kay Xandro.

They broke me.

Winasak nila akong lahat at nang ang tanging batang bumuo sa akin... hindi pala sa akin?

"Nasasabi mo 'yan kasi hindi ikaw ang napalaki ng batang bumuo sa winasak ng mundo mong puso. Ikaw tiyak magiging maayos lang lalo pa't pinalaki mo si Archer ng may pribilehiyo... pinalaki mo ang anak mong alam mong sa 'yo," mahinang saad ko at tumitig sa kisame upang pigilan ang umiyak. "Bakit ko pa kasi kayo nakilalang lahat?"

My entire world, the one I had spent six years building, was crumbling before me.

The son I had loved with all my heart, the one I had nurtured, comforted, and protected — was not mine.

For six years, I had believed I was his mother.

He called me "Mama," clung to me when he was scared, laughed with me during every little moment of joy.

Nagulat ako nang sa isang iglap ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Xandro na akala mo tulad noon na napapawi nito ang lahat ng agam-agam sa puso ko. Isang yakap na akala ko gamot sa lahat ng sugat ko.

Subalit gaano man kasarap sa pakiramdam nang mayakap niya ay nakakubli roon na itong lalaking 'to ay kaya akong bitawan sa kalagitnaan ng paglipad naming dalawa.

How could this be?

How could they, I trusted them, the people I loved, do such a thing?

"Angel... she... she took him?" I cried, barely able to form the words.

"That's why I'm fixing it... kaya sinusubukan kong maa—"

"Maayos? Paano mo maaayos ang bagay na nakasanayan na natin sa anim na taon, Xandro?" umiiyak na tanong ko kaya naman narinig ko ang buntong hininga niya.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon