Chapter 39

3.3K 72 12
                                        

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

Alam kong si Angel ang nakakausap ko lately. Ang mga mensaheng nakakaasar ay galing sa kan'ya.

The days quickly passed, and every moment of carrying the burden of fear and distrust towards Xandro felt like an endless trial. While I paid attention to him, the words that could lighten my feelings slowly disappeared. With every time Xandro turned his back on me and focused on Angel, his promises became a cruel trap that remained nothing but words.

Nagsisimula na akong magsisi na piliting maging maayos ang relasyon naming dalawa. 

Napakakomplikado ng pinasok naming dalawa na hindi ko alam kung paano namin lulusutan. Dumagdag pa ang problema ko sa pamilya niya nang maging sentro ako ng kanilang usapan lalo tungkol sa bata.

Isang gabi, habang nagpapahinga kami ni Xandro sa bahay niya, isang hindi inaasahang tawag mula sa isang kilalang number ang muling nagpagulo sa aking isipan. Alam ko namang si Angel na naman ito at napapagod na ako.

"Kumusta si Angel? Hindi mo ba siya maiwan at ilaan na lang sa akin ang atensyon mo? Tila namamangka ka na sa dalawang ilog ah. Hindi naman potke't dalawa 'yang itlog mo ay dapat dalawa rin kami. Ano?" tanong ko.

Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko. Idagdag pa ang insecurities ko ngayon sa pangangatawan ko.

May dalawang taong pinagsamahan si Xandro at Angel, malamang matindi ko 'yong kalaban. Pagtatalik lang at ang batang nasa sinapupunan ko ang kinakapitan ko.

"Bernadette, hindi mo ba naiintindihan? Hindi ko siya kayang iwan," sagot niya, halatang puno ng stress at pagod.

Lately kasi parang balisa siya lagi o wala sa kan'yang sarili. Palagi pa siyang tulog kapag ako ang kasama niya.

Bakit? Napagod siya kay Angel?

Paano ang nagdududa ngayon ay ako? 

Paanong tila bumaligtad ang posisyon namin ni Angel?

Kinakarma ba kami?

"Paano ako? Ako na lang ba ang laging maghihintay, Xandro?" Tumayo ako mula sa kama at naglakad palayo sa kan'ya, hindi ko na kayang magpigil ng mga luhang umaagos sa aking pisngi.

Hindi ko siya kayang intindihin. 

Hindi ko kayang makita ang sarili kong paulit-ulit na tinitiis ang sakit at pangako na hindi natutupad. Palagi ko na lang siyang iniiwasan, binibigyan ng espasyo, at tinatanggap ang lahat ng dahilan niya. Pero sa kabila ng lahat ng ito, ako pa rin ang naiiwan.

Malas na nga kay Lance, malas pa rin kay Xandro? Aba, ayos.

Kahit nagmamakaawa si Xandro na sana'y hindi ko siya iwan, natutunan kong mawalan ng tiwala. 

Ang mga mensahe mula sa hindi kilalang numero, mga larawan nila ni Angel na magkasama, at ang mga palihim na pagtatagpo nila sa kabila ng mga pangako niya—lahat ng ito ay naglalagay sa akin sa isang sitwasyon kung saan napakahirap magsalita, at masakit ang magpatawad.

"Akala ko ba aayusin mo sa publiko? Xandro, ako pa rin ang lalabas na nanira ng relasyon niyo kahit naman ikaw itong nagpumilit na pasukin ang kung anong relasyon na 'to ng ganoon lamang kabilis," madiing saad ko kaya naman nakita ko siyang napasabunot sa buhok niya na tila nagpipigil ng galit.

"Can't you just wait? I'm doing everything to fix this." His tone was laced with irritation, which made me also burn with anger.

"Hanggang kailan ba?! Huh? Hanggang paipanganak ko ang anak mo? Doon ako makikihati sa 'yo? Gago ka rin, 'no? Si Lance nga na apat na taon kon---"

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon