Enjoy reading, Sweeties
Alexandro
Now, when I look in the mirror, I see parts of my father looking back at me. Ang sarap tawanan ng lahat. Hindi na nga nawala ang takot ko kahit ngayong malapit na siyang mamatay, pakiramdam ko kayang-kaya pa niyang manakit at si Adam... nasa rehab na. Kontrolado ko na ang lahat subalit pakiramdam ko ako pa rin ang talunan na Del Bono.
Nang mawala si Bernadette... nawala na rin ang liwanag na siyang tanging nagpapakalma sa akin noon.
Sa anim na taon na lumipas ay para akong nakatago pa rin sa isang sulok ng kwarto ng rehab, kabado kung kailan lalabas lalo nang sabihin ng tumayong ina sa 'kin na iniwan ako ni Bernadette.
Imposible 'yon.
Oo, makikipaghiwalay siya subalit hindi niya iiwan ang anak namin.
Hindi gano'n si Bernadette subalit ano mang pagtanggi ko ay sinampal na ako ng katotohanang umalis nga siya para sa pera.
Alam kong galit ako... galit na galit sa kan'ya dahil nagawa niya akong iwan kasama si Archer. Matatanggap ko pa kung lumayo siya kasama si Archer subalit hindi. Hinayaan niya akong mag-aruga sa anak namin.
Nakikita ko ang sarili ko kay Archer kung saan tila itinapon sa puder ng ama ko dahil hindi kayang arugain.
Natuloy ang pagpapakasal namin ni Angel nang makalabas ako. Imbis na ituon sa paghahanap sa taong nagtatago ay tinuloy ko ang paghihigante dahilan kung bakit may kinahantungan ang pagkamatay ng aking Ina.
Dapat maging masaya na ako...
Subalit sa paglaki si Archer ay hindi ko namamalayan na ako ngayon ay nananalamin sa aking ama.
Not just my face or my tired eyes—but in how I raise my voice when I shouldn't.
In how I judge people by their grades, their success, who did better, and who made a mistake. I hate it.
Gusto kong walang manguna kahit na sino kay Archer. Nais kong tingalain siya ng lahat at hindi ang batang itinatago dahil isang sampid sa pamilya. Ang takot ko ang siyang nagpapadusa kay Archer nang hindi ko namamalayan.
But sometimes, hate isn't enough to stop turning into the person you said you'd never be.
My son, Archer, is six now. He's quiet, smart, and full of questions. He reminds me of myself as a boy—always trying to please, always hoping to be good enough for a parent who didn't know how to love softly. Sometimes when he shows me his drawings or good grades, I just nod quickly and say he's doing a good job while my mind is somewhere else.
Na kay Bernadette...
Just like my father did to me.
And then there's Dudung.
Ayoko na nasa kan'ya ang atensyon ni Bernadette na dapat nasa anak lang namin.
Alam kong bata lamang siyang nahila sa apoy na ang pamilya ko ang may gawa subalit ayokong matulad si Archer na nanghihingi ng pagmamahal sa nanay niya dahil lang hindi buo ang pamilya namin.
I hate Angel for ruining us.
Ayoko lang may kahati si Archer.
Dudung... he's not really my son—but I once loved his mother. Maybe I still do.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."
