Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
"Sobrang galing mo," mahinang saad ko kay Archer nang makabalik kami sa villa. Natigilan siya sa pag-inom nang sabihin ko 'yon. Nagluluto ako ng paboritong ulam ni Dudung at nais kong tanungin si Archer ng nais niya.
Hindi siya sumagot pero nakita kong ibinaba niya ang iPad niya sa mesa.
"Matagal ka na sigurong magmamaneho, 'no? Sumunod ka sa yapak ng Daddy mo," mahinang saad ko.
"Dudung is better because he almost won after just a week of training with Uncle Rio."
Natigilan ako ro'n. "Who told you that?"
"Tell me... disappointed si Daddy sa 'kin, 'no?" he asked.
Umiling ako at ngumiti sa kan'ya. "He's doing everything for you... noong pinagbubuntis kita, kulang na lang ay hindi siya matulog para lang masiguro niyang nasa maayos tayong dalawa..."
Nakita ko sa unang pagkakataon na naging intrisado siya sa akin.
"Talaga?" tanong niya.
"Oo, talaga," sagot ko habang dahan-dahang iniikot ang sandok sa kawali, pinipilit na hindi ipakita na medyo naiiyak na ako.
Naaalala ko noong mga panahon na ayos naman ang lahat sa 'min ni Xandro.
"Araw-araw noon, lagi siyang nakaalalay sa akin. Kapag sumasakit ang likod ko, siya agad ang magmamasahe no'n kahit hindi niya alam banda kung saan ang masakit. Kapag nahihilo ako, kahit dis-oras ng gabi, tatayo 'yan at gagawan ako ng gatas. Kahit pagod na pagod na siya sa trabaho."
Tahimik si Archer. Nararamdaman kong iniintindi niya ang bawat salitang binibitawan ko.
"Alam mo ba, anak... noong unang narinig ni Daddy ang ultrasound picture mo, umiyak siya."
Napatingin siya sa akin, at sa mga mata niyang dati'y puno ng tanong, ngayon ay may kakaibang lambing at interes. Para bang sa wakas, gusto niyang malaman ang kwento namin ni Xandro kahit na kung tutuusin ay malalim ang tampo niya sa amin.
"'Di ba anak niya rin si Dudung? Paano na ako? Aagawin niya rin ang Daddy ko? Akala ko ba si Dudung ang favorite niya ngayon?" tanong niya muli, pero hindi na ito mapanumbat. Para bang gusto lang niyang maintindihan kung bakit na kay Dudung ang atensyon ngayon.
Lumapit ako sa mesa.
Paano ko ba sasabihin na hindi naman sumusubok si Dudung na agawin si Xandro lalo pa't halata naman kasi na ayaw rin namang magpakaama ni Xandro kay Dudung.
"Hindi niya kayo ikinukumpara. Mahal ka ng Daddy mo sa paraang akala mo minsan ay mahirap basahin. Siguro... may ibang paraan lang siya kung paano niya ipaparanas na mahal ka niya. Kasi kung talagang iba ang paborito niya, bakit ipinaglalaban ka niya sa akin? Pero sa totoo lang, kaya ka niya tinuturuan, kaya siya minsan mahigpit siya at mukha istrikto sa 'yo, kasi gusto niyang siguraduhing matatag ka, hindi para sa sarili niya—kun 'di para sa 'yo."
Tahimik pa rin si Archer, pero kinuha niya ang mangkok mula sa kamay ko.
"Can you cook 'sinigang' po?" tanong niya kaya naman napangiti ako at ginulo ko ang buhok niya ngunit tinamig niya ang kamay ko.
"Sorry," mahinang saad ko kaya naman napanguso siya.
"Hindi naman naging good si Daddy sa amin ni Mommy," mahinang saad ni Archer kaya natigilan ako. "He's so strict and... hindi niya nais na palagi akong nahuhuli, gusto niya walang lumalamang sa akin katulad na lang sa school, dalawa sila ni Mommy. Achiever po ako and Grade 2 na sa edad na anim but... hindi po talaga maganda sa pakiramdam. Kaya no'ng muntik akong matalo ni Dudung, alam ko disappointed sa akin si Daddy. Gano'n naman po siya palagi."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."
