Chapter 43

3.7K 75 16
                                        

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

Tiyak na mamamaga ang mga mata ko kinabukasan dahil wala akong sawang umiyak kagabi. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may hindi ako nalalaman at bawat salitang binitawan ni Xandro sa 'kin ay puno ng poot at galit. May laman ang bawat pag-aakusa niya na labis kong kinaluha.

Wala akong tulog at hindi ko alam kung gaano ko katagal tinitigan ang maamong mukha ng anak namin.

Wala ba akong kwentang ina?

Paano ako magiging walang kwenta kung ginawa ko ang lahat upang mapalaki si Dudung. Sinuklay ko gamit ang mga daliri ko ang malambot niyang buhok. Hinalikan sa noo bago dahan-dahan na tumayo lalo pa't maaga pa ako sa trabaho.

Binilin ko lamang si Dudung kila Jiji. Hindi ko sinabi ang tungkol kay Xandro sa mga kapatid ko dahil ayaw kong mag-alala pa sila sa akin.

Lalo naman kay Tatay dahil baka sumugod pa 'yon sa resort. Bago ako umalis at tinignan ko ang cellphone ko kung nag-reply na si Kassidy sa mga mensahe ko subalit wala pa rin.

Galit kaya siya sa 'kin?

Nagtatampo kaya siya dahil pakiramdam niya ay iniwan ko siya samantalang halos ipaglaban niya ako nang ako ang nangangailangan sa kan'ya?

Napahawak na lamang ako sa noo ko. Pumasok ako sa trabaho ng madalim pa. Hindi alintana kung mapansin na wala akong tulog.

"Dette, manage ka raw sa Villa 6," saad ni Gian kaya napataas ako ng kilay.

"No'ng gagawin ko ro'n?" tanong ko.

"Birthday no'ng isang kasama. Kayo ang mag-operate ng venue," saad niya kaya naman napabuntong hininga ako. Wala akong nagawa kundi ang ayusin ang sarili ko at samahan ang iba kong katrabaho. Abala sila sa paggawa ng decoration. Mukhang tulog pa naman sila Xandro.

Tahimik lang akong nakamasid at paminsan-minsan ay tumutulong sa pagpapalobo ng balloons.

Kasama pala nila Xandro ang ibang mga tinuturuan nila nasa edad sixteen and above.

"Good morning, peps!" narinig ko ang boses ni Rio sa balcony kaya naman tumingin halos kaming lahat sa kan'ya na pinagsisihan ko lalo pa't nagtama ang paningin namin ni Xandro na tahimik na nakamasid habang may hawak na mug.

"Good morning, Sir Rio, Sir Xandro!" saad nilang lahat samantalang binalik ko na lamang ang atensyon ko sa ginagawa at paminsan-minsan at naglalakad dahil hindi na ako komportable sa heels ko. Dapat pala ay nag-tsinelas na lamang ako.

Hindi nagtagal ay lumabas ang mga kasamahan nila Rio dala ang bola ng volleyball. Maliwanag na at patapos na kami.

Tinanggal ko ang suot kong heels at nagpaalam na kila Roan lalo nang makita kong papunta na sa pwesto namin sila Xandro. Balak kong maglakad sa buhanginan.

"Huh? Sabi ni Sir Gian ay kasama ka namin dito?" tanong ni Roan pero umiling na lamang ako.

"Baka may guest pa, mag-isa lang kasi ni Gian doon baka ma-overwhelmed sa dami ng bisita," saad ko. May iba naman receptionist kaso kami palagi ni Gian ang madalas na sumalubong sa mga guest.

"Sumabay na kayo sa 'min sa pagkain," aya ni Rio nang nasa gazebo na rin sila kung saan kami nag-ayos.

"Hindi na, Sir. May iba rin po kaming umagahan mamayang 7:30am," tanggi ni Roan.

"Maraming naihandang umagahan, hindi naman namin 'to kayang ubusin," saad ni Rio samantalang naupo na sui Xandro at abala sa kan'yang cellphone.

Lumapit ako sa mesa upang tignan kung tama ang naideliver na ako pagkain. Lagot pa naman ang team namin kapag nagreklamo 'tong mga 'to.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon