Chapter 55

7.7K 125 68
                                        

Enjoy Reading, Sweeties

Alexandro

Tahimik ang gabi pero sa loob ko, may sigawan... malakas na sigawan. Nais kong ibaon sa sakit ang lahat nang nanakit kay Bernadette. Isa-isa silang lahat.

Uunti-untiin ko sila hanggang sa maramdaman nila ang pasakit na ginawa nila sa mag-ina ko.

Alam kong parte ako ng pagtangis ni Bernadette, ito lang ang naiisip kong gawin upang maging deserving sa pagkakataon na ipagkakaloob niya sa akin.

Hindi ako natatakot na maging mababa pa. Kung tanging pagmamakaawa lang ang pamimilian ko upang tanggapin nila ako ni Dudung ay gagawin ko.

From: Home
Hinahanap ka ni Archer... napanood niya ang news tungkol sa inyo ni Angel. Umiiyak siya... ano ang gagawin ko?

To: Home
Just let him feel that you're by his side. He'll come to understand, eventually, that there's no hope left for me and Angel. Pasensiya ka na... kasalanan ko kung bakit si Angel ngayon ang kinakampihan ni Archer.

From: Home
No... siguro nga galit siya sa atin ngunit alam kong naging mabuti siyang ina para kay Archer. Magkaiba kami ng pagpapalaki ng bata subalit hindi naman siya mamahalin ng ganito ni Archer kung hindi siya naging mabuting ina:(

From: Home
Seselos lang ako. But I'm okay. It's okay. Bumabawi naman ako. Gusto ko lang ipaalam sa 'yo ang nangyayari rito.

Natigilan ako dahil sa message sa akin ni Bernadette. Of course, magseselos siya. Siya dapat ang tumayong ina kay Archer. Hindi dapat niya naranasan ito.

To: Home
Kiss Dudung and Archer for me, Dette. I'm doing everything I can para makauwi agad ako sa inyo ng mga bata.

From: Home
Bakit kung makipag-usap ka sa 'kin para tayong may relasyon? Kalmahan mo naman.

Napangiti na lamang ako sa mensahe mula sa kan'ya. Kahit papaano ay nabubuhayan ang loob ko.

Magaan sa kabila ng pait na pinagdaanan naming dalawa.

To: Home
I love you...

From: Home
Annulled your marriage first. And then we'll talk.

Hindi ko inakala na babalik pa ako rito. Sa mansyong 'to kung saan puro kasinungalingan ang pundasyon.

Nang pagbuksan ako ni Angel ng pinto, para siyang wala sa kan'yang sarili halatang balisa na akala mo ano mang oras ay may mananakit sa kan'ya. Amoy alak ang hininga niya, at ang ngiti niya'y pamilyar... mapanlinlang. Halatang kabado talagang makita ako.

Naalala ko ang una naming pagkikita matapos akong makabalik 4 days ago.

"B-bumalik ka... where's my son? Nasaan si Archer?" tanong niya sa akin.

"Nasa totoo niyang ina, Angel," madiing saad ko.

"Just tell me the truth... why did you do that?" I asked. Hindi ko kailangan na idetalye pa ang katanungan kong 'to. Alam ko namang alam niya ang ibig kong sabihin.

Hindi ko kailangan ng palusot mula sa kan'ya.

Hindi ko kailangan ng luha niya lalo pa't alam kong kumuha rin si Dette dahil sa mga nangyaring 'to.

Kasalanan ko. Nakakatawa lang na sa huli ko na pagtanto ang kaduwagan ko.

Ang kailangan ko ngayon ay ang katotohanan at ang mga pangalan ng lahat ang taong nanakit kay Bernadette. Kasagutan kung ba't humantong sa paghihiwalay ng kambal namin. Lahat ng mga 'to ay para sa mag-iina ko.

The Billionaire's SurrogateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon