Chapter 42

3.5K 67 18
                                        

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

"Bernadette!" sigaw ni Sarah. She called out my name and waved at me. I was calm as I walked in. Medyo madilim pa at malapit nang magbukang liwayway.

I was about to take over her shift since the resort always has a stream of special guests, especially since it's well-known and operates all night.

"Wow! Fresh na fresh!" tumatawa siyang sabi kaya't natawa rin ako. She complimented me, laughing. I smiled and pretended to flick my long hair even though it was tied up in a bun.

"Sorry! Sirena lang!" I joked, spinning around, not caring if I almost tripped because of my 3-inch heels.

"Latina! Gorgeous!" sigaw niya sa buong malawak na hall.

We gave each other a high-five. Suddenly, I felt a pang of missing Kassidy. She stayed in Manila and wasn't answering my calls. I was starting to worry, especially because she had that abusive boyfriend.

If I ever see her, I swear, I'll snap her head off.

"Gaga!" sabi ko nang makalapit na ako sa kanya.

"Kakapagod ang night shift na 'yan, hayop! Nakakaubos ng energy, pero okay lang!" kinikilig na sabi ni Sarah, tapos napatalon-talon pa sa harapan ko.

She laughed and said how exhausting the night shift was but still fun.

"Bakit? Anong chika?" tanong ko, natatawa.

Marami kasing nangyayari sa resort na 'to, lalo na sa mga empleyado. Sa dami namin, talagang may mga nakakapanood na guest na nasusubok sa mga kaganapan sa resort. May mga sinugod na asawa, may mga sinugod na ex-girlfriend, at may mga sinugod pa kasi ninakawan daw sila.

Noong una, hindi ko pa pinaniniwalaan ang mga kwento tungkol sa 'extra services' nila. Pero nang magtrabaho ako dito, naranasan ko na mismo—grabe pala talaga. Lalo na yung mga foreign guests, ibang klase.

Ewan ko na lang. Buti na lang hindi ako nagpapatinag, kung hindi baka madagdagan pa si Dudung. Sumasakit na nga ang likod ko sa kanya, eh.

"Wala naman masyadong ganap, maliban sa mga bagong guests na super gwapo! Lahat titikman!" sabi ni Sarah, kaya't napailing na lang ako at natawa.

Nagkatinginan kami ni Sarah at pareho kaming natawa. Alam namin kung gaano ka-busy at ka-energetic ang mga empleyado ng resort, lalo na kapag may mga bagong guest. Lalo na ngayon, may mga bagong mukha na naman. At kapag may bagong mga guest, lahat kami abala sa pagpapaganda ng aming mga serbisyo.

"May bago na namang celebrity guest yata," dagdag ni Sarah, na tila may kilig pa sa mga mata. "May mga rumors na may foreigner na bigla na lang dumaan at nag-book ng private villa. Wala nang ibang hanap, parang straight to the point. Paramg sarap magpa-baby!" malanding saad ni Sarah kaya napailing na lamang ako.

Natawa ako sa sinabi niya. Gan'yan nga sa resort na 'to, hindi mo alam kung sino ang darating at kung ano ang dahilan kung bakit sila nag-book. Kung minsan, nagiging mas komplikado pa ang mga guest kaysa sa mismong serbisyo.

"Grabe ka, Sarah, baka magulat tayo kung may biglang dumating na artista o kaya'y CEO na may kasamang bodyguards!" biro ko, tapos sumandal ako sa counter, naghihintay na magsimula ang shift.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon