28

549 6 0
                                    

Responsibility


Pag gising ko ay wala na si Deuce sa kwarto. Maaga pa naman nang chineck ko ang oras sa aking cellphone. Nagsimula na rin ako sa pag aayos ng dalang maleta inilabas ko na ang mga gagamitin ngayong araw.

Nilapag ko na rin ang susuotin na damit para sa araw na ito. Pumasok na sa banyo at para makaligo. May kalakihan ang banyo kaya doon ko na rin dinal ang ilang gamit at aking cellphone para makapag music.

Habang nasa shower ako ay panay hinto ang pinatugtog kong music dahil sa nag uunahan na notifications. Kaya naman nang matapos sa pagligo ay sinuot ko lang ang hinandang bath robe sa banyo at binuksan na ang cellphone.

Nakatanggap ako ng mga kopya ng mga pictures at videos noong naganap na new year celebration galing kay Nathan. Isa isa kong tinignan iyon di napigilan na matawa sa ilang mga videos.

Nakuha naman ang aking atensyon nang kasali roon ang pictures naming dalawa ni Deuce. Tama nga ang hinala ko na kinunan kami ni Nathan noong naghalikan kami ni Deuce sa sala.
Ilang pictures na stolen at may kopya rin noong nakaharap kaming dalawa sa camera at nakasimangot lamang si Deuce.

I saved some of the pictures that i like and also Deuce and i's copies. Ito siguro ang unang pagkakataon na may larawan kami na magkasama.

Nang natapos nako sa mga photos ay di ko naman nakaligtaan na mapansin ang mga natatanggap na mga mensahe.

Napasinghap ako nang mabasa ang mensahe galing sa pilipinas.

Mama: Aba! Ilang araw na kaming naghihintay at kahit ang mga mensahe namin ay di mo man lang magawang tignan? Baka nakakalimutan mo na kailangan din namin mabuhay? Araw araw may mga gastusin dito sa bahay! Yung kuryente at tubig tapos ang mahal pa ng mga bilihin? Pasalamat ka na nga lang at di tayo umuupa! Exam na ng kapatid mo sa susunod na linggo. Oh? Ano plano mo?

Mama: Nasa abroad nga di naman maaasahan! Walang kwenta rin! Ano pa't malaking ginastos ko sayo?

Bigla akong nakaramdam ng panghihina ng tuhod habang binabasa ang sunod sunod na mensahe. Ilang araw na di ko agad nabasa ang mensahe nila? Di man lang ba nila kayang mangamusta kung ano na ang nangyayari sa akin dito sa ibang bansa?

Ilang linggo na sunod sunod ang trabaho ko kaya halos yung oras ay tinutulog ko nalang kesa sa igugol la sa ibang bagay. Gigising para sa trabaho at matutulog para sa trabaho.

Avis: pasensya na po at masyadong abala lang sa trabaho. Hindi ko naman ho nakaligtaan ang magpadala ng pera buwan buwan. Iyong tuition fee at allowance ni bunso pinadala ko na sa kaniyang bangko noong isang araw. Sinabay ko na rin po ang budget para sa grocery doon. Hindi pa naman po katapusan ng buwan at di ko pa alam kung magkano lahat ang kailangan na babayaran sa ilaw at tubig sa buwan nato. Sabihan niyo nalang po ako kung magkano lahat para magawan ko ng paraan.

Noong unang sweldo ko ay hindi ako sanay sa pagbubudget at naisip ko naman na ibabalik ko ang mga perang ginastos nila sa akin. Sa isang semester 30k ang kailangan na bayaran ko sa eskwelahan kay lalabas na 60k sa isang taon tapos 4k naman sa isang buwan na allowance kaya noong una ganoon din kalaking pera binigay ko sa kanila pero nagreklamo si mama.

Hindi ko naintindihan nung una kung bakit eh palagi nilang sinasabi na ibalik ko yung perang ginastos pero bakit ngayon parang lumalaki yata ang interes?

Mama: aba! ang kuripot mo nga naman! Iyong ibang kapitabahay natin na may abroad din ang lalaki ng mga perang pinadala! Ano bang pinagagawa mo diyan!

Avis: magpapadala naman ako, mama. Tutulong po ako lalo na kung importanteng bagay at di ko po kayo tinitipid ni bunso.

Mama: ay ewan ko sayong bata ka! Buti nalang talaga di ko pinakialaman ang ibang titulo para lang matustusan ka! Ganito ka pala! Nag ibang bansa lang yumabang na! O siya! Salamat sa limos!

On His Roster (Aviación  #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon