89

123 4 0
                                    

Permission


Hindi ko na halos masundan kung anong nangyari kagabi. Akala ko hindi niya ako kakausapin pero nagkamali ako. May oras naman pala siya sa akin kahit papaano.

Nagkausap kami kagabi na parang mga baguhan at teenagers, abala sa cellphone kakatext at video call. I think i forgot to say good bye to him last night, nakatulog nalang ako bigla dahil sa sobrang antok.

Matapos kong mag send ng text sa kaniya at lumabas na ako ng kwarto. Ang lamig pa rin kahit may sikat na ng araw. Yung kapatid ko naman abala sa kaniyang nilalaro sa cellphone habang si mama ay nagluluto na ng agahan.

Naupo ako roon at tanaw ang malawak na kalangitan at lupain. Matapos ang ilang minuto ay tumayo na ako para mag timpla ng kape. May pandesal sa lamesa kaya kumuha rin ako ng isa.

Iniisip ko na kasalanan ni Deuce kung bakit nawala ang anak namin pero may parte rin sa aking utak na nagsasabing pareho naman naming hindi alam na buntis nga ako.

Pareho kaming dalawa na hindi nag iingat para maalagaan ang baby sa tiyan ko. Ang unfair naman siguro kung ibubuhos ko sa kaniya lahat ng mali at pagkukulang.

Nagtatampo ako kasi kung hindi niya lang sana pinagtuonan ng pansin ang kaniyang asawa edi sana hindi kami naging magulo dalawa.

Pero wala na tapos na kaya mas mabuti nalng sigurong abalahin ko ang sarili para sa kinabukasan at hindi sa mga nakaraan. If i will leave him now will it make me happy?

Hindi naman diba kaya kung gusto ko pa siyang makasama siguro ang kailangan naming gawin ay ang mag usap kung paano namin tatahakin ang susunod na mga araw na magkasama.

Naubos ang araw ko na tahimik at normal ang takbo ng mundo. Kakain at matutulog tapos iiyak na naman kapag gabi, mag isa sa kwarto. Ang nagpabigla sa akin ay agad akong nakatanggap ng tawag mula sa kaniya.

I was about to text him but then he's suddenly calling me now. Pinalis ko ang luha at humiga nalang sa kama. Inaabangan ang kaniyang boses para pakalmahin ako. It feels so intimate to have this kind of connection with him, yung tipong hindi ako makakausad kung wala siya para samahan ako.

Parang alam niya na masyado akong tinatalo ng lungkot kapag ganitong mga oras kaya naman ay tinatawagan niya ako bago ako matulog.

Four days before my flight to Dubai, may ihahanda raw na lechon ngayon na libre naman ng kapatid kong lalake. Siya ang nagbayad at naghanda rin ng kaonting putahe si mama para sa aming tanghalian.

Sa pagkakaalam ko ay maagang umalis ang kapatid para mamili sa siyudad. Idedeliver din ang lechon mamaya mga alas onse.

Ako naman ay nagbibihis na sa kwarto ng pambahay dahil kami lang naman at yung ibang kapitbahay namin. Kaonti lang kami at simpleng salu salo lang bago ako tuluyan na aalis pabalik sa trabaho.

Pag labas ko ng kwarto tanging yung kapitbahay na naging kaibigan ni mama ang nasa kusina at binabantayan ang niluluto.

Living in Cebu allows you to visit mountains in a matter of minutes and return to beaches in an hour. The city, farmland, and beaches are all easily accessible.

I chatted with the kids who lived near our property while also assisting with the meal preparation. I rarely visit here, so they're really interested in me, which is why they're so curious about the things I do.

Habang nakatingin sa mga bata na masayang nakikipag kwentuhan sa akin parang mas lunala ang kirot sa aking puso. Pinilit kong ngumiti at magpanggap na parang walang epekto yung sakit at inabala nalang ang sarili sa pag tulong sa kusina.

On His Roster (Aviación  #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon