88

142 3 0
                                    

Mourn


I will take your heart and keep it forever, so don't let worries stop you from free falling for me. Don't work too hard, darling. I love you. Oh and your uniform too I'd love to take it off of you.

Hindi kami nag uusap ni Deuce ilang linggo na dahil na rin sa oras at trabaho. Tanging sulat niya lang ang pinanghahawakan ko lalo na sa mga oras na miss kong makasama siya.

Tama naman na magkalayo na muna kami ngayon para makapag isip ng maayos. Malaman kung ano ang dapat sa akin at kung ano ang gusto kong gawin sa buhay.

Nakakatanga rin talaga na palagi ko nalang siyang sinusunod at hinahabol. Hindi naman ako nagdududa sa kung anong nararamdaman niya sa akin. Naiisip ko lang na kung tama pa ba na ipaglaban ko pa ito.

His letters are always so warm and it made me feel secured. May natanggap akong text galing sa kaniya nag uupdate siya kung anong ginagawa niya lately, sabi naman niya na abala siya sa opisina at inaayos niya ang kaniyang promotion.

Pakiramdam ko may agrabyado talaga kaya hanggang ngayon hindi pa rin napag uusapan. Alam kong dahil na naman sa akin kung bakit may aberya sa trabaho niya.

Sabi niya rin sa akin na bumalik siya sa italy para ayusin ang kaniyang divorce. Ngayon sa puntong ito wala na talaga akong pakealam sa buhay nila noon ni Caren.

Ayaw ko rin na mamilit. Mas alam ko na kung anong dapat na i priority ko at yun ay ang aking trabaho.

Tama nga naman siya na dapat hayaan ko siyang ayusin ang kaniyang buhay at hindi na mamilit ag makialam pa. Hindi ko responsibilidad na ayusin at baguhin ang buhay niya lalo pa at tungkol ito sa kay Caren at sa kasal nila.

Takot at praning pa rin ba ako dahil kay Caren? Sa ngayon hindi na siguro ako magsasayang ng oras para lang isipin ang mga bagay na kinatatakutan ko.

Sa buhay naman mangyayari at mangyayari talaga kung ano ang dapat na mangyari. Hindi titigil ang pag ikot ng mundo dahil lang takot ako. Ang tanging magagawa ko lang ay maging handa sa kung ano man ang haharapin at mas maging matapang para sa sarili kung may araw man na malungkot at nakakapanghina.

Dear love, if you wonder why I'm so in love with you, here's just one of the many reasons why I'm even more in love with you when you clean the car when you shouldn't have! You made it so I can use it for work. I keep forgetting it every time I go out. Thank you love! I have a can of mini cookies that you made, so I have something with me at work! I really love you! Little things that, as I use or consume them, make me think of you and how much you care about me.


Palagi kong binabasa ito lalo na sa mga oras na naiisip kong wag nang ituloy ang relasyon naming dalawa. Alam ko naman na importante ako sa kaniya pero marami lang talagang nangyayari sa buhay naming dalawa na hindi namin kontrolado.

Mahirap siya at nakakapagod kaya rin siguro ngayon parang wala na akong enerhiya para makipaglaban. Pagod na akong gumawa ng paraan para maipag tanggol ang sarili.

Hindi ko na rin kayang mag inarte at mag reklamo sa kaniya kung bakit ginawa niya lang akong kabet o kaya naman bakit nawala ang baby namin. Wala na akong pakealam.

Kung maghahanap man siya ng iba siguro hindi ko na kayang ipaglaban pa ang sarili ko. Hahayaan ko siyang makawala at mas pipiliin ko nalang na maging abala sa buhay at pag iipon ng pera. Masasaktan ako pero iiyak ko nalang siguro.

On His Roster (Aviación  #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon